(JR's POV) "NATATAE ka ba o natutuwa?" Hindi ko alam kung mangingiti ba ako o mangingiwi nang dahan-dahang bumaling yung ulo nya sa direksyon ko, tila kinakalawang yung leeg nya sa sobrang bagal ng paglingon nya sakin eh kaya nahihinuha kong hindi pa sya nakakarecover mula sa pagkagulat. Pumalatak ako na sinabayan pa ng iling dahil sa reaksyon nyang yon. Heto na nga ba yung sinasabi ko kay Morgan na mabibigla si Eren at hindi nga ako nagkamali. Itsura palang eh. "Wala ka bang sasabihin man lang?" Parang tangang umawang yung labi nya kasabay ng panlalaki ng mga mata nya, hinintay kong magsalita sya pero itinikom nya lang ulit yon kaya napakamot ako ng ulo. I knew it. Malamang gulat na gulat buong pagkatao nya kaya ni ang magsalita ay hindi nya magawa. Pinanood ko syang bumangon haban

