Ilang araw ang nakalipas mula nang bigyan niya ako ng bulaklak. Hanggang ngayon, nandito pa rin ito sa kwarto ko. Binabad ko sa tubig para masigurong hindi mamatay. Though, 'yong ibang bulaklak ay nagsisimula nang malanta. Alam ko na rin namang mangyayari 'to kaya noong araw pa lang na binigay sa akin ni Cavin ang bulaklak, kinuhanan ko na ng sandamakmak na litrato, iba-iba ang anggulo. Sa mga nakalipas ding araw na 'yon, nag-search ako nang nag-search kung paanong maiiwasan ang nararamdaman ko sa kanya. Halos lahat ng nakita kong tips ay useless. Isa na roon 'yong iwasan mo 'yong tao. Paano ko 'yon magagawa, e, nasa iisang bahay kami? Hindi naman ako pwedeng humiwalay sa kanya, hindi rin ako pwedeng maglayas. Mayroon pang isa, umamin ka sa kanya. Naisip ko na 'to noong nakaraan pero p

