THIRD PERSON P O V " Ano naman kaya nag nangyayari sa dalawang iyon? " naiiling na tanong ni Tim sa Misis niyang katabi sa unahan ng sasakyan pauwi ng kanilang bahay " Ewan! Hindi naman sila ganyan no'ng dumating kahapon, 'di ba? " patanong din na tugon naman ni Sarah " Oo! Nag simula lang naman iyang alitan nila mula nang iwanan natin kahapon sa falls. Humiling nga kasi si Tim na kung pwede niyang ma solo roon si Sandra. " sambit pa ni Tim na natatawa " Baka ayaw ni Sandra roon? Maarte kaya iyon! " natatawa na ring tugon ni Sarah nang maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang Mister " Tsk! Bahala na nga sila! Pero parang talo si Tim! Ang loko! Sinaktan ang sarili! " tawa pang sambit ni Tom " At least, gentleman pa rin! " nagka tawanan na lamang silang mag- asawa sa loob ng sasakyan

