I was stuck looking at him, nakaawang ang bibig ko para magsalita pero walang boses ang lumalabas. Nang tumigil siya sa pagda-drive, tila mas nadagdagan ang pressure na nararamdaman ko.
Kailangan ko siyang sagutin...
Syempre, ayos lang naman. Trabaho ko iyon, kahit na labag sa kalooban ko, wala akong magagawa. Isa pa, hindi naman bago sa akin iyon. Lahat ng naging client ko ay iyon ang unang ginawa sa akin— hinalikan ako sa labi. Bakit ngayon pa ako naco-conscious?
"Sorry, let's just forget that." Binuksan niya ang pintong katabi niya. "Magpahinga ka na, tapos na ang practice at date natin."
Napayuko ako, hindi ako makakatingin sa kanya ng diretso. "Thank you."
Nauna siya sa aking pumasok. Mabigat ang loob ko papunta sa sariling kwarto. Pagpasok na pagpasok, humiga agad ako at binaon ang mukha ko sa unan. Hindi ko na nakuhang maligo o makapagbihis man lang.
This day is too long... ang tagal matapos.
"Honey!"
Unti-unting nagmulat ang mga mata ko nang makarinig ng pagtawag at pagkatok.
"Honey, are you asleep?"
Tinatawag ako ni Cavin...
Napahikab ako at nag-unat ng braso. "Wait lang!" Noong makatayo ako, kinusot ko ang isang mata ko at saka lumapit sa pinto para buksan ito.
"Sorry, were you sleeping?" Kunot-noong bungad niya sa akin paglabas ko.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "Pagising na rin ako noong tumawag ka."
"Ah..." Tumango siya. "May niluto ako, sabayan mo na akong kumain."
Anong oras na ba? Hindi ko napansin na nakatulog ako. Iniisip ko pa isa-isa lahat ng nangyari ngayong araw, tapos hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Probably, pagpikit ko para ipahinga ang mata ko, hinila ako ng antok.
Pagdating sa kusina, nakahain na agad ang mga pagkain. Nakalagay na sa bawat pinggan iyong kanin at ulam, pati tubig sa baso. As usual, bago kumain, nag-lead muna siya ng prayer.
8:36 pm ang oras, iyon ang nakalagay sa wall clock dito sa kusina. Dalawang oras mahigit din pala ako nakatulog. Baka mamaya nito, dilat na naman ang mata ko. Kung sakali man, hindi ko na ita-try na lumabas ulit sa kwarto ko. Pipilitin ko na lang ang sarili kong makatulog.
Maya-maya pa, sa kalagitnaan ng pagkain, napahawak ako sa dibdib ko nang maramdamang ayaw lumusot sa lalamunan ko noong kinain ko, para bang na-stuck sa throat ko iyong kanin.
Pinalo ko ang mesa at tinuro ang pitsel. "T-Tubig!" Nabubulunan ako!
"Uh, w-wait." Mabilis na tumayo si Cavin at inabot iyong pitsel. Nagsalin siya ng tubig sa baso ko at binigay iyon sa akin.
Inagaw ko ang baso sa kanya at dire-diretsong nilunok ang tubig habang nasa dibdib ang kamay ko.
"Okay na ba o tubig pa?" Nag-aalalang tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.
Napabuga ako ng hangin nang mawala na iyong pakiramdam na nabulunan. Tinuloy-tuloy ko ang inom ng tubig at saka tumango.
Pinatong ko ang baso sa mesa at tumingin sa kanya. "Okay na ako, salamat."
"Alright." Iniwas niya ang paningin sa akin at bumalik sa pagkain.
Nagkaroon ng awang ang labi ko at napayuko. Pinigilan ko ang pagbuntong-hininga dahil mag-aalala lang siya. Nagi-guilty ako sa hindi ko pagsagot kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko... kung bakit ganito ako.
Pagtapos naming kumain, tinulungan ko siyang magligpit. Ako ang nagpunas ng mesa habang siya naman ang nag-transfer ng mga pinagkainan sa lababo.
"Mauna ka na sa kwarto mo. Huhugasan ko pa ito." Mahinang aniya matapos buksan ang gripo.
"Hihintayin kita rito. Sabay na tayo magpunta sa mga kwarto natin," sagot ko, nasa daliri ng mga kamay ang tingin.
"Hindi ka pa ba inaantok?"
"Kagigising ko lang kaya,"
"Oo nga pala,"
Ayaw niya ba akong kasama? Sabagay, wala naman siyang babaeng gustong makasama. Siguro nga, inis na inis na siya sa loob-loob niya. Pinipilit niyang makisama sa klase ng taong kinasusuklaman niya.
"Sorry," mahinang aniya.
Napatingin ako sa kanya sa gulat. Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nagso-sorry?"
"Sa tinanong ko kanina," tipid na salita niya.
Para bang dinaganan ng bato ang dibdib ko. Kinuyom ko ang dalawang kamay ko at mahinang pinakawalan ang isang paghinga.
Ngayon, siya iyong nagso-sorry sa sinabi niya. Nagi-guilty ba siya? Dahil sa akin, nakakaramdam siya ng gan'yan kahit na wala naman siyang kasalanan.
"It's okay for me,"
"But still, sorry for asking such—"
"The kiss..." Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Tumabi ako sa kinatatayuan niya at tiningnan siya sa gilid ng mata ko. "It's okay, you're free to kiss me whenever you like."
Natigil siya sa pagkuskos ng pinggan. Nakaawang ang labi niya habang diretso ang tingin sa pader na kaharap. Tanging ingay lang ng gripo ang naririnig ko, bukod doon ay tahimik na lahat.
Ilang saglit pa ang lumipas, unti-unti niyang binaling ang tingin sa akin. Nakaguhit sa mukha niya ang pagkagulat, halatang-halata iyon. "W-What are you saying, all of a sudden?"
"W-Well..." Tumikhim ako. "We are a true couple, right? Kissing must be normal."
Inilayo niya ang tingin sa akin at saka nagpakawala nang malalim na paghinga. "You sound like we should kiss everyday."
"E-Eh?" Gulat na usal ko at awkward na tumawa. "Ha-ha, h-hindi naman iyon ang ibig kong sabihin."
"We will just kiss if it's needed." Natigil ako sa pagtawa at binalik ang tingin sa kanya. "More or less, the number of times that we will kiss is just one. Is it alright?"
One kiss...
"Sa lips ba iyon?"
Kumamot siya sa sintido, nahihiya ang ekspresyon sa mukha. "Oo sana..."
"Okay." Nag-money sign ako sa kanya gamit ang kamay ko, nakataas ang tatlong daliri habang magkadikit ang dulo ng index finger at thumb.
"A-Are you sure?"
"Oo naman," determinadong sagot ko.
Umangat ang magkabilang dulo ng labi niya. "I'll give you a bonus pay when that happens."
Mabilis akong umiling kasabay ng pagwagayway ng kamay ko. "Hindi na. Nakasama na sa sweldo ko iyong mga ganoong scenario."
"Whatever, just accept what I will give to you. Isa pa, hindi pa naman sigurado iyan. Huling weapon lang natin iyon kung sakaling hindi maniwala si papa,"
"Okay!" Nakangiti akong tumango.
"Oh, look at you. You're back to being energetic again,"
Nilawakan ko lang ang ngiti ko at nag-umpisang magkwento ng random na pangyayari. Nang makatapos siyang maghugas, nagpunas siya ng kamay sa towel na nakasabit sa gilid na itaas ng lababo.
"Let's sleep,"
Nauna siyang maglakad sa akin pero noong nasa hallway kami paglabas ng kusina, napahinto siya at napahawak sa pader.
"Okay ka lang ba?" Naglakad ako sa unahan niya at nag-aalala siyang tiningnan.
"Uh, yeah..."
Napalunok ako nang matitigan ang mukha niya. Halata ang pagod sa kanya, hindi rin maganda ang kulay niya. Namumutla siya.
Napansin ko na ito pero ngayon ko lang napagtanto na ganito na. Mukha ring nahihilo siya kanina.
"Uh—"
"Tara na." Umayos siya ng tayo at nilagpasan ako.
Hindi niya man lang ako hinayaang magsalita.
"W-Wait lang!" Patakbo akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad.
"Bakit? Kung may sasabihin ka pa, ipagpabukas na. Inaantok na ako,"
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya hanggang sa tuluyan ko na siyang bitiwan. "Okay, good night."
"Good night, honey." Tumuloy siya sa kwarto niya nang hindi na ako nililingon.
Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na lang din sa kwarto ko para magpahinga na. Naupo ako sa kama at niyakap ang nakaangat na binti ko. Pinatong ko ang noo ko sa tuhod ko at bumuntong-hininga.
I am really useless. All I could do is to sigh, ni hindi ko man lang siya kayang tulungan.
Ngayon lang sumagi sa isip ko, maaaring magkaroon ng fatigue si Cavin dahil sa ginagawa niya. Wala siyang pahinga sa trabaho, kapag dumating dito sa bahay, diretso agad siya sa paggawa ng mga gawain. Mukha ring hindi siya gaanong nakakatulog kapag gabi, ang alam ko ay may ginagawa pa siya minsan na related din sa work niya.
Bumagsak ako sa kama at muling napabuntong-hininga. Pinatong ko ang kanang kamay sa mukha ko at pinalobo ang pisngi.
What should I do? Kailangan kong matulungan si Cavin. Iyong pagbabawas ng gawaing bahay, malaking tulong na iyon sa kanya. Ang kaso, ayokong mag-cause ng casualty sa bahay niya. Baka iyong pagod niya, madagdagan pa ng stress.
Anong pwede kong gawin para sa kanya? Ang hirap naman maging useless. Sa tagal kong nabubuhay, nito ko lang mas napatunayan sa sarili kong wala talaga akong silbi.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Lumabas ako ng kwarto para masigurong wala na si Cavin. Tahimik akong naglakad papunta sa sala at nakahinga nang maluwag nang makitang wala siya roon. Mukhang nakaalis na nga siya.
Ang balak ko ngayon ay mag-isip ng paraan kung paano ako makakatulong sa kanya. Syempre, kapag naisip ko na ang paraang iyon, kailangan ko namang practice-in para masigurong hindi ako papalpak.
Nag-unat ako ng katawan ko habang papunta sa kusina. Bago simulan ang pag-iisip, kailangan munang may laman ang tiyan ko.
Pagbukas ko ng pinto ng kusina, gumuhit ang pagkagulat sa mukha ko nang makita si Cavin na naghahalo ng kung ano sa tasa.
"Nandito ka pa?" Nagtatakang tanong ko at pumasok sa loob.
"Oo, bawal ba ako rito?"
"H-Hindi sa ganoon." Napakamot ako sa ulo ko. "Akala ko lang ay umalis ka na."
"Oh." Inilapit niya sa akin ang tasa na hawak niya.
Lumapit ako roon at tiningnan ang laman ng tasa. Kulay puting likido... gatas?
"Kumain ka na ng almusal. Aalis na rin ako,"
"Ikaw? Kumain ka na?"
Tumango siya. "Kanina pa. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka."
"Owki! Ingat ka!"
Kumaway lang siya at lumabas na ng kusina. Matapos kong maiwan dito, sumimsim ako sa gatas na tinimpla niya.
Na-miss ko ang ganitong klase ng lasa...
Pero masasabi kong iba nga ito sa mga gatas na natitikman ko noon. Mas masarap, halatang hindi pangkaraniwan.
Teka... paano kaya kung ito ang gawin ko?
Kapag dumarating si Cavin sa gabi, hindi na siya nakakapagpahinga. Paano kung gawan ko siya ng maiinom habang nagpapahinga siya saglit? Iyong pagpapahinga niya, gagawin niya iyon sa oras na dapat ay hinuhugasan niya iyong mga pinagkainan ko.
Simula ngayon, pwedeng ako na ang maghugas ng mga kakainan ko. Kaya ko naman siguro? Noong nasa probinsya ako, may times na ako ng naghuhugas ng pinagkainan. May mga pagkakataong nababasag ang hinuhugasan ko pero hindi naman palagi. Basta mag-iingat lang ako.
Isa pa, tig-iisang pinggan, baso, kutsara't tinidor lang naman ang huhugasan ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama.
Okay, kaya ko ito. Mamayang tanghali na ako maghuhugas ng pinagkainan ko para tapos ko na talaga itong gamitin.
Matapos kong mag-almusal, nag-practice akong magdala ng tasa sa sala. Ilang ulit akong nagpabalik-balik at so far, wala namang nangyaring masama. Hindi ko nabitiwan iyong tasa dahil nag-focus ako sa paghawak doon at paglalakad ko.
Kailangan ko lang ng focus para hindi ako ma-jinx...
Ang problema ko ngayon, ano ang titimplahin ko? Mukha namang hindi siya umiinom ng gatas. Tsaa o kape lang ang choice ko. Hindi ko naman alam kung paano gumawa ng tsaa, baka maging pangit lang ang lasa, kaya mag-i-stick na lang ako sa kape.
Actually, wala akong experience sa pagtitimpla ng kape. Hindi naman kasi ako umiinom noon, pero tingin ko, katulad lang din naman iyon ng pagtitimpla ng gatas?
Pagdating ng ala una, matapos kong kumain ng tanghalian, nilagay ko sa lababo iyong mga pinagkainan ko. Maingat at isa-isa ko iyong inilipat.
Wala pa namang nababasag. Ligtas pa ako. Binuksan ko ang gripo at sinimulang banlawan ang mga nagamit ko. Nang mabanlawan ko na lahat, pinatay ko ang gripo at kinuha ang sponge para masabunan na isa-isa. Inuna ko ang kutsara at tinidor. Sinunod ko ay pinggan. Kulang na lang ay i-glue ko sa kamay ko iyong pinggan para masigurong hindi ito dudulas sa kamay ko. Pero sa kabutihang palad, natapos ko naman itong sabunan nang hindi nababasag.
Akmang bubuksan ko na ulit iyong gripo para magbanlaw pero nahagip ng mata ko iyong tasa na ginamit ko kanina. Nag-iisa na lang, ito na rin kasi iyong ginamit kong inuman ng tubig kanina, para hindi na ako magbaso. Mas kaunti ang hugasin, mas safe.
Inabot ko iyong baso. Pag-angat ko rito, kinuha ko iyong sponge at sinimulan itong sabunin. Nang ayos na, ibababa ko na ito sana sa tabi ng lababo, katabi ng iba pang sinabunan, ngunit bigla itong dumulas sa kamay ko. Dire-diretso itong bumagsak sa sahig... at nabasag.
Oh-oh...
"Aaah!" Halos sabunutan ko ang sarili ko sa frustration.
Kung kailan akala ko ay wala ng mangyayaring masama, 'tsaka naman nangyari ito!
Mangiyak-ngiyak kong niligpit ang nabasag na tasa at tinapon sa basurahan. Paano ko ito sasabihin mamaya kay Cavin? Sabi na nga ba, madadagdagan ko lang ang stress niya kapag sinubukan kong kumilos.
Kahit na nabasag iyong tasa, tinuloy ko pa rin ang pagbabanlaw noong mga nasabunan na. Nag-doble ingat ako para hindi madagdagan iyong nabasag. Sa huli, nahugasan ko naman ang mga iyon at naibalik ko sa lagayan. Tanging iyong tasa lang ang naging casualty ngayon.
Paano kaya kung 'wag ko nang sabihin? Pero tiyak na mapapansin niya iyon. Sa isang linggo na pag-i-stay ko rito sa bahay, pansin ko ang pagiging maalam niya sa bawat gamit niya.
Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko rin namalayan dahil paulit-ulit kong pina-practice ang pagdadala ng tasa sa sala. Dumating ang oras na nakauwi na siya.
Tulad ng nakasanayan, binababa niya ang bag niya sa sofa at tinatanggal ang necktie niya.
Noong dapat ay didiretso na siya sa kusina, hinarangan ko siya.
"Wait lang,"
"Bakit?" Kumunot ang noo niya. "May problema ba?"
"Uh, wala naman." Kumamot ako sa pisngi ko. Mamaya ko na sasabihin iyong nabasag kong tasa. "Pero gusto kong maupo ka muna." Tinuro ko iyong sofa at nginitian siya.
"Marami pa akong gagawin. Mamaya na natin gawin ang gusto mo,"
"Hindi pwede." Hinawakan ko ang dalawang braso niya. "Umupo ka muna roon, may hinanda ako para sa iyo, eh."
"Ano?" Umangat ang kilay niya.
"Hay, basta! Maupo ka muna,"
"Dalian mo lang,"
Tumango ako. "Oo, saglit lang ito." Umupo siya sa sofa tulad ng sinabi ko. "D'yan ka lang, may kukuhanin lang ako. 'Wag kang aalis d'yan, ha."
Nagmamadali akong pumunta sa kusina. Kinuha ko iyong tasang kanina ko pa pinagpa-pratice-an. Dahil nasa lamesa lang naman iyong mga kailangan para sa kape, hindi na ako nahirapang kuhanin iyon. Nilagay ko na ito kanina rito para hindi magkaroon ng anumang pagkakamali ngayon.
Tulad ng pagtimpla ng gatas, naglagay ako ng dalawang kutsara ng coffee mix sa tasa, at saka nilagyan ng tubig na galing sa thermos. Nang mahalo ko na, maingat ko iyong dinala papunta sa kanya.
"Ito na." Nilapag ko ang tasa ng kape sa harap niya. "Magpahinga ka muna, wala ka ng dapat na hugasan. Ako na ang naghugas ng pinagkainan ko."
"Bakit mo iyon ginawa? Naging ayos naman ba?"
"Eh, actually..." Awkward akong ngumiti. "Nabasag ko iyong tasa mo." Pahina nang pahina ang boses ko. Yumuko ako at kumamot sa batok ko. "Sorry talaga! Aayusin ko na sa susunod!"
"Ayos ka lang ba?"
Nang iangat ko ang tingin sa kanya, nakalapit na siya sa akin. "Syempre naman... pero iyan ba talaga dapat ang tanong mo? Hindi ba dapat sermunan mo ako?"
"Patingin ng kamay mo,"
"B-Bakit?"
"Titingnan ko kung may sugat,"
Biglang bumalik sa akin iyong nangyari noong nakaraan. Pilit niya ring hinihingi ang kamay ko, iyon iyong panahong nagsimula akong kumain gamit ang isang pinggan lang.
So, he was worried that I might hurt myself...
"Wala akong sugat." Pinakita ko sa kanya ang kamay ko. "Anyway, tama na ang pag-aalala sa akin. Magpahinga ka muna d'yan."
Ngumiti siya at tumango. "Thank you."
Bumalik siya sa upuan niya at inabot ang tasa. Nang sumimsim siya, saglit siyang napahinto.
"Ayos lang ba?" Kinakabahang tanong ko.
"Yes, it's good,"
"Buti naman..." Nakahinga ako nang maluwag.
Kahit papaano, medyo may naitutulong na ako sa kanya. Sa mga sumunod na araw, ganoon ulit ang ginawa ko. Paulit-ulit din akong nagso-sorry dahil kada-araw, may nababasag akong gamit niya sa tuwing naghuhugas ako ng pinagkainan. Noong una, tasa. Sumunod, pinggan. Kahapon, baso. Sana naman ngayon, maiwasan ko na.
Pagkatapos kong magtanghalian, nag-proceed na ako sa paghuhugas ng pinagkainan. Huminga ako nang malalim at saka binuksan ang gripo.
Laking gulat ko dahil sa huli, nakatapos akong maghugas ng walang nababasag. Hindi ako makapaniwala— pang-fourth day ko pa lang ito pero natutuhan ko na kung paano maghugas ng walang nababasag?
Oh! This is nice!
Excited kong inabangan si Cavin sa pag-uwi niya. Sa sobrang saya, inabangan ko siya mismo sa harap ng pinto. Pagdating niya, halata ang gulat sa mukha niya dahil sa pagsalubong ko.
"Honey!" Ngiting-ngiting tawag ko rito.
"O-Oh? Did something good happen? You're smiling from ear to ear,"
"Guess what?" Para akong tangang tumawa.
"What?" Kumunot ang noo niya habang tinatanggal ang necktie.
"Wala akong nabasag ngayon!" Masayang wika ko at pumalakpak.
"Wow." Bumilog ang labi niya hanggang sa mangiti. "I'm proud of you, honey."
Mas lumaki ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Thank you, honey! Pero wait, ititimpla ko muna pala iyong kape mo." Aniko, muntik nang makalimutan.
Tinalikuran ko siya at patalon-talon na nagpunta sa kusina para gawin ang kape. Nang mahalo ko na ito, inangat ko ang tasa ngunit hindi ko nahalata na mali ang pagkakahawak ko. Halos malukot ang mukha ko nang matapon sa mesa iyong tinimpla kong kape. Sa isang iglap, nawala agad ang sayang nararamdaman ko.
I just thought that maybe today is my good day but...
No! Natapon lang naman. Kaya ko itong linisin. Kailangan ko munang magtimpla ulit.
Kumuha ako ng panibagong tasa para pagtimplahan. Noon ko lang napansin na nabasa pala ang kamay ko ng kape. Balak ko nang ipunas ito sa damit ko pero na-curious ako. Dinikit ko sa dila ko ang daliri kong natapunan ng kape. Roon ko nalasahan ang pait ng gawa ko.
Ang pangit ng lasa...
Mali ba ang pagtitimpla ko? Pero ang sabi naman ni Cavin, ayos lang. Baka kamay ko lang iyon?
Nagtimpla ako ng kape sa panibagong tasa. Noong matapos, imbis na dalhin kay Cavin, ay ako ang tumikim. Tila tinakasan ako ng dugo matapos kong tikman. Ang pait nga.
Masyadong marami yata ang nailalagay ko...
"Honey, hindi ka pa ba tapos? Masyado ka ng— anong nangyari?"
Napalingon ako sa likuran ko nang marinig si Cavin. "B-Bakit nandito ka? Roon ka muna!"
"Natapon ba? Nasugatan ka ba?"
Nag-iwas ako ng tingin at umiling. "Ako na ang bahalang maglinis nito. Bumalik ka muna roon."
"Tutulungan na kita d'yan,"
"Hindi na!"
Natigil siya sa akmang paglapit sa akin. "Okay..."
"Sorry... hindi muna kita matitimplahan ngayon,"
"It's okay, don't worry about it,"
Napakagat ako sa labi ko nang umalis na si Cavin. Napaupo ako sa sahig at napahilamos ng mukha.
I am really a failure...
Bakit niya pa sinubukang inumin iyong mga ginawa ko? Pinupuri niya pa ako na maganda ang lasa...
Matapos kong malinis ang kalat, bumalik ako sa sala para i-inform siya na ayos na. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin buong gabi pero hindi niya na ako kinausap about doon.
Naiinis ako sa sarili ko. Kung kailan akala kong nakakatulong ako sa kanya, nakakasama lang pala ako. Gusto kong magwala at magbitaw ng masasamang words para sa sarili ko.
Napapikit at napabuga na lang ako ng hininga.
Maaga akong gumising kinabukasan para makapag-sorry kay Cavin. Naging harsh yata ako kagabi, napasigaw din ako sa kanya. Kung iisipin, ang sama ko para gawin iyon. Ako iyong pinasuswelduhan dito, pero ako pa iyong may ganang ma-frustrate.
Wala siya sa sala. Dumiretso ako ng kusina at doon ko siya naabutan. Nagtitimpla siya ng gatas.
Nakakapanlumo... bakit ba hindi ko magawa iyong ginagawa niya para sa akin? Dapat ay pantay lang kami rito, ganoon ang mga mag-asawa.
"G-Good morning." Nahihiya akong lumapit sa kanya.
"Good morning, honey. How's your sleep?"
"Okay lang, maganda naman ang panaginip ko. Ikaw ba?" Naupo ako sa harap niya.
"I had a nice sleep,"
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Palihim akong huminga nang malalim bago muling tumingin sa kanya. "Sorry pala kagabi. Ita-try ko pa— no, gagawin ko ang best ko."
"That's the spirit, don't give up." Nilapit niya sa akin at tasa ng gatas at ngumiti.
Idol ko na talaga siya. Ang galing niya sa kahit saang bagay, lalo na sa pakikisama sa akin.
"Pwede ba akong mag-request?" Kunot-noong tanong ko.
"Hmm?" Pinunasan niya ang kamay niya gamit ang towel na nasa lababo.
"Turuan mo akong magtimpla ng kape at tsaa." Tumayo ako at yumuko. "Please."