THIRD PERSON P O V " Magandang umaga, Hija! Nakatulog ka naman ba ng mahimbing? " magiliw na usisa ni Ginang Precy kay Sarah nang pumasok s'ya sa dining room ng bahay ng mga ito kinabukasan. " Magandang umaga rin po! Opo! Ang sarap nga ho nang tulog ko, presko ho kasi ang hangin at payapa ang lugar. " matamis ang ngiting tugon naman ni Sarah " Mabuti naman! Tara na at kumain na tayo habang mainit ang sinangag. " aya na nito habang naglalagay ng mga kubyertos sa gilid ng pinggan na nakataob. Nakaupo na sa kabisera ng dining table si Mang Ramon at kanan nito naupo ang asawa kaya sa kaliwang panig ng Ginoo naupo si Sarah. Nandoon kasi ang isang plato kaya ang sapantaha niya ay roon s'ya pu- pwesto. " D- Dapat po pala magbigay ako ng upa ko sa bahay at foods. " turan pa ni Sarah nang

