Continuation of the previous chapter…
Inikutan ko na lang siya ng mata at naglakad. Sampung kilo metro pa ang lalakarin ko mula sa school hanggang sa makarating ako sa amin. Buti hindi na mainit ang sikat nang araw pagka alas quatro ng hapon.
"Ang taray naman, tingin ko crush ka noong Dominic na iyon. Grabe Lynne ang gwapong - gwapo niya, matangkad, matangos ang ilong, ang pula ng mga lips niya. Daig pa ang lip tint ni Sharon." Papuri niya sa lalaking iyon.
"Tigilan mo ako Tessa sa crush- crush na iyan. Wala akong panahon para diyan alam mo yan! Kung gusto mo iyo na! Makikipag kompetensya ka pa sa anak ng mayor ng bayan. Silang dalawa ang bagay, hindi tayong mahihirap." Buti na lang hindi bumikig ang lalamunan ko. Aminin ko man o hindi malakas talaga ang s*x appeal ng matangkad na iyon.
Habang naglalakad kami ni Tessa pauwi ang dami niyang kwento tungkol sa Dominic na iyon. Mataman lang akong nakinig na para bang hindi ako interesado.
"Alam mo ba, lima silang magkakapatid. Puro lalaki at grabe ang ya-yummy nilang lahat. Siguro masarap makulong sa matipunong bisig nila, tapos katabi mo sa pagtulog sa gabi, babati sayo nang good morning paggising mo sa umaga. Hay Lynne, hanggang pangarap na lang ako." Pag daydreaming ni Tessa napangiti na lang ako sa kanya.
"Sadya! Hanggang pangarap na lang nga iyan Tessa, itulog mo na yan mamayang gabi." Pang aasar ko sa kanya.
"Heto naman ang kill joy, pero di ka crush ka ni Dominic." Tukso niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Gaya nang sabi mo Tessa hanggang panaginip at pangarap na lang sila," sabi mo.
"Ibig mo bang sabihin crush mo rin si Dominic Stan?" Nanlaki ang mga matang tanong niya. Umiling ako.
"Wala akong oras sa ganyan Tessa. Kailangan kong makatapos ng mataas ang marka iyon na lang ang pag asa ko para makakuha ng scholarship sa kolehiyo. Ayokong sayangin ang talino ko. Siguro naman kapag naka graduate ako siguro naman may lalaking mag kagusto sa akin diba?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon pa nga lang crush kana ni Dominic Stan eh, lalo pa kaya kung naka graduate ka. Oo nga mahirap lang tayo pero hindi naman yaman ang sukatan sa pag ibig diba? Sa pag uugali, maganda check! Matalino ka, check rin! Mabait at masipag ka? Check na check na check!" May kasama pang action ng check sa ere.
"Ewan ko sa'yo Tessa ang dami mo rin alam talaga! Ang dami ko pang problema sa bahay, pati ang prom natin dagdag pa sa iisipin ko. Paano ako mag papaalam sa Tsang Berta ibubuka ko pa lang ang bibig kung hindi sampal baka busal ng mais ang ipapakain sa akin." Dismayadong sagot ko.
"Grabe naman kasi yang Tsang Lynne, tigre kung tigre eh." Pag sasang ayon niya sa akin.
"Sige dito na tayo sa kanto,” sabi ko. Tumigil kami sa gilid ng kalsada. Bigla akong niyakap ni Tessa.
"Sana lagi ka mag iingat sa Tsong Cosme mo, besh. Lalo kung kayo lang maiiwan sa bahay." Tumango ako. Hindi ko pa na kwento sa kanya ang nangyari kung paano ako hagurin ng kakaibang tingin ni Tsong Cosme. Sigurado magagalit siya.
"Pangako mo sa akin, maglalagay ka lagi ng kutsilyo, Marialynne Torres protektahan mo ang iyong sarili wala na ang ate mo na gagawa noon para sayo!" Gigil na siya ang boses niya.
"Natatakot ako Tessa." Gusto ko nang umiyak sa harapan niya. Gusto ko nang sabihin sa kanya.
"Lakasan mo ang loob mo, okay?" Tumango ako at ipinagpatuloy ang lakad niya. Ako naman lumiko na ng daan patungo sa bahay.
Lumilipad ang isip ko, panay sipa ko ng mga bato sa bawat nadadaanan ko. Ate, ate Meredeth miss na miss na kita.
Nang makarating ako sa bahay, medyo malayo pa lang dinig ko na ang sigawan nina Tsong Cosme at Tsang Berta. Nag aaway na naman sila.
"Hoy Marialynne siya nga ba umalis na ang ate mo noong isang araw?" Tanong ng kapitbahay namin.
"O—opo Aling Koring, iniwan na niya ako." Malungkot kong sagot sa kanya.
"Kanina pa nag aaway ang mga tiyahin mo, h'wag ka kaya muna umuwi? Baka pati ikaw madamay, sigurado ako sasaktan ka na naman ng tiyahin mong yan na sugarol!" Galaiting sabi ni Aling Koring.
"Okay lang po ako, kung hindi po ako uuwi agad Aling Koring lalo akong mapagalitan." Awa ang nakikita ko sa mukha niya. Kung sasaktan ulit ako, 'yon na talaga ang kapalaran ko.
Noong isang araw sinabi ni Tsang Berta na magiging miserable ang buhay ko, ano pa ba dapat ang aasahan ko.
"Walang hiya ka Cosme, inubos mo na naman ang pera ko diyan sa alak mo! Wala ka na ngang trabaho palamunin kana dito sa bahay, wala ka pang silbi!" Malakas na bulyaw ng Tsang na siyang ikinatigil ko sa pag bukas ng pintuan.
"Berta, dahan-dahan ka sa pananalita mo ha? Kaninong may kasalanan bakit ako nawalan ng trabaho diba ikaw? Sukat mo ba naman awayin ang manager ko, at sabihan mong kabit! Yang pagiging selosa mo nang wala sa lugar ang dahilan kung bakit niya ako tinanggal sa trabaho. Nag magandang loob lang, anong ginawa mo ayon, sinugod mo at inaway mo, pinahiya mo pa sa maraming tao!" Hindi ko man nakikita ang mukha ni Tsong Cosme, sigurado ako lumabas na ang ugat niya sa leeg pulang-pula ang mga mata niya.
Mariin akong pumikit, humugot nang malalim na buntong hininga at inipon ko ang tapang kong buksan ang pintuan.
Agad silang lumingon sa akin. "Buti naman dumating kana!" Agad lumapit si Tsang Berta sa pwesto ko at piningot ko ang tainga ko. Sobrang sakit!
"Aray ko Tsang Berta, masakit po." Naiiyak ako. Wala naman akong ginawang kasalanan.
"Talagang masakit, kung hindi ka ba naman sobrang tanga bakit ganyan ang uniporme ko?" Marahas niya akong binitawan. Sumadsad ako sa lupa.
"Anong gagawin ko dito ha? Wala akong pambiling bagong uniporme sisirain mo. Hindi na yan magagamit! Kita mo 'to? Nag iba ang kulay dahil ginamitan mo ng Clorox tanga!" Halos mabasag ang ear drum ko sa lakas ng sigaw niya. Mabilis niyang kinuha ang walis na nakasandal sa gilid at galit na galit na ipinalo sa akin.
"Wala kang pakinabang putang ina ka!"
"Tsang tama na po." Halos mamaluktot ako sa sobrang sakit. Malakas ang hampas niya ng walis sa hita ko. Hindi ko sinangga ng aking kamay iyon dahil makikita ang marka noon. Iyak lang ako nang iyak.
Hanggang sa mapagod siya at wala nang natira sa hawak niyang walis dahil nabali na iyon sa kakapalo niya sa akin.
Hinila niya ang buhok ko. Napatayo ako nang wala sa oras. "Please, Tsang tama na po. Hindi ko na po uulitin!" Nakikiusap kong sabi sa kanya.
Mula pagkaka sabunot dinakma niya ang leeg ko. Mahigpit ang hawak niya doon. Sa laki nang katawan ni Tsang Berta kayang-kaya niyang kitlin ang buhay ko.
"Hindi na talaga mauulit! Putang ina ka!" Kinapos na ako ng hangin. Nanlalabo na ang aking mga paningin. Katapusan ko na ba?
Nang bitawan ako ni Tsang Berta, habol ko ang aking paghinga. Ubo ako nang ubo. Napahawak ako sa aking leeg. Sumiksik ako sa sulok.
"Ito ang tandaan mo Marialynne, hindi lang yan ang matatanggap mong sakit kapag gumawa ka pa nang katangahan!" Hindi na ako sumagot. Tahimik akong umiyak.
"Magluto kana ng hapunan!" Parang ayoko nang kumilos dahil sobrang sakit ng hita ko. Pero kung hindi ko susundin si Tsang Berta masasaktan na naman ako.
"Ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan! Kumilos kana! Ano kulang pa? Gusto mo pang matamaan sa akin ha?" Umiling-iling ako. Kagat ko ang aking pang ibabang labi pilit akong tumayo.
Walang pakialam ang Tsong Cosme kahit patayin ako ng asawa niya. Nang nasa kusina ako, may nakababang manok na doon. Adobo na lang naisip ko dahil wala namang ibang rekado. Mahilig akong magluto dahil lagi akong tinuruan ni Ate Deth.
"Tsang, Tsong kakain na po." Nakahain na ako. Dumulog naman sila sa mesa at umupo na. Tumalikod na ako para magpalit ng uniporme.
Pagpasok ko sa silid namin ni Ate agad akong tumingin sa maliit na salamin. Pulang-pula ang leeg ko. Nang itaas ko ang palda ko namamaga ang hita ko. Puno ng linya ng walis na tumama doon. Pinunasan ko ang aking mga luha.
Nagpalit ako nang damit. Dinampot ko ang picture frame namin ni Ate. Pareho kaming masaya doon sa litrato. Mapakla akong ngumiti, miss na miss ko na siya. Lagi kang mag iingat ate Deth. Niyakap ko ang aming picture frame… Mahal na mahal kita ate ko...