Chapter 42- COLD HEARTED MODE SERIES 12: YO RINGFER TULALA lang si Maya sa pagkakahiga niya sa kaniyang kama habang pabalik-balik sa isipan niya ang hindi niya inaasahan na pag-amin ni Leroi sa kaniya, agad na napabangon si Maya sa kaniyang pagkakahiga na bahagya niyang ikinangiwi ng kumirot ang kanang braso niya na ginamit ni Leroi. Napahawak si Maya sa kanang braso niya pero agad muling sumingit sa isipan niya si Leroi. “T-Totoo kaya ang sinabi ni Leroi sa akin? Ma-Mahal nga ba niya ako? Se-seryoso kaya siya sa mga sinabi niya?” mga tanong ni Maya sa kaniyang isipan ng biglang mukha naman ni YoRi na galit sa kaniya ang biglang pumasok sa isipan niya. Agad na bumangon si Maya sa kaniyang pagkakahiga at agad na lumabas sa kaniyang kuwarto at dere-deretsong nagpunta sa kaniyang kusina.

