Lynne’s Sa loob ng anim na araw pananatili ko sa mansyon ni Dom dito sa Baguio napamahal na sa akin ito. Walang oras na hindi ako tumawa kasama siya. Nakakatuwa rin ang pagiging bagets na ugali nina Mamang Julieta at Papang Carlos. Nandito kami sa bahay nila Manang at Papang. Wala si Dominic at pumunta sa bayan city para mamili at may kakausaping business partner. Nagpaalam ako sa kanya na dito muna ako sa bahay ng dalawang matanda. Pumayag naman siya. “Go Papang! Kaya mo yan!” Lampas singkwenta na ang edad ni Papang Carlos pero malakas pa siyang umakyat ng niyong na hindi naman kataasan. Pinagmamalaki ni Mamang Julieta ang buko salad niya. Kaya excited na ako. Tumulong na rin ako paghuhugas ng tupper na paglalagyan namin. Kahit ilang beses akong sinaway ni mamang hindi ako nakinig

