SARAH'S P O V " Bukas na kayo bumalik sa Tarlac, dito na muna kayo magpa lipas ng magdamag. " malambing na saad ni Mommy Carol sa amin Humihigop na kami ng kape sa garden at binigyan din kami nang naka- sliced ng cake na binili namin na inilagay sa platito na tig- iisa kami. " Ahm, d- dito na raw tayo matulog? " kiming saad ko kay Tom na busy sa pagkain ng cake, tila kasi hindi niya narinig kaya inulit ko para sa kanya, samantalang magkaka harap lamang kaming apat sa table. " Yeah, sure Mommy, may kukuhanin pa rin naman akong ibang damit ko sa k'warto ko. " Tugon ni Tom ngunit sa mga magulang niya siya naka tingin at hindi sa akin na katabi lang niya at ako ang nagtanong Kaya naman palihim na lamang akong napa buga ng hangin at itinuloy ang pag higop ng kape. Kahit noong pinag- u

