MAGDIDILIM na at mas lumakas ang buhos ng ulan sa pagdating ng bagyo, rinig na rinig ni Maya ang pagaspas ng hangin sa mga puno, kakatapos lang ni Maya na magtimpla ng mainit na sabaw para sa kanila dahil malamig din ang panahon. Inilapag ni Maya ang tatlong mangkok ng sabaw sa may mesa ng mapalingon siya kay Leroi na kakalabas lang ng banyo na nakapagbihis na. “Humigop ka muna ng mainit na sabaw, Leroi.” Alok ni Maya na ngiting ikinalapit ni Leroi sa mesa at umupo doon. After mailibing sa gitna ng gubat ang mga kalaban nina YoRi na napatay nila ay bumalik agad sila sa hide-out upang makaligo at makapagbihis na. At dahil dalawa ang banyo ng hide-out nina Leroi ay parehas iyon ginamit ni Leroi at YoRi. “Nagluto na din ako ng ulam at nagsaing na din ako, mukhang dito na nga tayo magpapal

