Naging maayos ang kalagayan ng kanyang Mommy nang mga sumunod na araw, kaya naman kahit papaano ay napipilit na siya ni Yael na umuwe minsan para matulog. Yung tatlong kasambahay nila Yael ang salit salitan sa pagbabantay sa Mommy niya. Naging hands on naman si Yael sa pag aalaga sa kanya, sinamahan pa siya nito sa kanyang prenatal check up, kaya lang naiinis naman siya sa pagiging oa nito. "Bawal ka niyan baby." Sita nito sa kanya nang makita siya nitong kumakain ng chocolate na nasa ref. "Isa lang naman, tsaka sabi naman ni Doc pwede pa naman kasi maliit palang ang tiyan ko. " Sabi niya na di ito nilingon, naiinis na naman siya sa presence palang nito. Di na naman siya nagsusuka ngayon unlike nung mga unang buwan, nasa apat na buwan na ang kanyang tiyan pero di pa halata. Nag aar

