Chapter 43 (Third Person's POV) KASABAY ng pagsugod ni JR kay Austin ay ang pagkilos pa ng ibang tauhan ng lalake para atakihin naman ang mga kasamahan ni JR. In just a snap of a finger, everything went chaotic. Sakto namang tinamaan ng bala ang mga nagbabantay kay Eren at sa mga kadalagahan. Saglit syang natulala pero mabilis syang umiling-iling tsaka lumapit sa mga babae para ipatanggal ang mga tali sa katawan. Sumunod naman ang mga ito at ginawa nga ang iniuutos nya, nagtulungan sila na makagawa ng paraan para matanggalan ng tali si Eren. Sa harap kasi nakagapos ang mga kamay ng mga babae hindi katulad ni Eren na nasa likuran. Nang makalas ang tali ni Eren ay agad nyang tinanggal ang tape sa sariling bibig at iginiya ang mga babae sa pinto di kalayuan sa kanila, "Hide here! Bilis!"

