SARAH'S P O V Nahigit ko ang aking hininga nang makita kong naka upo at ka kwentuhan ng aking mga magulang si Tom. Alam kong siya iyon dahil mas malaki ang katawan niya kumpara kay Tim na may pagka- slim. Nawala lamang ang focus ko sa kanya nang lumapit ang mga magulang ko para yakapin at kumustahin ako. Pero conscious pa rin ako sa aking itsura dahil alam kong umitim ako ng bahagya dahil sa kakalangoy sa dagat. Matiim kasi kung maka tingin si Tom. Lumakas tuloy ang kabog ng aking dibdib. Lalo na nang abutan niya ako ng bouquet of flowers. Kahit noong kumakain kami na magkatabi sa hapag kainan ay palakas nang palakas ang kabog niyon na tila may mga kabayong nag hahabulan. Pilit ko ngang iniintindi ang mga pinag- uusapan namin ng mga magulang ko dahil halos mabingi na ako sa lakas nang

