Ading 4

2569 Words
Naekie's POV "Good Morning Germany! I also wanna say, Good Morning Haversacks and Bamboos!" I said loudly. HAHAHAH! CHAEROT! Let me correct Myself. Masyadong maarte, di pala bagay sa akin ang mag'Ingles. "Nakakalokang Jumaga Pilipinas! At pati na rin sa mga sako at kawayan na naririto sa aming gilid. At sa mga iba't ibang na bumubuo sa aming tahanan, super gorang umaga sa inyong lahat!" Magsilang pagbati ko sa mga ito. Matapos ay nag'inat. "Where is the mirror which I have currently bought in England?" I asked myself like daughter of a real Goddess. Sabeee??? HAHAHAH Ampangitttt! Ngunit hindi pa man din ako sumasagot ay May sumagot na... "You don't a mirror Faggot!" Pagbasag ng lapastangan na kung sinuman sa aking paglulumandi ngayong umaga. Si Ading yun for sure. At wala nang iba pa. Gising na pala siya? Tignan ko nga para makatiyak. Liningon ko ang buong paligid ko at, confirmed wala na s'ya sa higaan. Si Ading nga 'yon. "Buwisit ka Ading. Why are you so epal? Ang ganda ganda ng umaga ko e binabasag mo my trip! Do you want me to basag basag you face ha?" "Kay aga-aga kasi naglulumandi ka. Imbis na punasan mo 'yang tulo ng laway mo dyan sa pisngi mo na lumalandas sa tenga mo ay kung ano ano ang isinisigaw mo dyan. Ang ingay kaya. Nagising tuloy ako ng wala sa oras." Halaaa? May tulo laway baa? Aws meron nga. Ang dugyot ko grabe. Don't yah all worry. Tinanggal ko na. "Shutah ka! Ikaw din kaya." "Bad! Bad! Bad! Ati Ati Ati!" Sabi nito na inuulit-ulit pa ang mga salita. Mukha tanga lang. Sarap iyipit sa gulong ng tricycle habang ito ay gumugulong. "'Wag kang gumaganyan hindi bagay. Mukha ka lang tanga!" Pambabara ko dito. Mukhang sirang plaka eh. "Ikaw din huwag kang gumaganern Ati, mukha kang ipis na may galis na hinahabol ng limang pulis." "Ganda ko namang ipis na may galis! At syaka bet ko yung hinahabol ako ng mga pulis, no? HAHAHA! EME!" Sabi ko habang ngumingitingiti na parang pusang nakalunon ng siyam na buto. "Chakae mo! Bahala ka na nga dyan at maliligo na ako. May pasok pa kasi ako ngayon no." Pagkasabi nya nito ay umalis na nga siya. Well! Well! Well! Our daily routines. Have to begin. Ayon nga sisimulan ko na nga. Para sa umaga pa lang ay productive na agad ako. Where is the Tambo? Hindi ko kasi siya makita. Nasaan kaya? Naku, limang piraso na nga lang ang hibla noon ay may nag'nakaw pa ata. "Tambo!? Tambo!? Yieee, nasaan ka? Alam kong nagtatago ka lang dyan. Lilitaw ka ba o gusto mong hanapin pa kita?" Linya ko na parang shungae habang hinahanap yung Tambo na gagamitin ko sa aking pagwawalis dito sa lapag namin. "Tambo!? Nasaan ka ba?" Ay ayaw nyang sumagot ha! Puwes ay mapipilitan tuloy akong sugpuin siya! Humandaaaaaa kaaaaa!!! "Bakit ba ayaw mong sumagot at magpakita? Galit ka ba sa akin? Sornae na, I I didn't intended that. Nadala lang ako ng mga emosyons ko noong araw na 'yon." Goshhhhh!! Ano bang pinagsasasabi ko?  High na high ang Lola ninyo ngayong umaga. Nakaka'energetic pala yung isang pirasong tuyo na inulam namin kagabi. Try nyo. EME! "Ati? Ano bang hinahanap mo dyan?" Tanong ni kapatid na ngayon ay tapos nang maligo at nakatapis pa ng tuwalya sa ulo at sa katawan. Balot na balot ah. Ala e, pagkalande. Akala siguro ay ganap na siyang babae. "Yung walis Tambo kasi ayaw sumagot kanina ko pa tinatawag. Hinahanap ko naman ayaw parin lumitaw. Eh ang liit liit lang naman ng Homesing Project natin. Jusko! Naiiyak tuloy ako." "Nasaan ba kasi yon?" Paghahanap ko pa ulit habang lumilinga-linga sa bawat sulok ng aming tahanan. "Shungae! Kaba talaga Ati? Malamang wit sasagot 'yan because it doesn't have mouth and it is also just a thing. Bagay siya Ati. Wala siyang abilidad na magsalita. Hindi siya tao or hayop man lang? Isa pa sasakalin na talaga kita dyan kapag hindi ka tumigil. Hayper na hayper ka." "Totoo ba?" Denial kong tanong. "Uuyah Ati! Shungae mo no!" Sagot nito sa akin sabay batok sa aking tyan! Chaerot Ahahaha! Sa tiyan talaga? Puwede ba 'yon? "Okae, sigi!" Sagot ko dahil nawalan na ako ng sasabihin pa at syaka baka'malate na rin ang Tita nyo, si Ading sa school. "Chakae! Oh Sige na. Papasok na akis, babush! Solo flight ka ngayon sa  pangangalakal Ati! Good lucks sa 'yo. Ligsihan, at mag'iingat ha no?" "Landehhhh! Oo. Pumasok kana. 6:45 na. Maglalakad ka pa ng super layo bilisan mo at baka mahuli ka pa sa klase." Paalala ko sabay beso o halik sa kanyang pisngi. O diba, ang sosyal lang? Maypaganon. "Ingats" Pahabol ko bago pa ito makalayo. Katulad ng sinabi nya, ako nga lang mag-isa ang mangangalakal today. Hays... need ko ng tibay ng katawan to face this kind of work. Sabeee? HAHAH! Bago ang lahat ay kumain muna ako at naglinis para maumpisan ko na ang pagronda sa kalsada. Hindi ko na rin hinanap 'yang Tambo na 'yon. Magpapakita din 'yon, someday! Subo lang ng subo! Hmmm...Sherep! Bet nyo? Nabulunan ako. Tubig please! Inom... hmmmm... lameg tubig, lasang juice! Hays! Finally tapos na! So maliligo naman ako... Sabon lang ng Sabon. Hmmmm... Ang lemegggggg!!! Humahangin kasi e. Sako lang naman ang tabing ng pinto. HAHAH! Nahilam akoooo!!!! Tabo please! Buhos sa mukha. Ssshinggg wala na! Hays, finally okay na. Magbibihis na lang ako para tuloy na sa pagrampa! Pili lang ng pili ng damit! Hmmm... ang bango ng isang 'to! Bet ko siya. Wait lang may butas! Karayom and sinulid please! Tahiin ang butas... I'm totally done! Thank you, classmates! Hays! Wala palang klasmate, sornae! HAHAHA! Nawala lang ako sa wisho. At commercial lang din iyon. So ayun na nga. Sinara ko muna ang aming tahanan at syaka kinuha ang sako na gagamitin ko ngayong araw. Gora nae sa pangangalakal! Laban! Lakad lang ako ng lakad ngayon habang patuloy sa palinga sa paligid ng mga kahit anong bagay na maaaring ibenta. "Sight ko nga donchie, parang meron!" Kausap ko sa aking sarili habang nakatingin sa gilid ng kalsada. "Ay pakkk meron nga Impernesss." Sagot ko  naman nang ako ay makarating sa lugar na 'yon. HAHAHA. Muntanga lang nes? Ilanchie ba itis? Dalawang bote ng C2. Dalwang lata ng gatas pang baby. And lastly, Dalawang bote ng MP lights. Six din 'to mga Sesae! Ginetsung ko lahat at inilagay ang mga ito sa aking maleta! Sa aking sako rather. EME! Ayun, okay na. Nagpatuloy ako sa paglalakad upang sa gayon ay makakita pa muli ng mga kalakal. Wala akong paki'alam sa mga taong nakapaligid sa akin no. Kung ano man ang isipin nila wala na akong paki'alam doon. At syaka isa pa. Hindi naman ako super mukhang basurero dahil mabango at manilis din naman ang suot at ang katawan ko no. Lakad.... lakad.... Ano ba ito? Bakit wala akong makita? lakad ulit, Ay ayun may boteeeeee! Kinuha ko ito matapos ay nilagay sa sako. Dyan ka lang ha! Huwag kang aalis kung hindi malilintikan sa akin. HAHAHA. EME! lakad again.. Ayon, maynakasupot. Ano kaya ang laman niyon? Matignan nga. Ayun na nga at lumapit ako dito... Ay shocialen, plastik pa pala ito ng SM. Sino kaya ang nagtapon dito nito? Binuklat ko at mayroon itong mga Boteng Plastiks. Marami-rami rin ang mga ito impernes. Kaya wala na akong hinintay pa at inilagay ko na ito sa sako dahil baka may mag'claim pang iba. Naku, mahirap na marami pa namang epal ngayon. Sila Barok 'yon. Nang mailagay ko ang mga ito ay tumayo na ako at nagsimulang maglalakad ulit. Ngunit sandali akong natigilan dahil sa aking nasilayan. "Wait, si ano ba 'yon?" Tanong ko sa aking isipan. Nilinawan ko ang aking paningin ng level 250 percent upang mas lalo ko silang masilayan. Si Dave nga iyon!  Ngunit sino yung kasama nyang girlalut na mukhang ululod? Hindi naman maganda. Maputi lang at syaka ang daming ek-ek sa katawan. Itchura nito. Ibalibag ko 'tong sakong hawak ko sa kanya e. CHAEROT. Insecure lang ateng? Ngayon ay patungo at malapit na sila sa direksyon ko. Puwes bago sila tuluyang makarating at makalapit sa akin ay magtatago muna ako ng super todo dahil ayokong makita 'yang pagmumukha ni Dave ngayong araw at baka ako ay mawala pa sa katinuan. Kay ganda ganda na nang simula ng araw ko e, masisira pa. Mabilis akong sumuot dito sa damuhan sa gilid ng kalsada at nahiga doon na parang isang tipaklong na napagod lumipad at panandaliang nagpahinga upang mapawi ang kapagurang nadarama.  Sandali, bakit nga pala ako nagtatago sa kanila nang dahil lang sa ganoong rason? Parang ang hina ko naman pala. Hindi dapat ako magtago no! Push ko ito. Deadma lang sila. Lalabas na sana ako ngunit bago iyan ay napagdesisyunan ko munang i'check kung okay pa ba itong itchura ng pes ko. Kinuha ko ang aking salamin sa aking kaliwang bulsa na kulay Asul at Rosas.  Paborito ko silang kulay no! Wala kayong magagawa! HAHAH! Napulot ko lang pala yung salamin na 'to. "Okae pa naman pala 'tong mukha ko, Maganda parin!" Bulaslas ko matapos masilayan ang isa sa napakagandang likha ng Diyos, ang aking mukha. OMG! Super over landi ko talaga ngayong araw. Walang deny deny 'yan. Namamana ko na ata kay kapatid Ading ang kalandian nya. O Baka naman Since Birth talaga 'to, at ngayon lang lumalabas? HAHAHA! Nanisi pa e. At dahil maganda pa ako, tatayo na sana ako ng super confidently ngunit sa katangahang palad pagtayo ko ay nagka'hulog ang aking mga kalakal dahil baliktad pala ang pagkakahawak ko sa sako. Ay ano ba ito. Super kaimberna naman. Ang malas ha! Bakit ngayon pa? Hayst. Pupulutin ko na nga lang ulit kasi wala namang ibang pupulot nitong kung hindi ako lang din. Habang pinupulot ko ang mga ito ay narinig kong dumaan sa mismong gawi ko sila Dave dahil narinig ko yung boses n'ya at sure akong sa kanya galing iyon. Tumawa pa yung kasama nyang babae. Naku sana lang ay hindi nila nakita ang ka'clumsyhan kong ito. "Walang tao samin. Hindi pa umuuwi si Mommy kaya tayo lang dalawa ang tao mamaya sa bahay. Magagawa natin ang lahat ng gusto natin!" Ayan yung sinabi nya  kay gerlalut na may halong kaunting pananabik. Naku, kaunti lang ba talaga? HAHAHAH! Todo lantod naman si Ate! Bet na bet lang? Paputukin ko dIdI nya eh! Ahahahahahaha chaereeeenggggg! Hindi siguro nila ako napansin no? SANA LANG TALAGA! Wala na naman si Ate Tibang!? Hays. Paano ko na naman maibebeta ang mga 'to? Problemado na naman ang Lola nyo. Ngunit sa isang banada ay buti nalang at narinig ko iyon upang hindi na ako tumungo pa sa kanila dahil mas sigurado pa ako sa sigurado na hindi naman bibilhin ni Dave 'to no. At lalo pa ngayon na maykasama siyang babae na Feeling dyosa. Baka dyosa naman talaga? Adi siya na kung ganon. Anak mayaman din siguro. Ate Tibang saan ka ba pumunta? Two days ka ng hindi umuuwi ah. Hindi kaya na tokhang na siya? HAHAH! EME! Umuwi ka na, Plit. He needs you! We need you! Us need you. CHAERING! 'Yan ang mga bagay na kasakuluyang nasa aking isipan na nangangailangan ng solusyon upang mapunan ang aming kumalam na sikmura. Itutuloy ko na sana ang naudlot kong pagtayo nang mailagay ko nang lahat ng aking mga kalakal na natapon sa damuhan ngunit ako ulit ay natigilan dahil may biglang nagsalita... Aresa kesa! Shelungan nyesa akesa! (Aray ko! Tulungan nyo ako!) "Ay ano ba 'yon? Katakot ha!" Tanong ko sa aking sarili habang lumilinga linga sa paligid dito sa damuhan. Shulungan nyesa akesa! Hapdisa puwetsa kesa! Givelabansa Nyesa akesa ng napkensa. (Tulungan nyo ako! Mahapdi ang puwet ko! Bigyan nyo ako ng napkin.) Jusko ayan ulit siya! Sino ba 'yon? Anong ganap nya? Ano 'yon? Masakit daw ang puwet nya? Jusko, eh ano ba ang ginawa nito kagabi? Don't tell me nagpaano siya. EME! My bad. Pero baka kailangan nya talaga ng tulong. Muli kong nilinga ang aking paningin sa paligid ngunit ako'y nagulat ako sa aking nasilayan.... What? Bakit may taong nakahiga dito sa gitna ng damuhan? At tila mukhang na jombag pa ito. Kawawa naman siya kung ating susumahin. Dalidali akong tumungo doon upang tulungan ang taong iyon. Kahit naman may kalandian at kaartihan akong taglay ngayong araw e, super matulungin at maawain ako. "Ano pong nangyari sa inyo?" Tanong ko dito sa mukhang Jinombag na binabae na nakahandusay sa damuhan nang marating ako sa kinalalagyan nya. Paano ko nalaman na binabae siya? Simple lang. Naamoy ko kasi. HEHE! Gay thing. Ganern 'yon mga Sesae. Try nyo! Biliiii, exciting! "Shulungan mesa akesa Givelabansa mes akes ng napkensa!" Pagmamakaawa nito sa akin. Naintindihan ko naman ang nais niyang parating kasi beks din ako. GAY LINGO 103. "Sige po ngunit wait lang po. Hintayin nyo po ako bibili lang po ako sa tindahan. Mabilis lang po ako." Sagot ko sa kanya at nilapag muna sandali ang bitbit kong sako matapos ay kumaripas na ng takbo patungong tindahan. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa ako'y makarating... "Ate pagbilan po ng Napkin. Pakibilisan po! Pasama na rin ng Tinapay at Tubig" Pagmamadali kong turan sa Tindera. Mabilis itong nakakuha at iniabot sa akin. "Oh" "Magkano po?" "20 lang" "Ha?" Gulat kong tanong sa kanya. Ang mahal naman kasi nito may ginto ba 'to sa loob!? "20 lang po" Pag-uulit nya. Tinignan ko ang pera ko at... Sakto 20! "Eto po oh!" Mabilis kong inabot ang bayad at kinuha ang aking binili sabay alis. Nakalimutan ko na ring magpasalamat kay Ateng na Tindera. Nagmamadali kasi ako ng todo ih. Matapos ang kulang isang minutong pagtakbo ay nakabalik akong muli. "Eto na po yung napkin. Sinamahan ko na rin po ng tubig at tinapay." Iniabot ko ang mga ito at mabilis naman nyang kinuha. "Ay shushalen ka no! May pa'water and Bread pa! Laylesa! Mayaman ka gurl?" Papuri nito sa akin habang binubuksan ang supot ng Tinapay. Pumiraso ito agad at sinubo. Wait! Ano nga pala ang purpose nung napkin na pinabili nya? Inilagay nya kasi sa bag nya yon e. Yung bag na super bonggalisiousness!! "Ay hindi naman po sa ganon. Sa katunayan po nyan eh nangangalakal lang po ako dito at sa hindi sinasadya po ay nakita ko kayo." Sagot ko sa kanya. Patuloy lamang siya sa pagkain. Toming tomi ang Lola nyo ha! Hindi nyo siguro siya pinakain ng ilang linggo! EME! "Truly ba? Very much napakabuti mong bata ka. Nang dahil dyan sa kabutihang taglay mo hayaan mo akong ibigay sa 'yo ang isang bagay na makakapagpabago ng iyong buhay." Sabi nito gamit ang normal na salitang ginagamit nating mga Filipino. At iniabot sa akin ang makinis na batong Asul with color Pink. "Ano po ito? At paano po nito mababago ang aking buhay?" Medyo naguguluhang tanong ko. "Ayan ay isang mahiwagang bato na kung saan kapag ito ay iyong nilunok at isinigaw mo ang gusto mong pangalan ikaw ay magiging isang tagapagtanggoal na katulad ng super hero na iyong iniidulo." Mahabang pagpapaliwanag nito sa akin. Kinikilatis ko ang mahiwagang bato nainiabot nya sakin at talaga ngang ito ay mahiwaga dahil sa kakaibang linis, kinis at nakamamanghang gandang taglay nito. "Geysi, geysi nes. Taposa na akesa, gorasa na akesa. Babursa!" Daliang pagpapaalam nito at mabilis na kumaripas ng takbo. Ilang segundo lamang ay nawala na ito sa aking paningin. Wow grabe! Ang bilis nyang tumakbo ha! Impernes sa Lola nyo. May powers ata siya? Naku. Ano ba 'tong nangyayari sa akin ngayong araw. Simula sa kalandian sa tahanan hanggang dito sa damuhan. Ading's POV Hello! Let me first Introduce my self before I state something which is not related and relevant to our topic. Chaerot! Pinagsasabi ko?  HAHAHAH! Btw, sundan nyo nalang sa next Chapter ang aking kabog sabog na POV. Good luck! HAHAHA! Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD