Lynne’s POV “Kain kana.” Kalmadong utos ni Dom. Napatingin ako sa kanya ng ilang segundo. Sinusuri ang bawat kilos niya. “Kaya ko na.” Matipid kong sagot. Hindi ako sanay na lagi siyang chill-chill lang. Dati kasi kung hindi nagsalpukan ang kilay niya, lukot na lukot ang mukha niya. Tapos kung maka titig pa akala mo kakainin ako ng buhay. “What’s with that look?” Tanong nito pagkatapos sumubo ng pagkain. Normal din ang kilos niya. Umiling ako. Tahimik na kumakain. “Eat this.” Itinulak niya sa gawi ko ang isang bowl ng mix fruits. Naubos ko na ang akin pagkain at sinimulang kainin ang mix fruits na iniabot niya. Tahimik kaming dalawa. Ilang beses ko siyang sinulyapan pero abala ang atensyon niya sa pagkain. Hindi ako makapaniwala na naubos ko lahat ng iyon. Ang dami kong kinain. “

