Halos paliparin niya ang sasakyan para lang makarating kaagad sa bahay niya, ang mga gago niya namang mga kaibigan ay nakikipag unahan pa sa kanyang sasakyan. Alam niyang atat na atat na ang mga ito na makita siyang lumuha. Halos ibalibag na niya ang pinto ng kotse pagkababa niya. Wala na siyang pakialam kung sumunod ba ang mga ito sa kanya. Di na mahalaga kung nakasunod ang mga ito. Dahil naka remote naman ang kanilang gate ay di na niya kinakailangan pa na magtawag ng kasambahay sa loob, o kinakailangan na bumaba ng sasakyan para buksan ang gate, isang pindot lang ay magbubukas na ng walang kahirap hirap ang gate niya. "Yaya nasan-" nabitin sa ere ang kanyang sasabihin nang makita niya ang isang bata na palakad lakad sa sala. Palipat lipat ito sa sofa at nakangisi na tila ba may nakaka

