Day 18 TIARA LIFE NEVER gave you a free ride. You will surely get what you prayed for, but it doesn’t mean that it will never get something in return. You always get what you need but not what you want. Nagising akong nanghihina at nasusuka. Kaya kahit nahihirapan akong bumangon ay pinilit kung bumangon at makarating ng banyo. Dahil siguro ito sa mga tinurok sa akin ni Doc Marcon kahapon. Mas lalo tuloy akong nanghina at walang magawa kung hindi ang maratay sa kama na ito. Muntik pa akong bumagsak sa sahig ng bigla akong mawalan ng balance. Pagdating sa banyo ay para akong lantang gulay na napasandal nalang sa pinto dahil sa panghihina. Tuwing susuka nalang ako ay parang pati lamang loob ko ay sasama na sa sobrang duwal ko. Kinuha ko ang tubig na nasa lamesita ko at tuloy-tuloy ito

