Lynne’s POV “Teka bakit ko pala babayaran eh, nabasag mo rin ang cell phone!” Sabi nito nang marealize ang basag niyang telepono! Paktay na! Run! Biglang umurong ang dila ko ng pinaningkitan niya ako ng mata. Na-recognize niya kaya ako? “So, it is you? That’s why you are so familiar.” Napalunok ako ng wala sa oras. Dumilim ang mukha niya. Iyong sorry niya kanina at malambing na boses biglang naglaho na parang bula. “Me? Kilala mo ako?” Pilit kong pinanindigan ang katapangan ko at pagkukunwari na hindi ko siya kilala. “You’re such a great pretender!” Parang sibat ang mga salitang iyon. “Teka ka nga, sino ka ba?” Matapang kong tanong. Pero ang totoo, any moment gusto ko na lang himatayin dahil nakakatakot ang titig niya. I know I am guilty of what I did in the past. “Sir may probl

