"What's the fvcking commotion here?" "Bestfriend mabuti dumating ka na, naglalaro kasi ng bato-bato pik si Ringfer at Gozon kaya lang biglang nagtalo kasi wala palang pako sa ganun." saad ni Travis kay Taz na poker face ang reaksyon sa sinabi ni Travis. "Parang kang tanga, Amadeus, tinago mo na naman IQ mo." naiiling na kumento ni Sergio kay Travis. "Gagawa ka lang ng palusot na dahilan 'yung nakakatanga pa, iba din reasoning ng utak mo, nasobrahan ba 'yan ng betsin?" kumentong ani naman ni Paxton. "Sinong maniniwala na trip maglaro ni Ringfer at Gozon ng bato-bato pik, aber? Kay boss Taz mo pa talagang sinabi 'yan, hirap mong kabonding Amadeus. Parang ang sarap mong itakwil." ani naman ni Demon na nagpasimangot na kay Travis. "Baka sakit sa ulo ang IQ ni Amadeus, may lumot na yata."

