TOM'S P O V " Ahm! Saan mo gustong kumain? " atubili kong tanong kay Sarah nang nagda- drive na ako. Nakakatawa nga, sa tagal naming magkasama sa iisang bubong ay kahit isa talaga ay wala pa akong alam ng tungkol sa kanya. Hindi ko alam mga paborito n'yang pagkain, kulay, damit, although, alam ko namang mga simple lang ang mga sinusuot niya. " S- Sa Korean Restaurant na lang. " kiming saad naman niya " Okay! " tipid kong tugon tsaka nagpa tuloy sa pagmamaneho. Nag tila naman ako teenager na hindi malaman ang gagawin, kung paano kami makakapag- usap para hindi s'ya mainip sa byahe. Ang lahat nga nang ni- memorize kong linya na sasabihin ko sa kanya ay nawalang lahat. Bagkus ay malakas na kabog ng dibdib ang aking nararamdaman ngayon. Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay wa

