Day 05 CAMINO Naiinis kung tinakip ang unan sa ulo ko para hindi marinig ang pagbubunganga ni Mama dahil inabot na naman daw ako ng umaga sa inuman kasama ang mga barkada ko. Idagdag pa daw na puro na naman bagsak ang grades ko at sila ang kinukulit ng mga prof ko. Anong magagawa ko kung nakakaantok ang klase nila? Pinipilit ko namang sundin ang gusto nila at mag-aral ng mabuti. Ngunit sadyang nakakaantok lang makinig sa walang kataposan nilang mga lesson. “Sinasabi ko talaga sayo, Camino Antonio ako na ang kakalbo sayo, sa susunod na mahuli kitang nakikipag basag ulo na naman at nakikipag inoman sa labas na parang bagong laya!” sigaw ni Mama habang paulit-ulit akong hinahampas ng unan. Kung hindi niya ako pinagagalitan sa mga grades ko ang bawat galaw ko naman ang binabantayan niy

