Ading's POV
Heluuuuuuuu, galuuuuuu!!!!!!!
Hi, mga Sesae! A pleasant beautiful evening to each and everyone. Ati and I are here now at her house. House of ate Tibang. Ganyan, bet nyo 'yon?
So ayun. Galing kasi kaming sa park kanina lamang at ayoko nang balikan ang mga nangyari kasi nandoon naman yun sa mga previous chapters. I think Ading 18. If you wanna know just go back there. Hexhex.
Kaya kami nandito ay may importanteng sasabihin daw si ate Tibang sa amin. But bago 'yo ay pinakain muna nya kami ng bonggang bonggae, ang daming laps. Kukurapika! Walang kapantay!
So, kilala nyo ako. Wala akong pinalampas pati buto, I ate all of them. Syempre once in a year lang yung mga ganitong pagkain. So we grabbed it na, baka masayang pa.
After naming kumain, gumora naman kami sa salas nila ate Tibang at doon ay nanood kami ng TV. At eto pa! May aircon sa salas nila! Ang lameeg jusko ang sarap sa feelings, feel ko I'm in Alaska. Ang bonggae diba!? Yayamanin talaga sila.
Nagpaalam sa akin si ati na ma-eerna daw muna siya, ang dami kasing nilapes. So, ayun gumora siya sa taas, at sa kuwarto ps daw ni kuya Dave. Gosh! Ginagawa daw kasi yung CR nila ate Tibang dito sa ibaba, kaya doon muna siya.
Ayun na nga. Wala akong imik dito. Busy kasi si Ate Tibang sa panonood ng TV.
Ilang minuto na din ang nakalipas, ngunit wala pa din si ati ko. Ang tagal ha! Baka may iba pa siyang ginawa don! Nakuuuuuuu lang talagaaaa!
O Baka naman nilamon na siya ng CR ni Kuya Dave galour!
Hindi kasi kami sanay sa ganitong place ih.
"Mommy!!!"
Ay may maygad si Dave ayan na siya! kaboses nya kasi kaya nalaman ko agad at syaka siya lang naman ang uuwi dito. Hala! Si ati ko na sa kuwarto pa ni Kuya dave! Pasonea. Hala talaga siya.
"Kung makatawag ka naman bakit ba!?" Tanong ni ate tibang sa kanya. Nandito lang kasi kami sa salas tapos sa salas lang din siya sumigaw. Diba ang bongga? Hindi nya siguro kami nakita, kaya humiyaw siya ng ganon!
"Mommy totoo po yung sinabi nyo sa akin nung mga nakaraang araw na may kakaibang nilalang na nanggugulo." Sabi ni Kuya Dave sa mommy nya.
Ay anes yung kakibang nilalang na nanggugulo? Baka si goblinae na naman yun ha!? Naku lang talaga!
"Ha? Bakit nakita mo ba?" Tanong ni Ate tibang kay Kuya Dave.
"Yup!" Maikling sagot ni Kuya sa mommy nya. Pa'pogi pa, gosh. Wala naman dito si Ati e.
I think si Goblinae na nga 'yon! I need to tell this na to my Ati.
"Diyos ko po. Ano ba ang pakay nila!?" Ani ni ate Tibang.
"Narinig ko Ma, na sinabi non na na saan ka Darnae, sino ba 'yon Ma?" Sagot at tanong ni Kuya Dave sa mommy nya
"My gosshh!" gulat kong react! ka-gulat naman kasi talaga. Kasi I confirmed may hinala. Si Goblinae nga iyon! At hinahanap nya pa ngayon si Ati ko. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ito. Baka marami pa ang mapahamak ng dahil sa walang shokeng shutae na 'yon.
"Si Darnae yung na balita na sabi ay super hero daw." Sagot ni Ate Tibang sa anak nya.
Trueee ate Tibang nabalita nga si Ati. Corrector ka dyan! Givelavan 'yan ng tuseran at ten tawsan!
"Okay po. Sige, Ma! Aakyat na po muna ako para magpalit ng damit." Paalam ni Kuya sa Mommy nya at syaka siya umakyat?
Ha?
Umakyat?
Ay umakyat nga siya, shuta!
Truly umakyat nga siya hindi ako nagbibiro! Tapat po ako sa inyo like surf! HAHAHAH!
Pero nandoon'chie pa si Ati ko sa room nya.
Baka mag'warla yung dalawa na 'yon. Jusko po. Patay na! Magkaka-chaos, I'm sure.
So ayun. Hindi tuloy ako mapakali, but hindi ko naman pinapahalata kay ate Tibang 'yon. Naka-sight lang ako sa hagdanan, kasi anytime maaaring bumaba si Ati.
Si ate Tibang naman. "Panginoon tulungan at gabayan nyo po kami." Pagdarasal nya.
True again, lord tulungan nyo po yung mga people doon hanggat wala pa po si ati ko.
Mayamaya pa ay nakita kong papababa na si Ati galing sa itaas.
"Atiiiiii!!" Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanya, si ate Tibang nagulat kasi humiyaw ako. HAHAH! Importante kasi talaga.
Naekie's POV
"Bakit ka ba humihiyaw dyan? Bakla ka!" Mahina kong kuda kay Ading.
Tumakbo kasi kaagad sa akin at humiyaw nang makababa ako. Kagulat tuloy.
"Ati sumalakay daw julit si Goblinae!" Kuda ni Ading sa akin.
Ano daw? Truly ba 'yon? Shutae siya!
"Truee ba?" Tanong ko.
"Yess ati. Kuda ni Kuya Dave!" Sagot nito.
Totoo? Nakita nya ba? Saan pa ba siya galing bukod doon sa park kanina?
"My gosh, Kanina pa ba 'yan?" Gulat ko. Baka kasi kanina pa siya uma-awrae doon at marami na siyang nasasaktan.
"Yas Ati, Kanina pa. At naniniwala ako na marami na siyang na tegi sa mga oras na 'to! Chaeret langg!" Sagot nito.
Shutae toh!
"Gora na tayo!?" Pagmamadali kong tanong kay ading.
"Sige, pero paalam muna tayo ng mabilis kay ate Tibang, ati!" Sagot nito.
****
"Ate tibang!? Uuwi na po sana kami anong oras na rin po kasi." Nakangiti kong pagpapaalam kay Ate Tibang.
"Dito nalang kaya kayo matulog!? Delikado na sa labas dahil umatake daw ulit yung kakaibang nilalang na nabalita, doon sa may kanto sabi ni Dave." Sagot sa amin ni Ate Tibang.
"Naku hindi na po, kaya na po namin ang mga sarili namin." Paliwanag ko.
Ang bait ko kapag ka-usap ko si ate Tibang no!? Mabait naman talaga kasi ako sa mabait. Pero walang hiya ako sa walang hiya. Ganon! Nakiki'ayon lang ang ugali ko sa ugali nila. And one more thing, parang nanay na din kasi ang pagtrato mamin sa kanya. Aba! Sa kabila ba naman ng lahat ng kabaitan nya sa amin e, parang siya na ang tumatayong Nanae sa amin ni Ading. We love you, Ate Charmaine!
"Sigurado na ba kayo dyan?" Paninigurado nito.
"Opo Ate Tibang. Marami pong salamat!" Sagot ko.
"Oh s'ya sige, mukhang hindi ko na kayo mapipilit pa, mag-ingat na lamang kayo. Sa susunod na araw ko na lamang sasabihin sa inyo yung sasabihin ko." Mahaba nyang paalala at bilin sa amin.
"Sige po. Salamat po ulit!" Nakangiti naming sagot ni Ading sa kanya.
"Mag-iingat kayo ha!" Paalala nito ulit.
"Kayo rin po, Mag-ingat!"
Pagkasabi namin nito ay dali dali kaming umalis ni Ading. Sinarado muna namin yung gate nila bago kami umalis ng tuluyan para safe din sila.
"Maygad! Ati kailangan mo nang magtransform! Lipad nalang tayo. Para mas mabilis. Baka hindi na natin maaabutang buhay ang mga tao doon." Suhesyon ni Ading sa akin.
"Okay. Btw, may fun chocolate ka ba dyan?" Tanong ko sa kanya, need kasi ng fun chocolate diba?
"Ay wala Ati." Sagot nito.
"Ay buysung muna tayo, dooon may
tindahan!"
Mabilis kaming gumora sa tindahan upang makabili agad ng limang fun chocolate. Lima agad! Reserva ba! Nang makabili kami ay dali dali kaming naghanap ng tagong lugar upang walang makakita sa amin sa gitna ng aking paglilipat anyo.
Binigay ko kay Ading ang Bluepink na bato nang kami ay makahanap ng place.
Sabay sabing,
"Ading, ang bluepink na bato?"
Ibinalik sa akin ni Ading ang bato.
Tinignan ko ito.
At dahan dahang nilunok.
Sabay sigaw nggg,
DARNAE!!!
At may lumabas ulit na kakaibang liwanag, super colorful lights. Unti-unti akong binalot nito at maya-maya pa ay naramdaman ko na na nag-iiba ang aking buong kasuotan.
Feel na feel ko ulit ang pag tatransform ko hanggang sa ito ay matapos. Hinding hindi ako nagsasawang ifeel toh! Bonggae kasi.
Ngayon ako na ulit si Darnae: Ang Baklang Darna! Katulad ng sinabi ko dati na, short recap lang mga sesae! Imbis na maging kulay pula ang aking kasuotan ay naging blue ang ibang bahagi nito. Yung bra, Panti at syaka yung helmet sa ulo.
Pak diba?
#Bluescluse again! #Awrae again!
Powerfulllllllll Hiyaw ni Ading habang pumapalakpak matapos makita ang aking itsura.
"Don't ingay baka may makarinig sa 'yo." Paalala ko sa kanya.
Wala nang drama drama pa ay lumipad na kami para gorahan si Jejemon na tiyanak at tapusin ito.
Sisiguraduhin kong matetegi na kita ngayon! Pramit!
Itutuloy...