Nagising akong siya ang una kong nakita. He was hugging me protectively in his arms. Tinitigan ko siya. Red is strikingly handsome. No doubt about it. College pa lang kami marami ng babae ang nagkakandarapa sa kanya pero unlike Alex na pinangangalandakan ang mga babae niya, I never saw Red with any girl. Well, noong una akala ko sila ni Nanami dahil palagi silang magkasama but I was shocked nang malaman kong Alex and Nanami were an item. Hindi kasi magkasundo ang dalawa at palaging nagbabangayan. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin. I can feel his hard muscles against my body. Red is not just a handsome face… maganda rin ang hubog ng katawan nito. Active ito sa sports noong college and hindi ito pumapalya sa pag-di-gym. Iisa k

