Naekie's POV
"Ati Tibang!!!" Pagtawag ko kay Ate Tibang nang makarating ako sa tapat ng shop nila.
Hindi ko na kailangan ulitin pa ang pagtawag dito dahil lumabas na ito.
"Naekieee!!" Napasigaw sa gulat na tawag ni Ate Tibang sa akin.
Nang makarating ito sa akin ay bigla nya akong niyakap.
"Kamusta ka?" Tanong nya habang nakayakap pa rin ito.
Ang OA naman masyado ni Ate Charmaine akala mo ba'y isang buong taon kaming hindi nagkita. Ahahaha!
Hays! Pukulin ko kaya ito? Ano? Palag? Ahahahaha, Chaerot!
"Okae lang naman po ako Ate Tibang. Hehehe." Medyo may hiyang sagot ko sa kanya.
"Oh, ang dami mong dala ha? Mukang nakarami ka nung isang araw?" Tanong nito sa akin nang makita ang dala kong dalawang sako.
"Hehe, hindi naman, hindi po naipon lang po. Dalawang araw po kasi kayong nawala eh." Sagot ko dito at syaka binaba ang aking mga dalang sako.
"Eh bakit hindi mo dinala dito? Nandito naman si Dave, ah."
Sasabihin ko na sana na ayaw bilihin ni Dave ang mga kalakal ko ngunit bigla nalang siyang lumabas at tinawag si Ate charmaine yung mommy nya.
"Mommy nakita mo ba yung damit ko?" Tanong nito sa kanyang Ina nang ito makarating sa labas ng pintuan.
Goshhh!
Mga Sasae nakahubad siya!
Nakahubad si Dave!
Ang ganda ng katawan nya, grabe! Ahmm. Bigla tuloy akong nagutom! May kanin ba kayo dyan? Ahahah, chaerat! Malaki na medyo may kauting taba ang body nya. Yung tipong hindi perpek but super nekekeenleve! Ang pangarap kong katawan! Lumapit ka sakin at ako ay damhin. Bilisss! Charet!
Bumalik ako sa aking wisho mula sa aking pangangarap ng gising nang tumingin ito sa akin at tsaka ngumisi.
Napansin nya siguro na titig na titig ako sa kanya.
Beket ke genewe yen? Omg! Nakakahiya eh!
"Anong damit ba?" Tanong ni Ate Tibang sa anak nito.
"Yung white, yung binili mo sa akin nung isang araw."
"Hindi ko nakita, hanapin mo sa kuwarto mo baka nanduon lang."
Pagkatapos nya itong sabihin ay bumalik na sa loob si Dave at hindi na sumagot pa. Pero bakas sa mukha nya na medyo nairita siya. Sa akin kaya? Hmm. Wag naman sanaaa!
Yahhhh!!! Sayang naman pumasok na siya sa loob nila.
"Pasensya ka na kay Dave, ganon talaga 'yon." Wika sa akin ni Ate Tibang.
"Oh bakit nga pala hindi mo dinala dito 'yan noong mga nakaraang araw? Naipon tuloy." Dagdag na tanong nito sa akin.
"Ah.. eh, hindi ko po kasi alam na nandito siya." Pang-iimbento ko ng sagot sa tanong nya dahil baka kasi marinig pa ito ni Dave at awayin nya pa ako kapag nagkita kami ng kami lang dalawa. Yieee! Baka ibang away yun! Hihihi.
"Ganon ba? Oh saan naman kayo kumuha ng pambili nyo ng pagkain nitong mga nakaraang araw?" May halong pag-aalalang tanong nito sa akin.
"May naipon naman po kaming pera ni Ading. Hehe."
"Mabuti naman at marunong na kayong magtipid, maganda 'yon. Bata palang kayo marunong na kayo sa buhay.” Ani ni Ate Tibang sa nakakainspire na tono ng pananalita.
"Salamat po!"
"Sige, buksan mo na iyan at nang mabili ko na."
Hindi na 'ko sumagot at binuksan ko na ang aking sakong dala.
Kulutingbogs!!- Tunog ng mga basura ng ito ay aking maibuhos sa lapag.
"Marami nga ha!" Ani ni Ate Tibang nang kanya itong makita.
"Heheh Hindi naman po!"
Ngumiti lang ito at syaka inumpisahan na ang pagbibilang sa mga kalakal.
Ay wait,
teka lang!
Bakit siya yung nagbibilang?
Nasaan yung mga trabahador nila!?
Ang bait nya talaga, hindi siya maarte kahit mayroon silang pera.
Hindi katulad ng iba. Super arte akala mo naman kung sinong mayaman.
"Ate tibang? Bakit kayo po yung nagbibilang nyan?" Tanong ko dito.
"Wala kasi ang mga trabahador namin, nasa day off pa." Sagot nito.
"Tatlong araw na po?"
"Nagkasakit kasi yung asawa nung isa at yung dalawa naman may reunion daw sila. Magpinsan kasi yung dalawa na 'yon." Mahabang sagot nito sa akin at panandilang tumigil upang maghabol ng hininga.
Maghabol talaga?
For some oxygen nalang! Ganon.
Hahaha! Parang aso lang!
Chaekaaaa!
"Ayaw ko ngang payagan dahil sabay sabay sila at wala akong makakatulong dito pero wala naman akong choice. Kaya pinagbigyan ko nalang dahil apura ang pangungulit nila sakin." Dagdag pa nya.
Ay nakulitan pala ang Lola nyo! Ahahaha!
"Eh kayo po? Saan naman po kayo ng galing?" Maypagkachismosang tanong ko kay Ate Tibang habang nag-bibilang kami ng mga kalakal.
"Bumisita kasi ako doon sa pamilya ng asawa ko."
"Ganon po ba?"
Katahimikan ay panandaliang bumalot sa aming dalawa dahil nakatuon ang aming buong atensyon sa pagbibilang ng mga kalakal.
Ngunit 'to ay na wakasan ng lumabas ulit si Dave at nagsalita...
"Mommy aalis po ako." Sabi nito sa kanyang ina at bigla na ding umalis na hindi manlang hinintay kung ano ba ang magiging sagot ng kanyang ina sa kanyang mga tinuran.
Nakabihis ito ngayon ng panlakad na kasuotan. Gayak na gayak si mayorz wah! May awring!
Mas lalo pa siyang gumuwapo sa suot nyang white T-shirt at tinernuhan naman ng hanggang tuhod na maong na short at ang pambaba nya ay vans na sapatos na kulay black, yung original. Hindi naman kasi siya nagsusuot ng hindi original eh.
Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makaalis ito. Ngunit tumingin siya sa aking direksyon bago ito makaalis ng tuluyan sa aking paningin.
Ang ending kinikilig si ang Lola nyo!
Kumindat pa ata siya sakin!?
Wahahaha yieeee enebe! Charet.
Gigising na nga ako dahil alam kong hindi nya ako magugustuhan.
Dahil?
Mygad! Hindi ako babae! Pinpoint na!
Less dramas! Mabuhay nalang tayo ng mapayapa!
"Oh Naekie eto 300!" Abot sa akin ni Ate Tibang ng bayad nang makatapos kami sa aming pagbibilang.
Panandalian akong nagulat dahil hindi ko akalain na ganito ang aabutin ng aming kalakal. But alam ko naman na dinagdagan nya ito. Super bait kasi nya kaya patuloy na pinagpapala ng Maykapal eh. Superrrrrr! Thanks.
"Salamat po Ate!" Buong pusong pasasalamat ko sa kanya habang nakangiti ako ng super bonggae.
"Ano ba 'wag ka ngang magpasalamat sa akin. Binili ko lang naman 'to."
"Hehe! Nagpapasalamat lang po ako sa kabutihan nyo." I said Sincerely. Jokess!
Sincerely? Hindi ko alam 'yan! Tinry ko lang kaya nilagay ko. Mukha kasing maganda and socialen. Hahaha!
"Sige po aalis na po ako." Paalam ko kay Ate Tibang.
"Oh sige mag-iingat ka!"
Ngumiti at tumango lang ako sa kanya bilang pagtugon sa kanyang sinabi at syaka umalis na.
I have three hundred pesos here in my pocket now. At gagamitin ko ito sa aking panlalalaki.
Wahahaha, Charet!
Bibili ako ng bigas at pagkain namin ni Ading pero bago 'yan ay uuwi muna ako at hihintayin ko si Ading para sabay kaming bumili.
Habang na sa daan ako ay may nakita akong mga taong nagkukumpulan doon sa isang kanto. At dahil sa ganap na chismosa ang lingkod nyo.
Pupunta ako doon.
"Anak koooo!!! Huhuhu!" Malakas na hinagpis ng isang ina dahil malayo pa ako doon ay naririnig ko na ito.
Hays, ano kayang nangyari doon?
"Anong nangyari sa 'yo? Sino ang may gawa nito?" Tanong ni ginang sa kanyang anak kasabay ng matinding paglulupasay.
Dadali dali akong tumakbo roon at ako ay nagulat sa aking nakita nang ako ay makarating.
Sino ang nay gawa nito?
Paano nya ito nagawa?
Bakit siya pa!?
Wala siyang kalaban laban!
Nakahandusay sa aming harapan ang ngayon ay wala nang buhay na batang babae. Ang batang babae na ito ay walang iba kung hindi ang nag-iisang anak ng kapitbahay namin. Mistulang hindi mo na siya makilala dahil puro dugo ang mukha nito at tuluyang tumindi ang aking pagkagulat ng ako ay dumako sa ibabang bahagi ng katawan ng Bata.
Wala na siyang mga binti!
Awa ang aking naramdaman sa ina nitong halos mamatay na sa kakaiyak.
Pero galit, sa sinumang gumawa nito sa kanya.
Hindi ko man sila kaano-ano o kadugo manlang, pero kababayan ko parin sila. Iisa lang kami ng bayan na kinalalagyan. Hindi man pare-pareho ang aming antas sa buhay. Ngunit alam ko na sa ganitong uri ng sakuna ay kailangan naming magkaisa at magtulungan para sa kaligtasan ng bawat isa.
Base sa aking obserbasyon, hindi pangkaraniwang nilalang ang gumawa nito. Mukhang ngayon na ang tamang pahanon upang gamitin ko ang kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Maykapal.
at ito ay walang iba, kung hindi ang mahiwagang BluePink na bato!
"Umataki na ulit ang mga Goblinae!" Gulat na ani ng isang matandang ale pagkatapos nyang makita ang sinapit ng kawawang musmos na batang babae.
Ha? Ano daw? Goblinae? Ngunit, sino ang mga nito?Anong uri ng nilalang sila/siya?
Itutuloy...