Rated-18 Halos maubos ko na ang aking mga luha habang yakap-yakap ang aking mga tuhod. Para akong binagsakan ng langit sa result ng PT. Kompirmadong buntis ako! Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon. Bigla kong naisip ang aking pamilya, si Abel at ang aking pag-aaral! May responsibilidad pa ako sa aking kapatid. Kailangan pa nitong mag-aral sa kolehiyo. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili habang nakatingin sa salamin. Namumugto ang dalawa kong mata, hindi puwedeng uuwi ako sa bahay ni Abel na ganito ang ayos. At kailangan ko munang mag-isip! Nang umuwi ako ay sinigurado ko munang maayos na ang aking sarili at nakabuo na ako ng desisyon. Sa araw mismo ng graduation ni Douglas ay sasabihin ko sa kanya na buntis ako! Tiyaka ko na sasabihin sa aking pamilya kapag maayos na kami n

