DAY 03

2950 Words
Day 03   Minsan ba naranasan mo na iyong pagkakataon na parang pinagkakaisahan ka ng lahat? Kahit ilang beses mong ipilit na iwasan ang pagkakataon mismo ang gumagawa ng paraan para sa ‘yo—sa inyo.   Napapailing akong kinuha ang bag ko at naglakad palapit sa mini bus na huminto sa tapat ng gate namin. Kanina pa ako ditto nakaupo sa labas ng gate dahil sabi nila ay malapit na sila pero nakatapos na ako ng isang game sa COC ay kakarating palang nila. Pupunta kami ngayon ng Villa Escudero. Hindi pa ako nakakapunta doon kaya gusto kong sumama at hindi ko naman akalain na marami pala kami at kasama pa ang Senyorita.   “Ino wag kang tumanga diyan. Tara na!” tawag ni Cris na nakaupo sa harap katabi ng driver nila.   Halos hilahin ko na ang paa ko papasok sa Mini Bus. Hindi pa naman namin napupuno ang mini bus kaya marami pang pwesto. Pero ito ang kinaiinisan ko sa kanila kapag aalis ang barkada. Laging may kasamang mga bitbit okay lang kong mga kapatid o pinsan, pero ang magsama ng girlfriend o boyfriend sa lakad ng barkada? Saan pa lulugar ang mga single at happy go lucky na gaya ko? Tsk!   Pagpasok ko ay nadaanan ko si Tiara na katabi ang mga babae na pinagkakagulohan siya. Pati na rin ang mga lalaking mukhang interesado rin sa kanya. Nasa sampo kami dito sa loob ng mini bus kasama ang driver. Kaya sobrang luwag nito para sa amin pero wala naman kaming choice dahil courtesy of the Senyorita daw ito. Sabagay sa aming lahat siya ang pinaka mayaman kaya hindi na nakakapagtakang minsan ipagyabang niya naman ‘yon sa iba.   “Ino, hindi mo man lang ba babatiiin si Ara?” kunot noo kong tiningnan si Cath na katabi si Tia.   “Oo nga, Ino. Naglaan talaga siya ng oras para sa barkada.”   Wala sa loob na napaikot ang mata ko sa narinig mula kay Kayla. Mayaman naman siya pero kong magsalita parang Almighty ang babaeng katabi nila. Napapailing nalang tuloy akong nahiga sa backseat at inilagay ang headset ko sa dalawang tenga. Ayoko ng dumagdag pa sa ingay nila ang gusto ko ngayon ay katahimikan at antok na antok pa talaga ako.   Nagising ako na may tumutusok sa pisngi ko. Ilang beses ko nang winaksi ito pero hindi pa rin ito tumitigil. Nang idilat ko ang mata ko at tanggaling ang headset sa tenga ko ay ang babaeng ayokong makita ang bumungad sa akin.   “Ano ‘yon?” Naiinis kung tanong sa kanya habang nakahiga pa rin.   “Do you have candy or something? I feel dizzy.”   Ilang minuto kung pinagmasdan ang maganda nitong mukha. Pero tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin ay napapangiwi nalang. Muli kung sinuot ang headeset ko at pumikit. Nang akmang tatalikoran ko na siya ay pinigilan niya na ang braso ko.   “Nasusuka talaga ako, Camino. Tulog silang lahat wala akong mahanap na candy.” Napahilamos nalang ako ng kamay sa sariling mukha at padaskol na tumayo.   “Bakit ba ako ang ginugulo mo? Can’t you ask your friend or boys to do that for you?” I hissed on her.   Saglit na nawala ang ngiti sa mukha nito bago muli na naming ngumiti. “Sorry. You’re the only person I’m comfortable with besides I don’t know much about them.”   “Ito oh! Wag mo na akong gisingin ayoko ng maingay at magulo. Umalis kana diyan,” ingos ko sa kanya nang iabot ko ang Tic-tac na dala ko bago muling pumikit at tinalikoran siya.   Ilang minute na akong nakapikit pero hindi ako makomportable sa pagtulog ko. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. At ng idilat ko ang mata ko ay nandoon pa rin ang babaeng tinataboy ko. Nakaupo ito sa upoang malapit sa akin at panaka-nakang bumabaling sa akin.   “Di ba sabi ko umalis ka na? Ba’t nandiyan ka pa rin?” kunot noo kong tanong sa kanya.   “Sorry. Naiistorbo ba kita? Bigla kasi akong nahilo hindi ako makatayo mag-isa,” saad niya bago biglang tumayo.   Pagtayo niya ay mabilis din akong napabangon ng bigla itong matumba. Mabuti nalang at mabilis ko itong nasalo. Kita ang pamumutla sa mukha nito. Samantalang hindi naman ganoon kabilis ang takbo ng bus pero ang itsura nito ay akala mo sumakay siya ng ferris wheel.   “Ayos ka lang? May masakit ba sayo?”   “Oo. Ayos lang ako. Sorry,” saad niya bago dahan-dahan  itong lumayo sa akin.   “Kung nahihilo ka dito ka nalang humiga. Pupunta lang ako kay Cris.”   Hindi ko na inantay pa ang isasagot niya basta tinalikoran ko nalang siya. At naglakad ako papunta sa pwesto nila Cris. Nagkakagulo sila sa mga sa pinapanood nilang p**n. Mga gago talaga kahit may mga kasamang babae ay nanonood pa rin sila ng ganyan.   “Oh, akala ko matutulog ka?” bungad ni Cris sa akin.     “Ang ingay n’yo eh!” Pagsusungit  ko kay Cris ng maupo ako sa tabi niya.    Hindi ko masabing may babaeng nang –istorbo sa akin kaya hindi ko na magawa ang gusto ko. Sumiksik ako sa isang tabi at pinagkasya doon ang sarili ko hanggang sa makatulog ako. Pero habang nakapikit ako ay sumasagi sa isip ko kung ayos lang bas i Tia na iwan ko mag-isa. Pero ayoko din naman siyang kausap kaya hayaan nalang. Bahala s’ya sa buhay niya. Tsk!   Kahit lagyan ko ng headset ang tenga ko ay wala ring silbi sa lakas ng mga bibig ng mga kupal na ito. Mayayamang malilibog ang mga gago! Napapailing nalang akong kinuha ang cellphone ko at nagcheck ng Socmed ko. Unang sumalubong sa akin ang isang mukhang kanina lang ay ayaw kung tingnan. Pero heto siya ngayon at nakangiting nakatingin sa camerang nasa harap niya.   “Tsk! Akala mo naman kinaganda niya ang ginagawa niya,” bulong ko bago lagpasan ang picture ni Tia. s**t! What the f**k?!   Pero muntik akong mapasigaw sa gulat nang mapindot ko ang heart button sa litrato niya. Pakshit ka Ino! Ang bobo mo na naman. Minsan ang sarap mong dagukan baka sakaling umayos ang takbo ng utak mo.   “Anong problema Ino?” tanong ni Cris sa akin.   Nagulat pa ako sa tanong na ‘yon ni Cris. Lahat sila nakatingin sa akin at napaawang nalang ang labi ko nang makita kung nakatayo na pala ako nang hindi ko namamalayan. Dali-dali akong naupo at agad na sinuklob ang hood ng jacket ko sa ulo ko.   Shit! This day is f*****g embarrassing and I will never forget it.   Ilang beses kung binalikan ang post niya na ‘yon pero hindi ko na maalis ang puso doon. Kaunti nalang maibabato ko na ang phone at hindi ‘yon pwede dahil mayayari na naman ako kay Mommy. Wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin na makikita niya ito paggising ni Tia.   Sa sobrang inis ko ay hindi ko namalayang nakatulog na ako habang iniisip kung ano ang dahilang ibibigay ko sa kanya kapag nagtanong siya. Baka mamaya ay mag-isip siya ng kung ano dahil lang sa nangyari.   “Hanggang ngayon ba affected ka pa rin kay Ara? Bro, it’s been years and you still hadn’t moved on?” Mark started as he sat beside me.   Saglit akong natigilan sa sinabi ni Mark at nag-isip. Hindi pa rin ba ako nakakamove-on? Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na ‘yon sa totoo lang.   “I don’t know,” kibit balikat kung sagot sa kanya.   Nandito na kami sa Villa at nakapag settle na rin ang lahat kaya naghahanda na kami para sa pagkain. Dito namin napagpasyahang kumain dahil malaki ang lugar at maaaring mag-ingay ang mga kaibigan kung mas maligalig pa sa mga batang maliit.   “Imposibleng hindi mo alam. Why don’t you give it a try again? After all past is past. Malay mo this time hindi na gaya ng dati ang maging resulta ng lahat.”   Kung sana nga ay ganoon kadali ang lahat. Pero nakakadala lalo na at hindi lang naman isang beses na nangyaring tinanggihan ako ng babaeng ‘yon. Sapat na siguro ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Hindi kami magkaibigan, hindi kami close at mas lalong wala akong aasahan sa kanya. Sa paraang ‘yon hindi ako mahihirapan at wala rin akong aasahang kahit ano.   Alam ko namang wala siyang kinalaman sa kahit anong kinalalabasan ng nararamdaman ko. Pero minsan kapag paulit-ulit na ang lahat matatakot kana. Magiging maingat kana sa bawat galaw, desisyon at kung ano-ano pang bagay na kasasangkotan ng sensitibo mong puso.   “Oo nga, Ino. Sometimes you really need to take a risk for everything that you want,” Cris added who sat beside me.   Sila ang mga kaibigan kung walang tigil sa pangungumbinsi sa akin mula noon. Sabagay sila lang naman at ang pamilya ko ang matiyagang intindihin ako.   “Tigilan niyo ako. Matagal ko na ‘yon kinalimotan,” saad ko bago tumayo at nag-umpisang maglakad paalis doon.   “Saan ka pupunta?” pahabol na tanong ni Cris.   “Dito lang. Mag-iikot lang ako,” saad ko bago tuloyan silang iwan.   Ilang mga namamasyal din ang nakasalubong ko habang nag-iikot. Pero hindi pa rin ganoon kacrowded ang buong lugar. Matagal ko nang gustong pumunta dito marami kasing nagsasabi na maganda dito.   Naupo ako sa isang gilid at kinuha ang drawing pad kung dala. Nasa harap ko ngayon ang sikat na falls kung saan pwede kayong kumain sa ibaba nito. Iilan palang ang mga taong nandoon dahil mainit pa sa buong lugar. Kinuha ko ang pen ko at nag-umpisang magsketch habang pinapanood ang mga taong nagkakasiyahan sa harap ko.   “Oh, you’re still sketching.”   Nilingon ko ang nagsalita sa tabi ko at halos mahulog ako sa kinauupoan ko dahil sa gulat nang makita ko kung sino ito. Para namang kabute ang babaeng ito at bigla nalang sumusulpot. Umingos ako at tinalikoran lang ito. Pero pag-ikot ko ay nakasunod na naman ito sa akin.   “Tsk! Do you know that you’re disturbing me?” ingos ko kay Tia.   “Did i? But i wanted to watch you draw that falls.”   Napasimangot ako sa sinabi niya. Tsk! Hindi niya ba alam ang salitang space? At siguro naman aware siya sa mga ginawa ko noon? Pero kung umasta ito sa harap ko ngayon ay para bang matalik kaming magkaibigan. At baliwala lang sa aking ang lahat ng ginagawa niya.   Sa inis ko ay pinatay ko nalang ang pad ko at tumayo. Hindi na ako nag-abala pang lingonin siya kahit narinig ko pang ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko.   Pagbalik ko sa kubo ay handa na ang pagkain. At malayo palang ay naririnig ko na ang ingay mula sa kanilang lahat. Kahit kailan talaga hindi nauubosan nang kwento ang mga kaibigan kung ito.   “Hoy, Ino ikaw ang nakatoka sa pag-iihaw pero bigla kang lumalayas. Kakain na, tang’na ka!” Hindi ko mapigilang matawa nalang sa itsura ni Olan dahil sa dungis nito ngayon.   “Hayaan mo na si Ino. Baka nanligaw kaya biglang nawala,” nakangising tukso sa akin ni Marcus.   Dadagdagan pa sana ni Crisanto ang pang-aasar sa akin. Pero tinaas ko na agad ang gitnang daliri ko sa kanya para manahimik na ito. Imbes na sila lang ang papatahimikin ko ay baka madadagdagan pa.   Sa isang malaking gazebo kami kumain. At pati mga ibang staff at guest ay napapalingon sa ingay namin. Dahil habang kumakain ay wala ding tigil ang kwentohan ng lahat. Kaya mas lalo kaming iingay lalo na kapag nag-umpisa ng maging mongoloid si Crisanto.   “Omg, Ino. Where have you been? I was looking for you,”   “Really, Asia? I thought I saw you a while ago strolling around with a guy?” I smirked when I saw her stilled.   Wala itong tigil sa pangungulit sa akin at sa pagsasabing gusto niya ako simula noon. Pero sa tuwing nakakakita siya ng gwapo ay hindi niya rin mapigilan ang sarili niya. Napapailing nalang akong natawa bago nilagpasan si Asia at dumiretso sa grupo ng mga lalaki.   “Ara, bugtong-bugtong. Malambot na parang ulap, kasama ko sa mga pangarap,” tanong ni Crisanto kay Tia.   Bugtong ang tema ng games nila lalaki laban sa mga babae at hindi ko alam kung may laban sila dahil lahat ng babae namin ay maaarte. Ang talo ay magpeperfom ng sayaw sa gitna mamaya. Lahat naman naayos na nila Cris kanina kasama si Marcus. At si Tia lahat ang nagbayad dahil ayaw nitong pumayag na kami ang gagastos. Kahit lahat naman ng kasama niya ay mapipera.   “Oh my God! It there a bugtong that’s english? Ulap is cloud right?” Natataranta niyang tanong.   Mahuhulaan niya kaya ‘yon? Parang kahit noong nandito pa siya sa Pinas ay inglisera na siya. At madalas bagsak siya sa Pilipino dahil nga panay ang ingles niya. Napapailing nalang akong sumandal sa upoan at kinuha ang unang nasa tabi ko at niyakap.   “Oh, my Ara, faster. We’re going go make talo na,” sigaw pa ni Asia.   “Last five seconds, girls,” sigaw ni Olan.   Habang ang ibang girls ay nag-iisip din ng isasagot. Napakunot ang noo ko ng bumaling siya sa akin. Saglit itong tumitig sa akin at napaawang ang mga labi kasabay ng biglang panlalaki ng mata.   “It’s pillow. God, Ownan. It’s Ownan.”   Gusto kung humagalpak ng tawa sa paraan ng pagkakabanggit niya ng unan. Kaso baka magalit na naman sa akin ang mga girls kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko. Pero kahit ayaw kung makisali sa kanila ay wala akong magagawa kesa mag-isa akong sumayaw sa gitna maganda ng damay-damay kami.   “Thank you, Camino!” dinig kung sigaw niya.   “Hoy, Ino. Tinuroan mo?” hampas ni Cris sa akin.   “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Crisanto.” Tamad kung sagot dito.   “He, did not. I guess it. When I saw Camino hugging a pillow,” she proudly say’s.   Sana all nahuhulaan mo. Dapat mahulaan mo rin na nilalayoan kita kaya tigilan mo ang pangungulit sa akin. Hindi na rin naman ako umaasa na mahuhulaan mo pa ang iniisip ko kaya siguro ako nalang ang gagawa noon para sayo.   “Ino ikaw na,” sigaw ni Olan kaya tumayo na ako.   Kinuha ko ang papel sa palabunotan na ginawa ni Olan. Dahil siya ang scorer namin ay hindi siya kasali. Madaya dahil nakaligtas siya sa parusa. Tsk!   “Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.”   Saglit akong nag-isip kung pero parang nablanko yata ang utak ko at hindi gumagana. Bumaling ako sa boys dahil baka alam nila pero nagkibit balikat lang ang mga ito. Pero nabuhay ako ng pag-asa ng biglang tumayo si Cris.   “Alam mo?” tanong ko sa kanya.   “Baka ‘yong ano mo kay ano,” seryoso niyang sagot sa akin bago malakas silang tumawa ni Marcus.   “f**k you ka bente! Pass!” sigaw ko.   Akala ko ay tapos na kami pero hanggat hindi daw ako nakakasagot ay hindi ako pwedeng umalis. Factory ba sila ng bugtong? Paano kung lahat hindi ko pa rin masagot?    “Another one. Ang sagot kanina ay tenga. Bugtong-bugtong, isa ang pasukan, tatlo ang labasan,” Olan said.   “What the f**k is that?” Nag-aral ako noon pero wala akong matandaang may mga ganyang bugtong.   “You guess, dimwit!” sigaw ni Marcus. Sana tumutulong din sila diba?   “Baso? Tasa? Unan, Kumot, ilong, damit? Tang’na, ano bang sagot?” naiinis kung sigaw sa kanila. Pero nagulat nalang ako ng biglang nagtayoan ang mga boys dahil tama daw ang sagot.   Habang nakikisabay akong tumawa at magbunyi kasama ang mga boys ay napabaling ang mata ko sa babaeng matamang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal nakatingin sa akin basta alam ko ngayon sa akin nakatigil ang mga mata nito. Napaawang nalang ang labi ko ng isang ngiti ang iginawad niya sa akin bago ito tumayo at lumapit kay Cath.   Kasabay ng pagtalikod niya ay pumipintig ang puso ko ng hindi normal. Mabilis itong pumipintig na para bang ilang beses pang maulit ito ay atake na sa puso ang kahihinatnan ko.   “Ino, wake up. Kakain na daw tayo.”   “Ayoko pang kumain,” waksi ko sa kamay ng kung sino man ang gumigising sa akin.   Nandito ako ngayon nakahiga sa damohan malapit sa isang puno. Inaantok talaga ako kaya pilit akong naghahanap ng lugar kung saan medyo tahimik at malilim dahil mainit nga ang sikat ng araw at masakit sa balat.   “But it’s already late. And all of us is waiting for you. You haven’t eaten anything since we came here. Are you—“   “Oh, come on. Can’t you shut your mouth for a sec? You’re noise is killing me for heaven’s sake!” I shouted as I turned my back on Tia.   Gusto ko lang magpahinga pero kahit saan ako magpunta ay wala akong mahanap na tahimik na lugar. Pota, gusto ko siyang iwasan pero kada layo ko naman ay wala din siyang tigil sa pagsunod sa akin. O dili naman kaya ay bigla itong susulpot na parang kabute.   Hindi mainitin ang ulo ko. Actually I used to be the loud and jolly one in our group. But it change when she came. Maybe because I was still affected on her.   It’s killing my f*****g ego!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD