NAGISING ako sa tunog ng alarm clock ng telepono ko. Bumangon ako, at agad ko itong pinatay, ngunit agad kong napansin na iba ang suot kong damit. “s**t! Ano ba ‘tong katangahan na ginawa ko?” sambit ko, sabay sabunot ng buhok sa inis at pagka-nganga. Lumapag sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi lang minsan, kundi paulit-ulit na lumilitaw sa isip ko ang bawat sandali kasama si Dylan. “Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon?” tanong ko sa sarili, ramdam ang kaba. Kagabi, natulog kami na tanging kumot lang ang nakabalot sa hubad naming katawan. Ngayon, may suot na akong damit. Malamang si Dylan ang nagbihis sa akin habang natutulog ako. Balak ko pa sanang matulog muli, ngunit agad kong naalala na aalis na pala ako ngayong araw. “Sana umalis na siya,” bulong ko sa sarili. Pa

