Chapter 26 - Self-Control

3517 Words

"I told you, there's no use trying to avoid me." wika ng binata at hinila si Jho patungo sa direksyon palabas ng gusali. Wala naman namutawi na pagtutol sa bibig ng dalaga kaya't tahimik silang naglakad sa sidewalk paikot ng apartment building nito habang magkahawak ang mga kamay. Pinukulan niya ito ng tingin, ngunit hindi nito sinalubong ang kanyang mga mata. Sa halip, nanatili itong nakayuko. "Galit ka ba?" untag niya sa pananahimik nito. "Dahil hindi ko sinabi sa'yo na pupuntahan namin si Mr. Alejandro?" Humugot ito ng malalim na hininga at umiling. Hindi pa rin ito umangat ng tingin sa kanya at nagkunwaring nakatuon ang atensyon sa bulaklak na ibinigay niya rito kanina. "No, not really," mahinang saad nito. Bahagyang kumunot ang noo niya, "Bakit parang nagtatampo ka yata?" "Ako?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD