"Muling binuksan ng korte ang pagdinig ukol sa anomalyang naganap sa Manila Theater Club project walong taon makalipas ng pagkamatay ni Joseph Dixon, ang tinuturong mastermind ng tinaguriang biggest scam of the century." Inilapag ni Rose ang hawak na wine glass habang nakatitig sa telebisyon at pinapakinggan ang detalye ng balitang narinig. Umiling-iling siya saka dinampot ang remote sa ibabaw ng coffee table at pinatay ito. Hinigpitan niya ang tali ng kanyang bath robe at hinawi sa kabilang balikat ang basang buhok. "Ah, so troublesome." inis na bulalas niya at padabog na tumayo mula sa sofa. Hinagod niya ang mga daliri sa mga hibla ng kanyang basang buhok. “This wouldn’t happen if that old guy just let that wench die in my hands, hindi na lalaki pa ang problemang ‘to.” Akma na sana

