DAHAN-DAHANG iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata, nang mapaigtad siya sa pagkakahiga niya sa mahabang sofa ni YoRi ng marealize niyang nakatulog siya. Dali-daling tumayo si Maya ng matigilan siya ng makita niya si YoRi na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa na nakatingin sa kaniya. "Y-Yo..." "Why did you sleep here?" matamang tanong ni YoRi sa kaniya. "Bawal ba? Pasensya na, hindi ko naman akalain na makakatulog ako sa sofa mo. Teka? Bakit bumangon ka na sa pagkakahiga mo?" ani ni Maya na agad lumapit sa kinauupuan ni YoRi at agad hinipo ang noo nito. "Bumaba na kahit papaano ang lagnat mo, mabuti naman." ani ni Maya na nakahinga ng maluwag ng tingnan niya ang kanang braso ni YoRi maayos ng nakabenda. "Teka? Dumating na ba ang doctor na tinawagan mo para gamutin ang pamamaga ng b

