NAEKIE'S POV
"Oh, naghapunan na kayo?" Bungad na tanong sa amin ni Ate Tibang. Nandito na kasi kami ni Ading sa kanila. Sa awa naman ni father God ay wala pa dito si Dave.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag na'sight nya kaming nakikikain sa bahay nila.
Si Ate Tibang naman kasi so kulit. Pilit kaming pinapalaps. Eh ganap na patay gutom kaming magkapatid so kumain kami.
Attackkkkkk! Ganon, HAHAHA!
May sasabihin daw kasi siya after naming lumapes. Ano kaya 'yon? May idea ba kayo? Siguro sasabihin nya sa amin na hindi na siya virgin? Oh kaya naman nakapatay siya? Hahaha, Chaering! My bad.
Ang sasarap ng mga pagkain. Piniritong manok, Shanghai and many many more pa.
Tinanong ko siya kung may ganap ba at sagot nito ay wala naman daw. Ang dami kasing pagkain eh, hindi kami sanay ni Ading sa ganito.
"Dahan dahan lang Ading, hindi kita aagawan." Paalala ko kay Ading. Paano naman ba kasi kung makalamon wagas, buti nalang at wala dito si ate Tibang kung hindi na kakahiya.
"Once in a year lang 'to Ati! Huwag ka ng dumaldal baka marinig ka pa ni ate Tibang nakakahiya, kaya!" Sagot nito sa akin.
Hindi na ako tumugon bagkus ay pinagpatuloy ko na rin ang aking pagkain.
"Kain lang ng kain ha." Ani sa amin ni Ate tibang. Nasa gilid na namin siya ngayon.
"Haha Opo." Nakagiting sagot ko.
Ang laki ng tipid namin ni ading ngayong araw. Una, jumain kami kila ate Kiyondae ng tanghalian tapos ngayon namang gabi dito kila ate Tibang. Ang saya nooo? Sana all.
Naisip ko lang, medyo matagal na ding hindi nagpaparamdam si Goblinae. Nagtampo ata sakin? Joke.
Btw, bahala siya sa buhay nya basta ako masaya na. Jowa lang ang peg? Hehe! Hindi, maganda na din 'yon para tahimik dito.
"Ading wait mo ako dito ha? E'erna (Magbabawas ng dumi sa katawan) lang ako." Bulong ko sa aking Kapatid.
Tataε lang ako mga sesae na sobrahan siguro ako ng pagkain. Tapos na rin pala kaming kumain ngayon at nandito kami sa salas nila ate Tibang nanonood ng kung ano ano.
"Ihhhhh ati sige." Sagot nya.
"Ate Tibang puwede po bang maki-CR sandali?" Paalam ko kay ate Tibang na tutok na tutok ang atensyon sa television.
"Sige lang." Maikling nitong pahintulot.
Gogora na sana ako sa CR ngunit nagsalita pa siya ulit.
"Ay nga pala, ginagawa yung CR dyan baba." Dagdag nito.
Patay saan ako mag si'CR?
"Ganon po ba?" Paglilinaw ko.
"Oo, kung gusto mo doon ka nalang sa taas mag'CR sa kuwarto ni Dave." Suhesyon nya.
Ano daw sa kuwarto ni Dave? Eh war kami non eh. At syaka nakakahiya baka maabutan pa nya ako dito jusko. Pero uunahin ko ba pa yung hiya ko kesa sa erna ko? Wit na no, uunahin ko na yung erna ko, hindi ko na kasi kaya, palabas na siya mga Sesae. Yung feeling na tumatayo na yung mga balahibo mo sa buong katawan tapos lumalabas na yung mga butil butil mong pawis tanda nang nalalapit na paglabas ng erna mula sa aking katawan. Aba kahit may aircon sa salas nila, pinagpapawisan pa rin ako. But magaling naman ako magdala, Kaya hindi nila mahahalata iyon. Hahaha!
Ganon sana!
"Ah eh, sige po Ate. Saan po ba 'yon banda?" Tanong ko.
"Doon sa may kaliwang kuwarto. Bodega lang kasi yung isang kuwarto walang CR don." Turo nya.
"Sige po." Pasalamat ko, after ay dali dali akong dumiretso sa kuwarto nga ni Dave.
Agad kong binuksan ang pintuan pagkarating ko doon buti nalang hindi ito naka'lock. Thanks Father God you saved my life again.
Mabilis akong dumiretso sa CR. Hindi ko na napansin yung paligid dahil palabas na siya. Basta malaki yung kuwarto. Ni'lock ko yung pinto ng CR syempre para secured bago simulan ang aking ganap.
"Magaling! magaling! Naekie!" Pagbati ng kung sinuman sa aking isipan.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ano no 'to? Baguhan lang? Nakalimutan na kung sino ako?" Baling nya.
"Ay Reynae ikaw pala yan! Sornae na. Bakit nga po pala?" Sagot ko kay areynae. Si Reynae pala 'to. Nawala lang sa isip ko.
Yahhhh Alam nya kayang umierna akis? Hindi naman siguro. Hahaha, sana lang.
"Magaling! Magaling!" Bati ulit nito.
"Anong pong magaling, magaling?" Walang alam na tanong ko sa kanya.
"Shungae! Na'talo mo kasi pansamantala si Goblinae! Magaling ang ginawa mong mga strategies." Sagot nya.
"Ay ganon po va, ang shugal na po noon! Pero salamat po."
"Kahit na! Basta mag-ingat ka pa rin sa kanya kahit natalo mo na siya pansamanlata. Dahil muli na naman siyang aatake. Maghanda ka Naekie. Marami ka pang kakaharapin. Kung gusto mo ay ipagkatiwala mo sa pagkakatiwalan mong tao ang bluepink na bato dahil mas maganda na wala sa 'yong pangangalaga ito kung ikaw ay na sa iyong normal na katauhan sapagkat may kakayahan ang mga kalaban na nalaman kung sino ba ang tapagtanggoal ng bayan gamit ang bating iyan at ikaw 'yon." Mahabang habilin sa akin ni Reynae. Matapos ay naghalo na ulit ito.
True kaya? Mang-iimberna kaya ulit si Goblinae!? Ngunit kailan? Mukhang alam ko na kung kanino ko ipapatabi ang bato at kukuhain ko nalang ito kung ako ay magda'Darnae.
Kay Ading!
Hays... Ang dami ko pang hindi alam. Pero laban lang!
----------------
Done na akong mag'CR. Imperness ang bonggae nitong CR ni dave with flash hindi hassle. Nakakatuwa. Tapos with shower na din ito.
Ay wait lang, brief nya ba 'tong nakasampay? Imperness ang ganda ng kulay ha, kulay black.
What if, amuyin ko kaya ito? Hmmm!
ihhhhhhhhhhh! Chaerotttttt lang noooo. Kadiri kaya.
Basta ang ganda ng tiles nitong CR, color blue. Maaliwalas at malinis tignan. Hindi katulad ng samin. Tagyawatin. Hehe charr!
Iba din, mya handsoap pa, magsasabon muna bago ako lumabas para germs free.
After nito, lalabas na sana ako but,
But
But
But
But
Nandito na si Dave sa kuwarto nya.
At OMGG, naka-boxer lang ito.
Nagkagulatan kami bigla, as in mga Sesae iba yunggulat at hiyang hiya ako. Shutae!
Medyo natagalan bago may magsalita sa aming dalawa.
"Anong ginawa mo dito sa kuwarto ko?" Maangas nyang tanong sa akin. "Binobosohan mo ako no!" Dagdag nya.
"Ha? Hindi ah!" Pagtatanggi kong sagot.
"Anong hindi!? Eh bakit ka nakatingin sa katawan ko, ha?" Tanong nya sa akin sabay ngisi.
"Chinecheck ko lang no! Baka kasi may naiba." Paliwanag ko.
"Anong Chinecheck? Bakla ka ba?" Tanong nito.
Ay hindi nya ba alam? Oo! Bakla ako kuya! O baka naman girl ang tingin nya sa akin?
Gisingggggggg!
"Babae kaya ako no!" Sagot ko.
"Yakkkkk! Baka binababae sa banga!" Medyo nandidiring sabi nya sa akin.
"Hoy! Anong binabae sa bangga!?Hindi kaya no!" Sabi ko, sabay sampas sa braso nya! Ahmmmm bushog!
Malaman!!!!!!!!!!!!!!!!!
Feeling close ang ganap ko ngayon mga sesae! HAHAHA!
"Ang baho! Tumaε ka no!" Ani nito at nagtakip ng kanyang ilong ng umihip ang hangin. Nakabukas kasi yung bintana dito sa kuwarto nya lumabas tuloy yung singaw ng CR at syaka hindi ko rin naisara ng maayos yung pintuan ng CR. "Putch4! iwwww" Dagdag pa nito.
"Hoy! Grabe ka sa akin ha! Oo umerna nga ako! Ikaw hindi ka ba umi-erna?" Tanong ko sa kanya.
Bakit parang, wala namang amoy?
Grabe siya ha!
nakuuuu!!!
"Lumabas ka na nga!" Ayan na lamang ang naisagot nya sakin.
"Oo na! Ay, by the way highway Dave." Sabi ko at syaka ako ngumiti ng nakakalokae at sabay sabing. "Thank you!"
Hahaha, haliparot!
"BU!0L" Narinig ko pang sabi nya.
I TU TU lO Y。。。