"Sino iyong lalaki kanina na kausap mo? Hindi naman iyon ang tatay mo, 'di ba?" Kinakabahang tanong ko nang makapasok na kami sa kotse, nagsimula na rin siyang mag-drive.
"Hindi, kakilala lang iyon. Kaibigan ng papa ko. Dati, may tindahan iyon. Kapag wala kaming pagkain, doon kami tumatakbo,"
Kung ganoon, hindi pala laki sa mayamang pamilya si Cavin. Kaya pala kapag nagkukwento ako sa kanya, hindi niya masyadong pinapansin, wala ring gaanong awa sa mukha niya. Most likely, pinagdaanan niya rin ang mga ganoong senaryo.
"Kanina, noong lumabas ako, nakita ko siyang nagwawalis sa harap natin,"
"Ah, oo. Dinadamay niya nga lagi ang harapan ng bahay ko,"
"Malapit ba ang bahay niya?"
"Actually, katabi lang ng bahay natin,"
Nag-form ng letter o ang bibig ko. "Roon siya nakatira sa malaking bahay?"
Tumango siya. "Mayaman ang mga anak ni Ka Manuel. Noong naghahanap ako ng mabibiling bahay, siya ang nag-recommend sa akin ng bahay na tinitirhan natin ngayon."
Nakakatuwa naman. Sana ay dumating rin ako sa punto ng buhay ko na mabibili ko ang mga gusto ko— pero sa lagay ko ngayon, imposible iyon. Kahit na nakapasok ako sa ganitong trabaho at malaki ang sweldo ko, hindi ko pwedeng unahin ang sarili ko. Kailangan kong sustentuhan ang pamilya ko.
Kamusta na kaya sila ngayon? Tiyak naman na mas magaan ang buhay nila dahil nawala ako. Ang laki kong pabigat sa amin.
"Ngayong alam na ni Ka Manuel na may asawa ako, tiyak na tatawagan niya ang papa ko para i-inform,"
"Kailangan palang maging maingat tayo kay Ka Manuel. Baka mabuking niya na rental lang ako,"
"Yeah." Seryoso ang tingin ni Cavin, bahagya rin siyang bumuntong-hininga. "Isa sa mga dahilan ko kung bakit desperado na ako noon even though three months pa bago umuwi si papa ay dahil kay Ka Manuel. He's been eyeing me because of what I told my father. Tiyak na inutusan iyon ni papa."
"Oo nga, 'no." Tumango ako ng kaunti. "Pero ngayong nakita na ako mismo ni Ka Manuel, tiyak ay matatahimik na ang papa mo."
"That's right. Kaya imbis na pinasabay kita kanina sa pagsakay sa kotse, pinauna muna kita sa labas. Alam kong nandoon si Ka Manuel dahil araw-araw niya iyong ginagawa sa ganoong oras," nakangising wika niya.
Wow, ang talino!
"Nagwawalis siya araw-araw para spy-an ka?"
Ang sipag naman ni Ka Manuel. May binabayad sa kanya? O gusto niya lang makisawsaw sa nangyayari? I mean, tiyak na concerned din siya kay Cavin, 'di ba?
Nagtataka akong tumingin kay Cavin nang marinig ko itong humalakhak. Nakatakip siya sa bibig niya na para bang katangahan ang nasabi ko.
"What do you mean by spy?" Nagpipigil siya ng tawa habang nagsasalita.
"Eh, sabi mo alam mong nandoon si Ka Manuel araw-araw at nagwawalis. Kaya niya iyong ginagawa ay dahil gusto niyang malaman kung totoo bang may asawa ka na, 'di ba?" Nalilitong tanong ko, hindi maintindihan kung ano ang nakakatawa.
"Yeah, lagi niya iyong ginagawa pero hindi iyon ang dahilan. Two years ago noong lumipat ako rito, sinimulan niyang idamay ang harapan ko sa pagwawalis niya. Noong sinabi kong 'wag niya nang gawin iyon, nag-insist siya. Pure kindness lang ang pinapakita niya. Walang spy na nangyayari,"
"Ah!" Napatango ako, ina-absorb ang sinabi niya.
Mayroon palang mga ganoong tao. Handang gumalaw kahit na walang kapalit.
"Pero i-assume na nating sinabi niya na sa papa ko ang nakita. Malamang sa malamang, gagawin niya iyon,"
"Mukha nga, para rin kasing masaya siya sa nakita niya,"
"It's to be expected. Alam niya iyong nangyari sa magulang ko,"
Nanatili akong nakatingin sa kanya ng ilang segundo bago ko iiwas ang tingin ko. Hindi na ako nakapagsalita, hindi ko rin kasi alam ang sasabihin. Ngayon na lang ulit nabalik ang topic na ito. Gusto ko siyang sabihan ng ilang mga comforting words pero hindi ko alam saan magsisimula. Isa pa, baka magmukhang offensive kapag sinabi ko na, ayokong ma-misinterpret niya. Alam kong sensitive ang topic na ito para sa kanya.
Maya-maya pa, bumagal ang pag-drive niya. Pagtingin ko sa labas ng bintana, bumungad sa akin ang iba pang mga kotse na naka-park.
"Honey,"
Lumingon ako kay Cavin at tumango. "Let's go."
Paglabas namin ng kotse, nilahad niya ang kamay sa akin at ngumiti. "Let's enjoy this date."
"Is this a date?" Gulat na tanong ko.
Akala ko ay practice kami ngayon para mas magmukhang couple?
"Yes, this is a date, and a practice as well. So, honey?"
"Let's have a nice date, honey." Nakangiting sagot ko. Nang maipatong ko ang kamay ko sa kamay niya, hinawakan niya iyon at naunang maglakad sa akin. Sumunod ako sa paglalakad niya hanggang sa makapasok kami sa simbahan.
Nang magsimula ang misa, taimtim akong nakinig, pero kahit na ganoon, hindi pa rin naalis sa isip ko iyong nangyari kanina. Iyong pagbalik ng topic tungkol sa nangyari sa magulang niya. Thanks to that, bumalik na naman sa isip ko na hindi niya gusto ang kahit sinong babae.
For these past days, I was always thinking that he's kind to me. Lagi siyang concerned, at kahit na wala akong ginagawa sa bahay niya, minsan ay pumapalpak pa ako, binigyan niya ako ng assurance na hindi niya ako iiwan— na mag-i-stick siya until the end.
It's not kindness, isn't it? Hindi katulad ng ipinapakita ni Ka Manuel na bukal sa loob niya. Ginagawa lang ni Cavin ang lahat ng iyon dahil kailangan niya ako. Hindi dahil gusto niya akong tanggapin. Sabagay, ganoon din naman ako. Ginagawa ko ito, ang pagsama sa kanya, para sa pera.
I couldn't really complain because we're just in the same boat. Hindi ko maiwasang bumuntong-hininga dahil sa thought na ito.
"Are you okay?"
Napatingin ako sa gulat kay Cavin. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagbulong sa tainga ko. Magkatabi lang kami sa mahabang upuan, kaya abot na abot niya ako.
"Y-Yes, bakit?"
"You seem troubled,"
Napansin niya ba ang pagbuntong-hininga ko? Careless of me... dapat ay hindi ako nagpapahalata sa kanya. Ayokong makidagdag sa isipin niya.
Ngumiti ako para mawala ang pag-aalala niya. "Okay lang ako. Medyo natamaan lang sa sermon ng pari." Tinuro ko ang harapan at mahinang tumawa.
"About sa pangangalunya?" Kunot-noong tanong niya.
"Eh?" Lumaki ang mata ko at alanganing ngumiti. "Uh, I mean..." Tumikhim ako.
Ngumiti siya, halatang pinipigilan ang pagtawa niya. "Let's talk later. Makinig muna tayo."
Nahihiya akong tumango. "S-Sige."
Mukha na ba akong makasalanan nito sa paningin niya?! Kinakabahan naman ako! Baka isipin niya ay dumaan nga ako sa ganoong punto. Kung gano'n, tiyak na kasusuklaman niya rin ako, katulad ng nanay niya.
Pagtapos ng misa, nagsitayuan kami para mabasbasan ng holy water. Habang ginagala ko ang paningin sa mga tao, nahagip ko ang isang kilala. Nanlaki ang mata ko at agad na napaiwas ng tingin. Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakayuko.
Sana at huwag niya akong mapansin. Malapit-lapit pa man din sila sa pwesto ko.
"Honey." Kinalabit ko si Cavin.
"Yes?" Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Pwede bang umalis na tayo? As in ngayon na?"
Hindi pa gaanong lumalabas ang mga tao, hinihintay pa nila na mabasbasan sila. Mukhang ganoon din sina Crisel, iyong kababata ko sa probinsya.
"Bakit?" Nangunot ang noo niya.
"May problema..."
"Ano?"
Lumapit ako sa tainga niya. "May kakilala akong nandito ngayon."
"Alam ba nilang nagtatrabaho ka sa Wife for Rent?"
Umiling ako. "Hindi, sina nanay lang ang may alam. Isa pa, matagal na akong walang contact sa kakilala kong nandito, kaya tiyak na wala siyang alam sa akin, pero..." Yumuko ako at bumuga ng hangin. "As much as possible, gusto kong makaalis dito."
"Alright, then. We will now take our leave." Inabot niya ang kamay ko at hinila ako paalis.
"W-Wait! O-Okay lang ba sa iyo?"
Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin. "Of course."
"Thank you," mahinang aniko.
Nagpatuloy kami sa paglakad. Pagdaan namin sa isa pang malaking pinto ng simbahan, napatigil kami nang may lumabas doong babae. Nagtama ang paningin namin, at tila ba unti-unting bumalik sa akin lahat ng napagdaanan ko noong bata ako.
"Hala, ayan na naman si Arie! Takbo na!" Umawang ang labi ko habang nakatingin sa kanila, hindi pa man ako tuluyang nakakalapit pero nagsitakbuhan na sila.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan silang mawala sa paningin ko. Para bang dinudurog ang puso ko, ang masakit pa roon ay isa ang kapatid ko sa mga tumakbo palayo sa akin.
"Psst, bata!"
Mabilis akong lumingon sa likuran ko nang marinig na may tumawag. Kumunot ang noo ko nang makita si Crisel, siya iyong bagong lipat na bata rito.
"Bakit?" Kinunot ko ang noo ko.
"Gusto mong maglaro? May mga barbie ako." Ngumiti siya.
Agad akong umiling nang hindi nagdadalawang-isip. "Ayoko, uuwi na ako." Tumalikod ako sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko. Sa gulat, marahas kong nahigit ang braso ko sa kanya. Muntik na siyang tumumba pero nabalik niya naman ang balance niya. "S-Sorry! Hindi ko sinasadya..." Napayuko ako.
Kaya walang gustong makipaglaro sa akin ay dahil ganito ako...
Tumalikod muli ako sa babae at iniwan siya mag-isa roon, pero sa mga sumunod na araw, nagpatuloy siya sa pangungulit sa akin.
"Hindi kita maintindihan. Bakit ayaw mong makipaglaro sa iba? Hindi naman ako masayang kalaro. Baka mabali ko lang iyong mga laruan mo,"
Ngumiti siya. "Ikaw ang gusto ko, ayoko sa kanila."
Tuwing tatanungin ko siya, ganoon palagi ang nagiging sagot niya. Hanggang sa dumating ang araw na ayain niya akong sumali sa ibang mga bata.
"Hindi nila ako pasasalihin. Ikaw na lang,"
Ayaw sa akin ng kahit sino. Simula nang makita nilang laging may naaaksidente dahil sa akin, tumigil sila sa paglalaro na kasama ako. Pinagbawalan sila ng mga nanay nila na lumapit sa akin.
"Pasasalihin ka nila kapag kasama mo ako! Ano, tara?"
"Pero—"
Hinawakan niya ang braso ko at ngumiti. "Akong bahala sa iyo."
Dahil sa kanya, napilitan ako. Hindi man kapani-paniwala pero tulad ng sabi niya, hinayaan nga ako noong mga bata na sumali sa kanila. Ang laro namin ay tagu-taguan. Isa ako sa mga magtatago, medyo na-relieve ako. Kinakabahan kasi ako na baka ako ang maging taya at pag-isahan nila ako, pero mukha namang hindi.
Naghanap ako ng matataguan at noong magsimula na iyong taya na maghanap ng mga nakatago, naging tahimik ako. Pinagmamasdan ko lang ito na mahanap isa-isa ang mga nakatago. Kada mahanap niya, tinutulungan siyang maghanap ng iba pang nakatago.
Nakakapagtaka, hindi naman ganoon kahirap ang tinataguan ko pero hindi nila ako makita. Dapat na ba akong lumabas? Pero hindi pwede iyon. Kapag lumabas ako, ako ang magiging taya. Iyon ang sabi ni Crisel.
Naghintay ako nang naghintay hanggang sa nahanap na ang lahat ng nakatago. Noong akala ko ay magsisimula na silang hanapin ako, bigla silang nagpaalam sa isa't isa na uuwi na. Ngayon ko lang din napansin na dumidilim na ang paligid.
Hindi ba nila ako hahanapin?
Unti-unti silang nawawala sa paningin ko, pati na si Crisel.
Litong-lito akong lumabas ng pinagtataguan ko. Hindi ko maintindihan ang nangyari. Nakalimutan ba nilang hanapin ako?
Kinabukasan, bumalik ako sa pinaglalaruan nila para linawin ang nangyari, pero laking gulat ko dahil nangyari na naman ang tulad ng dati.
"Takbo na, ayan na naman si Arie!"
Bakit sila umaalis? Gusto ko lang namang magtanong...
"Wait lang... C-Crisel! Wait lang!" Sigaw ko nang makitang tatakbo rin siya.
Humarap ito sa akin, masama ang tingin niya. "Bakit?"
"Anong nangyayari? Bakit sila tumatakbo na naman? Hindi ba tayo maglalaro?"
"Maglalaro kami pero hindi ka kasama,"
"B-Bakit?"
"Hindi pa ba iyon halata? Malas ka kaya. Paano na lang kung may mangyari sa aming masama kapag kasama ka namin?"
Diretso sa dibdib ko ang sinasabi niya. Nanlalabo ang mata ko— hindi ko ma-control ang luha ko.
"A-Akala ko ba mas gusto mong makipaglaro sa akin?"
"Ginawa ko lang 'yon para masama kitang maglaro kahapon,"
"Iyong iniwan niyo ako? Sadya iyon?"
"Syempre naman." Pinagkrus niya ang braso niya at ngumiti. "Gusto nilang bumawi sa iyo, eh. Nahulog daw kasi sa kanal si Joy dahil sa iyo. Hindi nila ako gustong pasalihin sa kanila pwera na lang kung makakabawi sila sa iyo, kaya ito ang naisip ko. Galing, 'no?" Bumungisngis siya habang masayang nakatingin sa akin, hindi man lang iniisip ang nararamdaman ko.
Hindi ako makapagsalita, gusto ko man pero para akong sinasakal kapag sinusubukan kong ibuka ang bibig ko. Imbis na kausapin pa siya, tumalikod ako at tumakbo palayo roon. Sa katangahan ko, habang tumatakbo palayo ay nadapa pa ako. Mabuti na lang at malayo-layo na ako roon.
Simula noon, pati si Crisel ay nakisama na rin sa pag-bully sa akin, lalo na sa school.
Grade 6 kami nang mangyari ang betrayal na iyon. Sa totoo lang, halos nakalimutan ko na iyon sa dami ng mas masasama kong naranasan pero ngayong naalala ko ulit, bumalik na naman iyong sakit. Doon ko unang na-realize na walang kahit sinong tao ang makakatanggap sa akin.
"Arie?" Kumunot ang noo ni Crisel habang nakatingin sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Cavin. Magkukunwari dapat akong hindi siya napansin pero hinawakan niya ako sa braso.
"Ikaw ba iyan, Arie?" Nagtatakang tanong niya.
"U-Uh..."
Damn. Hindi na naman ako makapagsalita.
"Excuse me." Gumilid ang tingin ko kay Cavin nang magsalita siya. "Take your hand out of my wife's arm." Seryosong wika nito.
Gulat na tumingin si Crisel kay Cavin. "O-Oh, sorry!" Binitiwan nito ang kamay ko at ngumiti. "Hindi ko ine-expect na makikita ka rito, hindi ko rin alam na may asawa ka na pala." Hanggang ngayon, ang plastic niya pa rin magsalita. Sa ngiti niya pa lang, halata na.
"Uh, oo. Kinasal kami noong nakaraan taon lang,"
"Ah." Tumango ito. "Umuwi ako last year sa atin, ah. Wala naman akong narinig about sa kasal mo."
Nagdududa ba siya na asawa ko si Cavin? Ang kapal din talaga nito. Iniisip niya sigurong imposibleng makahanap ako ng ganitong lalaki.
"Sina mama lang ang may alam. 'Tsaka hindi naman ako sa probinsya kinasal, dito na sa city,"
"Isang taon na kayo?" Nginuso niya kaming dalawa.
"Oo," tipid kong sagot.
"Mabuti at hindi ka pa niya iniiwan? Naging useful ka na ba?" Pang-asar siyang ngumiti.
Humihina na naman ako. Nararamdaman ko na ang pamamasa ng mga gilid ng mata ko.
"Why would I leave my wife? She's such a wonderful person." Humigpit ang hawak sa akin ni Cavin.
Napayuko ako at kinagat ang labi ko. Hindi ko kayang magtagal sa ganito. Tiyak na kung ano-ano lang ang sasabihin niya sa akin at tiyak na maaapektuhan ang mahina kong puso. "Uuna—"
"Actually, we are about to eat lunch. How about you join us?"
Lumaki ang dalawang mata ko nang marinig ang sinabi ni Cavin. Tumingin ako sa kanya, nagmamakaawang tingin para mahalata niyang hindi ko gusto ang sinabi niya, pero ngumiti lang siya sa akin.
"Is it okay? Baka date niyo iyan,"
"It is okay. It seems like you're a close friend of my wife. So, this is like a reunion for both of you, right?"
No! Hindi kami close friends! At lalong hindi ko gustong makipag-reunion sa kanya kahit pa na anong mangyari!
Hinihila ko ang laylayan ng sleeve ng t-shirt ni Cavin pero sadyang hindi niya ako pinapansin. Ano bang balak niya? Hindi ba halatang ina-avoid ko si Crisel?
"Yeah, that's right. I think, I can go for lunch with the two of you,"
"That's great," nakangiting sagot ni Cavin.
Ano bang gusto niyang mangyari? Isa pa si Crisel. Ang kapal niya para sabihing close friend niya ako. Dahil nga sa kanya, mas nawala iyong pagtitiwala ko sa mga tao. Naniwala ako na walang kayang tumagal sa akin... na mananatili na akong mag-isa habambuhay.
Inaya namin— ni Cavin, si Crisel na sumama sa amin sa sasakyan. Tinanong niya ako kung gusto raw ba itong samahan sa back seat pero agad akong umiling. Buong biyahe ay nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana.
Si Crisel naman, kung ano-anong sinasabi, karamihan ay puro about sa childhood namin. Halatang sinisiraan niya ako kay Cavin, pero hinayaan ko lang. Hindi na ako sumingit o ano pa man. Nagkunwari na lang akong walang naririnig. Masama ang loob ko, lalo na kay Cavin. Bakit niya in-invite si Crisel? Hindi niya ba na-feel na ayaw ko rito?
"Honey?" Nilahad ni Cavin ang kamay niya sa akin nang makababa kami ng kotse.
"Wow, ang sweet naman," mapakla ang boses ni Crisel, tunog inggit.
Hinawakan ko ang kamay ni Cavin. "Tara."
Pagpasok namin sa loob ng restaurant, ginuide kami ng waiter papunta sa table na may tatlong upuan at wala pang kumakain.
"Libre ba ito? Ang mahal pala rito. Wala ako gaanong dalang pera," nakapangalumbabang wika ni Crisel habang nakatingin sa menu.
Totoo ang sinabi niya, ang mamahal ng presyo. Limang-daan ang pinakamura.
"It's my treat, don't worry,"
Tumaas ang kilay ni Crisel. "Really? It's okay whatever I order?"
"Yeah, feel free to order anything,"
"Oh..." Nanliit ang mga mata niya. Nabaling ang tingin nito sa akin at ngumisi. "Aren't you lucky? This surprises me."
Hindi ako sumagot, iniwasan ko lang siya ng tingin. Wala akong balak na makipag-usap sa kanya, ni hindi ko nga mabuka ang bibig ko.
"I forgot to ask a little while ago, but what's your name?"
"It's Cavin,"
"Oh, Cavin..."
"How about you?"
"Crisel." Nilahad niya ang kamay niya.
"Sorry, but I don't shake hands, unless it's my wife's hand..."
Unti-unting bumaba ang kamay ni Crisel sa mesa, para bang napahiya. "I-I see. It's okay."
Napabuntong-hininga ako. Kahit na napahiya na, tina-try niya pa ring magmukhang cool. Nang dumating ang pagkain sa mesa namin, nagsimula kaming kumain. Nag-uusap pa rin sila, at tulad ng kanina, tahimik lang ako at hindi nakikisali.
"Ano bang nagustuhan mo kay Arie?"
Nakuha ang atensyon ko nang itanong iyon ni Crisel. Hindi ko man sila gustong pansinin pero iyong tingin ko ay napunta na kay Cavin ngayon. Wala naman talagang namamagitan sa amin kaya nacu-curious sa kung anong magiging sagot niya.
"Hmm, marami akong nagustuhan sa kanya. Actually, kada araw, nadadagdagan iyong dahilan kung bakit mahal ko siya, pero kung pipili ako ng pinaka nagustuhan ko sa kanya..."
His sweet words were melting my heart— kung totoo lang sana ang mga iyon, tiyak na naiiyak na ako ngayon.
"Tingin ko ay iyong ka-clumsy-han niya,"
Eh? Seryoso?
Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Para bang may nagdidiwang na mga cells sa loob ng katawan ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na akong parang tanga.
"Huh? Seryoso ka?" Taas na taas ang kilay ni Crisel, para bang hindi siya makapaniwala.
"Yes, what's wrong with that?"
"Hindi ba abala sa iyo iyon?"
"I don't think of that even once. For me, her clumsiness is one of the things I love about her,"
"Why? I don't get it. Hindi ka ba nabibigatan?" Humigpit ang hawak ni Crisel sa kutsara't tinidor, nagsisimula na siyang mainis.
"Not really. It's fine with me whatever trouble she makes, I will clean that with a smile on my face." Pinatong ni Cavin ang kamay niya sa ulo ko at mahina itong tinapik. "If you're thinking that she brings me bad luck, you are wrong. She's actually the one who makes me realize that I am lucky... because I have her."
"S-Seriously..." Napahilot si Crisel sa sintido niya at napailing. "I will just warn you about that girl. She's not worth it, and most importantly, she's going to ruin your life."
Hindi talaga siya titigil sa paninira. Gustong-gusto niyang ginagawa iyan, kaya nga masaya ako noong umalis na siya sa probinsya.
"Then, she can enjoy ruining my life. I don't care as long as it's her,"
Nalukot ang mukha ni Crisel, mukhang wala na siyang maire-rebut. Inis itong tumayo habang masama ang tingin. "I will leave. Nawalan na ako ng gana."
Ang bilis niyang mapikon. Tulad pa rin siya ng dati. Gusto niya ay siya lagi ang bida at maganda sa paningin ng lahat. Ang immature niya talaga, hindi ko inakalang ganoon pa rin siya hanggang ngayon.
"She already left..." Mahinang wika ko nang mawala na si Crisel sa paningin ko.
"Yeah, seems like she was annoyed." Humalakhak si Cavin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Thank you." Napayuko ako at napangiti. "Even though it's not covered by our contract, you still protected me."
"You're talking about the contract again,"
"Uh, sorry! Hindi ko sinasadya..."
Nakalimutan kong ayaw niya na nga palang pinag-uusapan iyon...
Bumuntong-hininga ito dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya. Seryoso niya akong tiningnan. "Listen, honey. I protected you because you're my wife." Inangat niya ang bread knife, nakaturo ang talim noon sa mesa habang mahigpit ang hawak niya. "It ticks me off when someone's looking down on my wife."