Chapter 31 (Third Person's POV) SUNOD-sunod na putok ang umalingawngaw sa apat na sulok ng isang malawak na abandonadong factory house. Bukod pa doon yung iba pang ingay na nililikha ng mga taong nandoon, kapwa nagkakagulo at natataranta dala ng pagka-alarma nang mapag-alaman nilang may hindi kilalang taong nakapasok sa kuta nila. Kanya-kanyang sigaw ang mga armadong kalalakihan habang walang habas na pinaghihila ang mga kababaihang malapitan nila, hinahatak nila ang kahit na sinong mahawakan nila at itinutulak patungo sa isang sulok habang naglulumikot ang mga mata sa paligid. "Magsikalat kayo!" Utos ng pinaka-lider nila, hawak nya sa buhok ang isang dalagitang nasa edad kinse mahigit na panay ang piglas at iyak, "Hanapin nyo yung gagong nakapasok dito!" Agad namang tumalima ang mga

