Chapter 24
(Eren's POV)
"Weak ka naman pala eh."
I gave him my deadliest glare that made Jace stiffened on his seat with eyes widening in shock. Napa-ayos sya ng upo sa swivel chair nya ng wala sa oras tsaka sunod-sunod na lumunok.
"Dude, you mad at me?"
"Sa tingin mo?"
He shockingly looked at me, "Seryoso?"
Siniringan ko sya, "Nang-iinis ka eh."
"Eh? Paanong ako? Baka ikaw."
"Anong ako!?" Inis kong sagot, "Nagke-kwento ako ng maayos tapos sasabihan mo akong weak!?"
"Eh bakit kasi after mong mag-confess hindi mo man lang pinigilan sa pag-walk out si JR?"
"Para saan pa!?" I hissed.
He frowned, "Anong para saan pa?" The Jace chuckled, "Malamang para malaman mo kung ano ba talagang nararamdaman nya sayo, hindi pwedeng ganon nalang na nag-confess ka tapos sinabihan ka lang ng thank you?"
"But I was stunned by the fact that she actually left me after that!"
"Kaya nga dapat sumunod ka."
"Pero na-froze nga ako kasi nga na-shock ako!"
"Kahit na!"
"SHHH! Wag ka ngang sumigaw!? Nagigising yung baby namen!" I yelled at him as I caressed my baby's soft fur.
Jace let out a hard laugh while holding his stomach. Nagdadabog naman akong sumandal sa kinauupuan ko habang natutulog sa mga hita ko si Tofu, yung white munchkin kitten na bigay ni JR kahapon saken.
"Ikaw nga yung sumisigaw dyan."
"Tigil-tigilan mo kase ako!"
"Luh?" Hindi makapaniwala nya kong tinignan, "Inaano ka, Eren?"
Inirapan ko sya, "Ewan ko sayo!"
Tumawa nanaman sya ng pagkalakas-lakas habang lalong lumalim naman yung gatla sa noo ko matapos maalala yung eksena kahapon sa unit ko.
I spent the whole night on her mansion alone! A-LONE! A-L-O-N-E! ALONE! Mag-isa lang akong natulog sa kama namin---well, our baby Tofu is with me and I took care of our baby kitten but what the tofu!? Why does she have to avoid me!? Hanggang sa mag-umaga ni wala man lang akong balita sa kanya!? Ugh!
At ito namang isa, kinwentuhan ko na tinawanan pa ko! Kaya nga ako pumunta sa opisina nya para humingi ako ng matinong advice and such pero anong napala ko? Natawag pa kong weak! I'm not weak!? I AM NOT WEAK!
"Are you hungry?" I shook my head, "You sure? I'll ask my secretary to order some bucket full of fries for you if you want."
"Busog ako."
He didn't answer so I glanced at him and there, I saw his jaw dropped in disbelief and shock. Kung tignan nya ko eh para bang may narinig syang kagulat-gulat talaga kaya umingos ako sa inis.
"What?" My lips turned into a thin line, "Don't look at me like that!"
"Wow."
"Ano!?"
"Nireject mo yung favorite food mo."
"Oh tapos!?"
"Anong oh tapos?" His mouth is still hanging open while amusement is dancing on his eyes, "You never say no to fries."
"Eh sa hindi nga ako nagugutom eh! Bakit ba ang kulit mo!?"
He chuckled, "Ang init ng ulo mo, Eren."
"Dahil naiinis ako!" My fist began clenching and my teeth started gritting, I can also feel the lines on my forehead as I frown, "Imagine, Jace, imagine!? I never like anyone in my thirty years of existence! I never had a fling, girlfriend or any kind of relationship except for Jhayrein! That was my first time confessing my feelings for someone that I like for pete's sake tapos sasagutin nya ko ng 'Thank You'!? Alam mo ba kung gaano kasakit yung masagot ng thank you!? It's as painful as a rejection kasi parang luge ako sa sagot nyang yon! It hurts, Jace! It hurts!" Tinapik-tapik ko pa yung dibdib ko.
"Hahahaha wag ka ng magdrama dyan, mag-usap nalang kayo mamaya."
"No! I will not talk to her! Naiinis pa rin ako sa kanya!"
He c****d an eyebrow as if he's not believing me, "Really?"
"Yes!" I nodded, "Hindi ko sya kakausapin! Bahala sya dyan!"
What I did yesterday is really embarrasing. I finally said that I like her! Inipon ko pa naman lahat ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha para lang masabi ko sa kanyang mahal ko sya then what did she do?
She stared at me in disbelief for exactly five minutes with wide eyes before finally started blinking and said, "Thank you." then after that she began to walk out and never came back.
See!? Sinong hindi mababato sa sinabi nyang yon!? I confessed my feelings for her! Sabi ko gusto ko sya but what did she say!? Thank you!? She answered me an effin thank you!? Isang naglalagablab na THANK YOU!? Sinong matinong tokwa ang magsasabi ng 'thank you' sa taong nagkakagusto sa kanila!? Ugh! She's frustrating the hell out of me! TOKWA! Plus the fact tha she didn't went home last night! I was worried as hell because I don't even know where she is! Kung hindi pa ako i-text ni Charlotte na may overnight sila eh hindi ko pa malalaman kung nasaan sya! See that!? Did you see that!? SHE'S AVOIDING ME!
"Wag ka ng magmukmok dyan, bro."
"Hindi ako nagmumukmok! I'm mad!" Pinalobo ko yung mga pisngi ko habang naka-nguso dala ng matinding inis, lalo na nang ngisihan nya ko.
"You look cuter when you're mad, dude."
"Shut up!"
Itinaas nya yung mga kamay nya na tila sumusuko tsaka nagkibit ng balikat, "Kalma, maybe she's just thanking you because she appreciates your feelings for her."
"Appreciate!? Appreciate!?" Nandilat yung mga mata ko sa kanya, "That is not the right way to make me feel appreciated! It will never be the right way to make someone feel appreciated! Kung gusto nyang mag-thank you edi sana kinantahan nya nalang ako!"
"Seriously?" Jace scoffed, "And ano namang kanta yon?"
"Tenk yuuuuuuu por labing meeeeee!" Kanta ko sa matigas na accent na ikinatawa nya nanaman.
"That's so corny."
"Mas korni sya!" Singhal ko, "Thank you-thank you!? Tokwa sya!"
Inis ko syang sinamaan ng tingin kasi hindi na sya tumigil sa kakatawa mula pa kanina. Sira ulo neto! Wala ng ibang ginawa kundi tawanan ako! Is he really my bestfriend!?
"Malay mo she really likes you back naman pala."
I froze, "T-talaga?"
"Uh-huh..." Tatango-tangong anya tsaka umayos ng upo.
Parang nakaramdam ako ng pag-asa sa sinabi nyang yon---
"...malay mo lang naman." Dugtong pa nya that made me glare at him kaya bumakas yung pagtataka sa mukha nya. Tokwa talaga!
"What?"
"What mo tokwa mo!" I yelled after giving me an innocent look before throwing the the pen that I grabbed on top of his table.
Lalo akong nainis nang mailagan nya yon. Wala na akong ginawa but to sit properly with a smug face. Maka-what akala mo kung sinong inosente!
Seconds later, Jace eyed me with confusion written on his face.
"Look, Eren, kaya ko nasabing baka gusto ka din nya ay dahil sa mga bagay-bagay na ginagawa nya sayo like noong first date nyo, she made your first date very 'special', if you know what I mean. Then yung mga gestures nya, being caring, sweet and loving shits like that." Sumingkit yung mata ko pero nagpatuloy naman sya, "You said she bought a pastel pink themed mansion for the both of you, bought you a freakin pink Aston Martin Vulcan and now a kitten named Tofu."
"And your point is?" Bitin kong tanong na ikinangiwi naman nya.
"So slow, Eren. You're so slow." Pinagsalikop nya yung mga kamay nya, "Maybe that military wife of yours is making you feel loved by spoiling you with a lot of expensive things." Lalo syang ngumiwi, "And when I say expensive, I mean really expensive like what the f**k dude? Do you have any idea on how much that Aston Martin Vulcan sportscar costs?"
"No."
"Millions of euro, Eren. A million euros." He pursed his lips, "I can spend a million of euros to buy a car like that but man, para lang ipamigay? No fuckin way. Hindi ako gagastos ng milyones para lang sa magiging syota ko." Kunot-noo nya kong hinarap, "Sure ka bang sundalo lang talaga yang asawa mo?"
Umismid ako, "May special jobs sya pero hindi ko alam kung ano."
"Ahhh. Kaya naman pala."
Napayuko ako ng kaunti habang iniisip ng mabuti yung mga pinagsasabi ni Jace.
If that's really the case eh hindi ko ramdam na gusto nya ko, I mean natutuwa ako na ini-spoil nya ko pero hindi naman ako materyalistikong klase ng tao.
What I want is an answer from her. I want to hear from her if she likes me too or not para naman hindi ako mag-isip ng kung ano-ano.
We're doing things beyond being a 'fake wedded couple' kaya umaasa ako na kahit papano eh gusto nya din ako. If she's not going to answer my feelings then mas lalo lang akon aasa sa kanya kaya gusto ko eh isang bagsakan nalang.
Rejected or not, I'll accept it wholeheartedly.
I can't do anything but sigh as I focus my eyes on our sleeping baby Tofu. Sa kanya nalang ako tumingin habang hinihimas yung malambot nyang balahibo. It's color white, tapos yung bilugan nyang mata is color gray. So cute, so fluffy!
Atleast this cute little kitten lessens my frustration.
"Anyway, JR is still coming with you tonight , right?" He suddenly asked, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Naalala ko bigla yung party. Mamaya na nga pala yon. Kahapon excited ako pero ngayon hindi na, si JR kasi eh!
Napasimangot ako. Ginugol ko yung umaga ko sa pagsha-shopping ng isusuot ko! Hindi ko talaga matanggap yung response nya saken kaya nag-frustrating shopping ako kasama si baby Tofu tsaka ako dumiretso sa office na toh ni Jace para mang-istorbo.
Ini-stress ako ni JR. Hmp.
Bumuntong hininga ako, "Sana nga."
He tsked, "Sasama pa rin yan sayo, imposibleng pabayaan ka nyang mag-isa sa party na yon."
"Eeeh! Jace! She's avoiding me nga!" I rolled my eyes, "Paulit-ulit naman tayo nyan ih! Paulit-ulit tayo!? Paulit-ulit!? Tokwa ka!" Sarkastiko kong sagot.
"Chill!"
"Chill mo tokwa mo!"
Magsasalita sana sya nang bigla nalang mag-ring yung phone ko sa bulsa ko kaya sinenyasan ko sya na sasagutin ko muna yon. Tumango lang naman sya tsaka yumuko at nagsimulang magtype sa laptop nya.
I stood up and carefully placed Tofu on Jace's sofa on his office bago ako lumabas para inis na sagutin yung tawag. Istorbo eh, nag-uusap kame eh!
"Hello!? Sino ba toh!?"
"Hoy."
Tila tinakasan ako ng kulay at humawak ako sa dibdib ko nang bumilis bigla yung t***k non matapos syang marinig! Tokwa, my heart is racing just by hearing her voice!
"Bakit sinisigawan mo ko?"
I cleared my throat, "J-jhayrein?"
"Ako nga." Nahigit ko yung hininga ko tsaka sinipat yung caller---sya nga!
Mabilis ko yung ibinalik sa tenga ko habang napapalunok-lunok pa. Ito yata ang unang beses na tinawagan nya ko, kung hindi naman ay siguro nakalimutan ko na dahil bihira talagang mangyare toh.
Pakiramdam ko, kumalma ako at nawala yung inis na naipon ko kanina pa.
"S-sorry. Nabigla lang."
"Ang init ng ulo mo ah, may nangyare ba?"
"W-wala naman."
"Talaga?"
Tumango-tango ako na parang kaharap ko sya, "Ahm. A-ano, masama lang yung gising ko." I bit my lip and started twirling my bangs, "A-ah napatawag ka pala."
"Nasaan ka?"
"Nasa office po ni Jace."
"Ah." Nakarinig ako ng iilang kaluskos sa kabilang linya, parang may ginagawa sya, "Itatanong ko lang sana kung anong oras yung party na yan tsaka kung saan."
"Susunduin nalang kita---"
"Hinde na." Nanlaki yung mga mata ko.
A-ayaw nya? Ayaw nya kong sunduin sya?
"P-pero bakit?"
"Para hindi ka na mahirapan."
"H-hindi naman ako m-mahihirapan eh."
"Wag na."
Unti-unti akong napanguso habang nakakunot ang noo. Iniiwasan nya nga talaga ako.
Kinamot ko yung ulo ko tsaka bumuntong hininga, "O-okay. Ite-text ko nalang yung oras at venue."
"Sige sige."
"A-ah JR y-yung tungkol sa k-kahapon---"
Napapasinghap akong tumitig sa screen ng cellphone ko habang hindi makapaniwalang umawang naman ang labi ko.
"P-pinatayan nya ko?" I blinked so many times before started laughing sarcastically, "Talaga bang pinatayan nya ko?"
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko kung inis ba o lungkot! Nanggigigil ako na nanlulumo at the same time!
Aaargh! JR naman eh! Kasalanan mo nanaman toh eh!
Umiling-iling nalang ako bago kinuha si Tofu at bumalik sa kinauupuan ko kung saan nakangiti akong pinagmasdan ni Jace.
"Ano? Goodmood ka na---"
"HEH!" Sigaw ko tsaka sinipa yung table nya na ikinanguso nya.
"Ito naman---" I glared at him, "---oo na, oo na, I'll be silent."
Irita kong binaling yung atensyon ko kay Tofu na nakatingin saken at panay ang ngiyaw, parang nagtatanong yung mga mata nya habang kinikiskis pa yung ulo sa kamay ko.
Bumuntong hininga ako.
Bakit parang wala lang sa kanya yung confession ko kahapon? Kung kausapin nya ko parang balik sa dati, yung tipong parang maangas na walang pakielam, basta makausap lang ako.
*POUT* Baka hindi nya nagustuhan yung mga sinabi ko kahapon.
(JR's POV)
"Shit." Mura ko matapos mamatay yug phone ko.
Taeng yan, hindi ko tuloy narinig yung sinasabi ni Eren. Sana pala chinarge ko na habang nasa sasakyan.
Umiling nalang ako tsaka ipinasok sa bulsa ko yung lowbattery na phone ko, binuhat ko naman na yung paper bag na naglalaman ng mga pinapakuhang damit ni Vasselisa mula sa tambayan namin tsaka nag-umpisang maglakad. Doon kasi ako nagpalipas ng magdamag kaya ako na din ang pinakasuyuan nya na dalhin toh sa bar ni Charlotte.
I'm not avoiding Eren, I just don't want to talk to him.
Masaya akong malaman na talagang may gusto nga sya saken, hindi ko sya masisisi kasi sino nga ba sya para hindi magkagusto saken? Si Zerenel Gonzales lang naman sya at hindi kataka-takang magkagusto sya sa isang Jhayrein Arriane Herrera! Hah! Babae nga nahahatak ng karisma ko, si Eren pa kaya? HAHAHA!
Pero hindi din ako pwedeng magpadalos-dalos sa mga isasagot ko dahil ayokong siguruhin sa kanya na gusto ko sya, baka mamaya masaktan lang sya eh.
Kaya tae talaga, wala akong ibang nasagot kundi 'Thank you'. Aba! Kingina napressure ako eh! Biruin mo nag-uusap kami ng maayos nang bigla nalang syang bumanat? Banatan ko sya eh.
I smirked when the image of his serious face suddenly flashed on my mind.
"Ikaw lang ang gusto ko, Jhayrein Arriane."
Humalakhak ako, "Taenang mukha yan, Eren." Anya ko na para bang kaharap ko lang sya, "Gusto din naman kita gago, hindi ko lang sinasabe."
Naiimagine ko na yung pagngiti nya na parang tanga kung saka-sakaling yan ang naisagot ko kahapon. Patay na patay saken yon eh HAHAHA.
Sumisipol-sipol akong naglakad papasok ng saradong bar ni Charlotte pero natanga ako nang makarinig ako ng sigawan at sunod-sunod na kalabog.
"Lah gagi, may nag-aaway."
Nagmamadali akong nagtungo don para lang magulat. Nagkakagulo sila ampota!
"Hoy!" Sigaw ko pero inignora nila ako.
Walang pumansin saken kaya sunod-sunod akong nagmura bago binitawan yung paperbag at pumagitna sa kanilang dalawa.
"Tangina nyo!" Sambit ko nang muntik na nila akong matamaan.
Tinulak ko sila pareho pero walang gustong magpaawat! Kingina sugod ng sugod!
"He's not fuckin yours for pete's sake, Morgan!" Galit na singhal ni Charlotte habang pilit na sumusugod pero tinutulak ko paatras.
Morgan just smirked but her eyes are burning with anger, "I told you already Charlotte and I'm going to tell you again." Her face went serious and now anger is visible on her expression while Vasselisa is holding her other arm, trying to pull her away, "Stay. the. f**k. away."
"Fuckin no."
"That's a fuckin order, Mikuzuki, not a fuckin request." Morgan clenched her jaw, "Stay away from him."
Sarkastiko namang tumawa tong si Charlotte, "I don't take orders from a Verdan." Tas bigla syang nagseryoso, "Kung gusto mo kong lumayo sa kanya, pilitin mo muna ako."
Naguguluhan ko silang sinipat pareho.
Both of them looked so mad, talagang galit na galit. Ramdam ko sa tingin palang nila eh and besides, mukhang kanina pa sila nagpapang-abot dahil pareho silang may galos sa mukha. Napakaseryoso ng mga mukha nila, kilala ko sila kaya alam kong totohanan tong away nila pero kingina bakit!?
Masama ang titigan nila sa isa't isa kaya inis ko silang tinulak palayo.
"Anong pinag-aawayan nyong dalawa!?"
Imbes na sumagot eh walang ano-anong hinatak ni Morgan yung braso nya mula kay Vasselisa at masama ang tingin kay Charlotte na naglakad palayo kaya kay Charlotte naman ako bumaling, inis nyang ginulo yung buhok nya tsaka mabilis na nagtungo paakyat sa second floor ng bar nya.
Akmang susundan ko sya nang pigilan ako ni Vassy, umiling sya tsaka ako sinenyasan na maupo sa mataas na stool sa may mismong bar counter.
"Takte Vassy, anong nangyare!?"
"Hindi ko din alam." Kumuha sya ng beer at isang bote ng juice sa icebox tsaka iniabot saken ang alak, "Kadarating ko lang din, naabutan ko silang nagsasagutan hanggang sa sumugod na si Morgan."
"Alam na ba ng tropa toh?"
She shook her head, "I think hindi pa, dahil kung alam na nila malamang kanina pa sila nandito especially Vero, pero sinabi ko na din kay Chryseis kanina lang, sabi nya dalawang linggo na mahigit na hindi nag-uusap ng maayos yung dalawa. Sya na din daw bahala kay Vero magsabi."
Humugot ako ng malalim na hininga bago iiling-iling na ininom yung beer.
Bihira kaming mag-away away, madalas kaming magtalong magkakaibigan pero never nauwi sa pisikalan.
Siguradong seryoso yung dahilan ng away nilang dalawa ni Morgan at Charlotte dahil sa nakikita kong galit sa mga mukha nila.
"Anyway, wag mo ng intindihin kung ano man yung pinag-aawayan nila dahil lilipas din yan." Ngumiti sya, "Kamusta ka naman, JR?"
Nawiwirduhan ko syang tinignan. Well, minsan talaga may pagkaweird tong si Vassy, inosente sya pero ayon, may mga oras talagang ganito na hindi ko malaman kung may laman ba yung ngiti nya o wala.
"Uh, bakit mo ko kinakamusta?"
Humagikgik sya, "Wala naman. Kasi syempre hindi tayo madalas magkita kaya hindi na tayo nakakapag-usap."
"Ah." Pinaningkitan ko sya ng mata, "Okay lang naman ako, ikaw?"
"Okay lang din naman ako."
Sunod-sunod akong tumango pero naputol yon nang bigla syang nag-lean sa harap ko, dahilan para mapa-atras ako ng konti. Damn, she's so near kase.
"How about your relationship with Eren?" She smiled from ear to ear as if she's excited to know.
"We're fine." Sagot ko nalang dahil naguguluhan talaga ako sa ikinikilos nya.
"Ah, that's good."
"Bakit mo naitanong?"
"Hmn... Team JhaRen kasi ako."
Tinaasan ko sya ng kilay, "Team JhaRen?"
"Yup, Jhayrein plus Eren. JhaRen." Ngiting-ngiti syang humalumbaba sa counter, "I don't like his love team with Yvette Mariano. I mean, she's beautiful, kind and humble pero hindi sila bagay sa paningin ko."
Shet. Oo nga pala, fan din ni Eren toh.
I grinned, "Kaya magkasundo tayo eh."
Nag-apir kami tsaka umayos na sya ng tayo habang umiinom ng juice na nasa bote kaya uminom din ako ng saken.
"Nagkita kami ng Ex mo."
Hindi ko naibuga yung iniinom kong beer pero lumabas naman yung sa ilong ko dala ng sobrang gulat.
Tumawa lang naman si Vassy tsaka ako inabutan ng tissue pero tae, nakakagulat kase!
Kung si Charlotte lang ang kaharap ko eh okay lang mabugahan ko sya, pero si Vassy? No way. She's too cute eh.
"S-saan?" Naiusal ko matapos magpunas.
"Sa mall, habang bumibili ako ng cake sa isang bakeshop, nandon din sya." Vassy shrugged, "She asked me a lot about you, hiningi pa nya yung address at number mo saken."
I don't know why but my breathing suddenly became heavy. Para akong kinabahan na ewan.
"D-did you gave it?"
She chuckled, "Of course not." Ngumiti sya, "Iniwan-iwan ka nya sa ere noon tapos hahanap-hanapin ka nya ngayon? Manigas sya hehehe. Bahala sya dyan maghanap sayo hehehe."
Napangiti naman ako at nakahinga ng maluwag sa sagot nyang yon.
"Thank you, Vassy."
"Welcome!" Then she giggled.
Totoong nakahinga ako ng maluwag sa sinabing nyang yon. Kung sakali kasing sinabi nya kung nasan ako eh malamang matataranta ako.
I sighed. Just by thinking that she's already here makes me feel confused. Naguguluhan ako. Iniimagine ko palang yung eksenang magkikita kami nag-iinit na yung sulok ng mga mata ko, nakakawala ng angas amp.
If she didn't left me on our wedding day six years ago, Maybe we're happily living together now.
Now that she's back, I don't know what to do nor what to feel.
'Ang gusto ko lang naman ay ang hindi na masaktan pa ang apo ko.'
Wala sa sariling napahilamos ako sa mukha ko matapos umalingawngaw sa isip ko yung boses ni tanda.
Hindi ko sasaktan si Eren. Wala akong balak na saktan sya.
Lalo na't gustong-gusto ko din sya.
Inubos ko yung laman ng bote tsaka ipinatong yung magkabilang siko ko sa bar counter.
"Vassy."
"Hmn?"
"Marunong ka bang mamili ng damit?"
Ngumuso sya, "Tama lang, why?"
I cleared my throat, "Help me find some clothes to wear."
(Third Person's POV)
Pinagbuksan ng mga bodyguards ng pinto ang isang lalake na nakangiting bumaba mula sa mamahaling sasakyan.
"Hi." Bati nya sa mga reporter habang kumakaway.
Matangkad ito, mga 6 ft ang taas, hindi masyadong kapayatan dahil may muscles ito sa katawan. Kaliwang kamay ang pinagkakaway nya dahil doon sya sanay.
Lumabas ang cute na cute dimple nya habang naningkit ang singkit naman na talagang mata nya habang patuloy na kumakaway at ngumingiti sa camera.
Nilapitan sya ng isang male model na syang assistant nya kapag nasa bahay lang sila. Nakangiti din ito habang nakadikit sa lalakeng singkit.
"Our spy said that the new agent sent by the CIA will also be here."
Mas lumawak yung ngiti ng singkit na lalake tsaka bahagya pang natawa, "How about the last one? The other female?"
"I heard that the last agent refused the mission, kaya ibang babaeng agent ang ipinadala nila."
Natatawang umiling ang lalake, "I don't like the new agent, she's talkative and I hate her british accent." Anya ng singkit kaya gulat na napalingon sa kanya ang male model.
"You knew already who's the current agent?"
The chinky eyed guy nodded, "Yeah, I asked one of our men to hack the CIA's system and saw a familiar face that's why I already knew who she was."
Tumango-tango ang kausap nya habang napapangiti na din.
"Anyway, I'm not interested on her. Mas interesado ako sa naunang agent na ipinadala nila dito para hanapin ako." He chuckled, "I have this feeling na nandito din yung unang agent na walang profile."
"Are you that excited to meet that agent, sir?"
He smirked, "She has the guts and I'm curious, so yeah I am excited to meet her."
Saktong tumalikod na sila para maglakad papasok nang dumating ang sasakyan ni Eren.
INIS NA ipinarada ni Eren yung sasakyang bigay sa kanya ni JR sa mismong tapat ng entrance ng venue ng party. Magdamag syang badmood at inabot na yon hanggang sa oras ng mismong event.
"Ni hindi man lang nya ako kinontak!" Irita syang ngumuso, "Masama syang tokwa! Ayaw na ngang magpasundo, binabaan pa ko ng tawag! Bad tokwa! Bad!"
Malamya nyang hinampas yung manibela ng sasakyan bago nanlulumong nag-iiyak kunwari doon, sinamahan pa nya ng madramang pagpadyak sa sahig.
Okay, mukha syang tanga sa ginagawa nya pero wala na syang pakielam don.
Badtrip sya. Super. Hindi pa rin sya makamove on sa thank you ni JR kahapon.
"Isusumbong kita sa baby naten!" Sigaw nya na tila nandon lang si JR sa harap nya, "Sasabihin ko kay Tofu inaaway mo ko!"
Magmumukmok nalang sana sya magdamag kung hindi lang nya narinig yung sunod-sunod na katok ng kung sino sa bintana nya eh. Napalingon sya, don nya lang naalala na nasa party na pala sya.
Hindi pa man sya nakakalabas ay napakadami ng flash ng ilaw mula sa labas, madaming nag-aabang na reporter at journalists sa kanya pero nakaabang naman ang sandamakmak na bodyguards sa paligid. Lalo na sa mismong entrance kung saan papasok ang mga invited.
Huminga muna sya ng malalim bago pinlaster sa mukha ang peke nyang ngiti na lagi nyang ginagamit sa tuwing haharap sa camera tsaka sya tuluyang lumabas ng sasakyan.
Nasilaw agad sya sa dami ng nagfa-flash na mga ilaw sa paligid kahit na naka-shades sya pero hindi nalang nya ininda. Iniabot nya sa valet ang susi ng kotse nya tsaka pilyong ngumiti tsaka kumaway sa mga ito.
Bidang-bida sya sa suot nyang plain white v-neck t-shirt, then may patong na navy blue coat na katerno ng fitted pants na navy blue din and black leather shoes. Naka-slick back yung buhok nya, yung tipong madudulas lang yung kutong tatalong sa buhok nya dahil sa hairspray na nilagay ni July.
Ginawa nyang accesory yung dogtag ni JR, bagay kasi sa kanya, wala namang makakapansin ng nakasulat doon kaya sinuot nalang talaga nya. Additional nalang yung reloat suot nyang shades. Nagmumukha syang bigtime na negosyanteng model sa itsura nya.
Sobrang ingay. Naririndi sya pero nanatili lang yung ngiti sa mukha nya. Nagsasabay kasi yung ingay ng mga reporter at yung ingay ng tugtog sa loob.
"Dito po tayo, Sir Eren."
Nginitian nya yung bodyguard na umalalay sa kanya tsaka sya sumunod. Tinanggal pa nya yung suot nyang shades pero yung ngiti nandon pa rin.
Pagpasok palang sa venue ay kanya-kanya ng bati sa kanya ang mga aktor at aktres na kakilala nya, ganon din ang iba pang nakakakilala sa kanya don. May ibang bumati na hindi naman nya kilala pero binati na din nya pabalik bilang respeto.
"Eren!"
Lumingon sya sa pinanggalingan ng boses na yon at sakto namang nakalapit si Yvette sa kanya. Bahagyang umawang at nanlaki yung mata nya nang pasadahan ng tingin ito.
Iba sa usual get up ni Yvette na simple and pretty yung suot nya ngayon, tamang-tama lang sa pagba-bar hopping na OOTD.
Maroon fitted crop top and skirt iyon na hanggang sa itaas ng tuhod ng babae, turtle neck pero sleeveless. Nagpatangkad kay Yvette yung suot nitong pulang takong at nagpamature and sexy sa image neto ang straight na buhok na ngayo'y nakaladlad.
"Wow, hi Yvette." Bati nya tsaka niyakap ito bilang pangangamusta kahit nagkita naman na sila kahapon, "You're so beautiful."
Pinamulahan ng pisngi si Yvette, "Thank you. Ikaw din ang gwapo mo."
Natawa sila pareho dahil doon. Napapatingin tuloy sa kanila yung ibang bisita dahil sa pagkamangha, bagay kasi sila at isa pa ay sikat na sikat na yung loveteam nila.
Maraming bumati sa kanila, kesyo pinupuri at puro magagandang salita ang sinasabi tungkol sa tambalan nila. Wala namang ibang ginawa si Eren kundi ang ngumiti habang si Yvette naman ay nakikitawa at nakikisabay sa usapan.
Wala sa isip ni Eren ang makipagplastikan sa ibang taon nandoon. Lamang si JR sa utak nya dahil gusto na nyang makita ito.
Tamang-taman lang dahil pagkalingon nya sa entrance ay doon nya nakita yung babaeng inaabangan nya.
His jaw literally dropped after seeing his wife entering the venue, kung sya tutok na tutok ang paningin dito eh gumagala naman ang malapusang mata ng babae, malamang ay hinahanap sya.
Hindi lang atensyon nya yung nahatak kundi lahat na ng bisitang nandon. Bago kasi sa paningin nila yun babae kaya talaga namang napapatitig sila dito. Para kasing slowmotion ang naging paglalakad nito.
Well, sino nga bang hindi mapapatingin kay JR? She's wearing a silver sheer fitted body con dress na may manipis na manipis na strap. Yung makintab na telang nagmumukhang stretchable plastic ay yumayakap sa hubog ng katawan nya. Agaw atensyon tuloy yung dibdib nyang salo-salo nung dress at ganon din yung mapuputi nyang hita dahil hanggang itaas ng hita lang ang haba non, konting tuwad ay aangat yon.
Mas lalong lumitaw yung haba ng mga binti nya dahil sa makintab na silver stilletto na may taas na five inch pero kung makapaglakad sya ay akala mo nakapaa lang. Bitbit nya din ang isang simpleng silver pouch na tumerno sa suot nya ang tela, simpleng hikaw lang ang suot nya at may isang silver bracelet sa kanang kamay pero imbes na kwintas ay silver sheer choker ang nasa leeg nya.
Sumasabay sa kada paglakad nya yung galaw ng mahaba nyang buhok, nakaladlad kasi iyon at nakakulot ng konte ang dulo. Hindi din matapang at makapal yung pagkakamake up sa kanya, tamang-tama lang sa matapang na aura ng mukha nya.
Then her eyes finally met his that made Eren cleared his dried throat severel times. Parang hinihigop ng asawa nya yung hininga nya sa pamamagitan lang ng pagtingin kaya hindi nakakapagtakang mapasinghap sya nang magsimula itong magalkad patungo sa direksyon nya.
She confidently walked towards his direction, not minding the attention that she's receiving from those people around them. Tuloy-tuloy syang naglakad hanggang sa mapahinto sya sa mismong tapat ng lalake.
Sexier and more beautiful than before, pero syempre mas type ni Eren na walang damit si JR, magsisinungalig pa ba sya? Eh isa't kalahating pervert at malandi din sya eh.
"Hey handsome," Pukaw ni JR kay Eren tsaka hinawakan ang baba neto para isara ang nakaawang na labi ng lalake bago ngumisi, "Miss me?"
And because of that, Eren needs to endure the boner that he's having for freakin hours, thanks to the gorgeousness of his wife. Ilang oras syang magpipigil ng init ng katawan.
'Behave, birdy, behave!' Saway nya sa birdy nya sa isip nya.