I still could feel his hug until now. Ang warm pa rin sa pakiramdam kahit na mag-iilang oras na ang nakalipas mula nang yakapin niya ako. "Ah... 'di mawala sa isip ko." Napahiga ako sa kama kasabay ng pagtakip ng kamay ko sa mukha ko. 'Yong braso niya na nakaikot sa katawan ko, nararamdaman ko pa rin... Pakiramdam ko, namumula pa rin ang pisngi ko. Sa tuwing maiisip ko 'yong way ng pagyakap niya sa akin, gusto ko na lang na umikot-ikot sa kama hanggang sa mawala ako sa sarili ko. "Honey." Tatlong katok mula sa pinto ang narinig ko na nakapagpabangon sa akin. Mabilis kong inayos ang sarili ko, inipon ko ang mga hibla ng buhok ko at inipit sa likod ng tainga. "Hello, hello..." Pagte-testing ko sa boses ko habang naglalakad papunta sa pinto. Para akong ewan na cino-compose ang sar

