Yael pov Sobrang sakit pala ang mawalan ng anak, idagdag pa ang guilt lalo at siya ang nagda drive ng sasakyan nang mabangga sila ni Jam. Pakiramdam niya siya ang pumatay sa anak nila. Kaya ilang araw din siyang parang lutang lalo na sa tuwing iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Jam pag nagising na ito at nalamang wala na ang baby nila. "Condolences bro!" Sabi ni Johann na siyang unang dumating nang sabihin niya sa barkada ang nangyari sa kanila, nang dalhin niya si Jam sa hospital ay marami na ang dugong nawala dito. Akala nga niya ay maging ito man ay mawawala na din sa kanya. "Salamat sa pakikiramay bro." Malungkot niyang sabi dito. Ganun din ang natanggap niya mula sa iba pang ogag, tumulong ang mga ito sa kanya para mapanagot ang lahat ng pwedeng managot sa nangyari s

