Chapter 40 (Third Person's POV) "WHERE is she?" Yun agad ang tanong ni Chryseis matapos itong pagbuksan ng pinto, hindi kumibo si Morgan na busy sa pagtitipa ng kung ano sa cellphone gamit ang isang kamay habang ang isa ay nasa bulsa samantalang si Vassy ay kumakaway-kaway. "Nandon sa kwarto!" Sumilip-silip si Charlotte, hinahagilap ng mga mata kung nasaan ang pinakamalandi nilang tropa pero walang ano-anong nilampasan sya ni Morgan tsaka nagsalita. "Vero's with Theo." Sumimangot si Charlotte dahil doon. Pinameywangan nya nalang yung dalawang natira, "Mga gago kayo, sino yung pindot ng pindot sa doorbell ko!?" Reklamo nya. Dinaig pa kasi ng doorbell nya yung ingay ng alarm clock nya sa umaga dahil sa sunod-sunod na pagpindot doon. Ngumisi lang si Chryseis habang bumungisngis si Vass

