Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-aayos na si Jam ng gamit sa bahay sila ni Yael ngayon dahil nga di na siya nito pinapauwe pa sa kanyang apartment. Si Mommy niya ay may bantay na nurse sa ospital at pinapayagan na ring umuwi siya paminsan-minsan at baka mamaya ay makalabas na din ito ng hospital. Iniuwe na din nila ang ibang mga gamit nito sa bahay. Abala siya sa pagliligpit habang si Yael ay naliligo. Kakatapos lang nilang mag-breakfast. Medyo nahimasmasan na siya, pero nag iisip parin siya na may itinatago ang lalaki sa kanya. Lalo na ang katext o ka chat nito nitong mga nakaraang araw na laging nagpapangiti dito. Nagulat pa siya nang bago pumasok ng banyo si Yael, ay iniabot nito ang cellphone nito sa kanya. Natulala pa nga siya lalo at naalala niya ang privacy na sinasabi nito. Ma

