"Wow!" Namamangha kong pinagmasdan ang lahat ng mukhang masasarap na pagkain na nakahain sa mesa. "Ikaw ang gumawa ng mga ito?"
Tumango siya at kumamot sa pisngi niya, tila ba nahihiya. "Yeah."
Nakakainggit ang skill niyang ito. Tinalo niya pa ako.
"Upo na tayo para makakain na." Inusod niya iyong isang upuan. "Dito ka na."
"Okay, salamat." Nagpunta ako sa pwestong iyon at umupo tulad ng sabi niya.
Nang magsimula na kaming kumain, mas namangha ako dahil hindi lang mukhang masarap kung hindi talagang masarap iyong mga pagkaing hinanda niya.
"Ang galing mo naman magluto," nakangiting wika ko.
Ang sarap ng pagkakagawa niya sa adobo. Hindi ko maipaliwanag nang maayos iyong lasa. May pagka-matamis siya pero may pagka-maanghang din pagdating sa dulo ng dila.
"Nasanay lang," sagot niya.
"Siguro ay magaling din ang mama mo magluto, 'no? Pwedeng doon ka natuto o nakamana." Masayang wika ko sa kanya habang patuloy sa pagsubo ng pagkain.
Yumuko siya at inabot iyong sandok. Naglagay siya ng kaunting sarsa sa plato niya at saka muling tumingin sa akin. Wala na ang ngiti niya ngayon. "Natutuhan ko iyan sa panonood sa iba't ibang online platforms."
"Oh!" Ngayon ay mas hanga na ako. Walang personal na nagtuturo sa kanya, mas mahirap matuto sa gano'n, 'di ba? "Ang galing naman,"
"Not really." Bumalik ang ngiti niya sa labi.
"Nga pala, anong tawag dito?" Curious na tanong ko habang hawak ang isang bilog na pagkain. Kanin ito na nakabalot at may fillings sa gitna.
"That's sushi, it's a Japanese food. Is this your first time trying that?"
Tumango ako. "Ito rin ang first time na makakita ako, pero parang narinig ko na iyong tawag na sushi."
"Try it, it's pretty good." Tinuro niya ang isang maliit na bowl. "Dip it in that sauce for a better taste."
Sinunod ko ang sinabi niya. Sinawsaw ko ang sushi sa kulay brown na sauce at saka sinubo.
"Ang sharap!" Ngiting-ngiting wika ko habang nginunguya.
"Wait..." Tumayo siya sa pagkakatayo.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko matapos malunok ang pagkain.
"You have..." Bigla siyang lumapit sa akin. Hindi ako nakagalaw nang ilagay niya ang kamay niya sa gilid ng labi ko.
"A-Ano..."
Balak niya ba akong halikan? Pero akala ko ay hindi namin iyon gagawin?!
"May natira sa gilid ng labi mo." Pinunasan niya iyon at saka lumayo sa akin. "See?" Nilahad niya ang thumb niya na may butil ng kanin at sauce.
"U-Uh, oo nga." Nag-iwas ako saglit ng tingin habang kinakamot ang batok ko. Dinapuan ako bigla ng hiya. "T-Thank–"
Tila natuyuan ako ng boses noong bigla niyang dilaan ang thumb niya na pinangpunas sa gilid ng labi ko. "Yeah, sushi's pretty good."
Eh? What?!
Bumalik siya sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkain na parang wala lang.
Grabe... hindi ko na made-defend sa sarili ko ang ka-weird-an niya.
Matapos ang pagkain namin, pinabalik niya muna ako sa kwarto. Magpahinga raw muna ako at maghuhugas muna siya ng pinagkainan namin. Hindi na naman ako umangal, gusto ko man siyang tulungan pero ayokong may mangyari pang masama kaya sumunod na lang ako. Ang sabi niya, tatawagin niya raw ako kapag mag-uusap na kami.
Nag-half bath muna ako at saka nagbihis ng pantulog na damit. Halos kalahating oras akong nakatulala rito sa kwarto bago ako tawagin ni Cavin. Medyo excited ako dahil malalaman ko na kung ano ba ang mangyayari sa buong kontrata, iyon ang sabi niyang pag-uusapan namin ngayon.
"You can sit there." Tinuro niya ang sofa na nasa harap niya. May nakalagay na cup ng tsaa sa center table sa harap ko, at ganoon din sa harap niya. "Feel free to drink that tea if you want."
"Okay, thank you," mahinang aniko.
Ang sabi niya, gusto niyang maging normal o real life couple kami. Sa una, parang madali lang naman gawin iyon. Pero sa case ko na hindi maalis sa pag-iisip iyong fact na amo ko siya at rental wife lang ako, mahirap pala.
Ang first step para maging real life couple kayo ay ituring siya na partner ko, 'di ba? I wonder, how can I do that? Mula kanina nang dumating kami rito sa bahay hanggang ngayong magkaharapan kami, superior sa akin ang tingin ko sa kanya.
But calm down, it's okay. First day pa lang naman ito. May nabanggit din siya na magpa-practice daw kami tuwing Linggo. Siguro naman, maa-achieve din namin iyong gusto niyang real life couple nang wala sa oras... dahil kung hindi, babalik na naman ako sa pagiging walang kwenta.
"Let's begin this talk on why are you here... or rather, why I rented you,"
Napatingin ako sa kanya. Bagamat may ngiti sa labi, ramdam ko na seryoso siya. Napaayos ako ng upo at pinanatili ang mata ko sa kanya para malaman niyang nakikinig ako.
Though may hint na naman ako sa kung bakit ako narito. May gusto siyang pagselosin... maybe, an ex-girlfriend?
"Last year, I lied to my father..." Pagsisimula niya. "I said that I have wife even though I don't have."
Wait, wait, wait...
Lie? Sa father niya? Nasaan iyong ex-girlfriend doon?
"My father's an annoying man. Ilang taon niya na yata akong pinepeste na maghanap na ng asawa. Akala ko ay matitigil na iyon noong nagpunta siya sa ibang bansa para samahan ang kapatid niya pero hindi natigil. Dumating ang time na narindi ako which is last year, and that's when I lied to him. Gladly, tumigil na siya sa pangungulit sa akin. Ang kaso last two months, tumawag siya at sinabing uuwi para makita ang asawa ko. I tried using dating apps but I couldn't bear to have a real relationship. It's... uh, how do you describe this..." Napahawak siya sa ulo niya na para bang nahihilo at masusuka.
"Kaya mo tinry ang wife for rent?"
Tumango siya. "I was really hopeless that time. Then, I began to think that if only I could pay someone to be my wife... and that's when I tried to search something like that in the internet and I came across with your agency. I thought it's funny at first, though. Like there's no way it's real. But well, seeing you in front of me right now..." Ngumiti siya bago tumingin sa akin. "I guess, it's real, and that saves me."
So, I am wrong, huh? Wala siyang balak na pagselosin, at para sa tatay niya lang 'tong ginagawa niya, para matigil ang pampipilit sa kanya na mag-asawa.
"Hindi ka ba talaga bakla?"
Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagsimangot. "I've already answered that question."
"Bumalik lang ulit sa isip ko kasi sabi mo, hindi mo kayang magkaroon ng real relationship. So, anong dahilan?"
Ngayon, nawala naman ang pagkasimangot niya. Naging blangko lang ang buong mukha niya, walang ekspresyong kahit ano.
"Uh, sorry." Napayuko ako.
Hindi ko yata dapat tinanong ang bagay na iyon. Tila nag-iba tuloy ang atmosphere, naging seryoso to the point na nakakasakal.
"You asked me a little while ago, kung natutuhan ko ba ang pagluluto sa mama ko, 'di ba?"
Tumango ako. "Oo, natanong ko nga iyon."
Anong konekto noon sa pinag-uusapan namin ngayon?
"I actually don't have mother,"
"Huh?" Gumuhit sa mukha ko ang pagkagulat.
"She doesn't exist... in my memory, at least." Iyong blangkong ekspresyon niya ngayon, tila ba mas naging blangko pa.
Hindi ko na makita iyong Cavin na laging nakangiti– parang naging ibang tao siya.
"H-Hindi mo na naman kailangang ikwento iyan if hindi ka komportable. I-I mean, bilang rental wife, wala rin akong rights para pumasok sa personal na–"
"Cut that off. How many times did I told you? You are my real life wife. Not just a rental. You get it?"
Mabilis akong napatango. "Y-Yes, sir– uh, I mean, honey."
Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakayuko. Gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon din. Hindi ko alam na may nakakatakot din pala siyang side. Isang araw pa lang kami pero ang dami ko nang natutuklasan. Mabait siya, may pagka-weird, at ngayon, nakakatakot.
"My mother left us when I was a kid. She cheated on my father. It actually happened in front of me, I saw what she and the guy did. It was actually funny. Father had been working hard for us, just to give us a good life, but that's what she did." Bahagya itong natawa pero sumeryoso rin agad. "After that, she left us for her new family. I don't even know where she is right now. I mean, I don't really care. Hindi ko na siya kinikilalang nanay kahit na makita ko pa siya ngayon."
"S-Sorry, hindi mo deserve ang gano'n..."
Hindi ko man naranasan iyon pero alam kong traumatizing iyon bilang bata. Iyong makita mo mismo ang nanay mo na nagchi-cheat tapos iniwan pa kayo. Nakokonsensya tuloy ako dahil sa pagsabi ko kanina na natutuhan niya iyong cooking skill niya sa nanay niya.
Bakit nga ba kasi sinabi ko pa iyon? Dapat talaga sa akin hindi na nagsasalita, eh.
"After what happened, a thought came into my mind. You know what's that? I told you that earlier if I am not mistaken." Tumingin siya mismo sa mata ko.
Dahan-dahan akong umiling. "Sorry, hindi ko na maalala."
Hindi ko lang masabi na wala talagang pumasok sa isip ko ngayon. This brain of mine is not braining. I guess, dahil na rin sa takot na nafi-feel ko sa kanya. Nakaka-tense ang presence niya.
"I am not interested in any girls." Ngumiti siya, hindi mabait na ngiti kung hindi ngiti na parang nagsasabi na superior siya sa lahat. "They make me sick. That's why I couldn't bear to have a real relationship with them. Every time I am with a girl, I can remember my shitty mother."
I see...
So, hindi ito about sa pagiging bakla or may gustong pagselosin... it's just that he never wanted a girl from the very start.
"Bakit hindi mo na lang sabihin iyan sa tatay mo?"
"Huh?" Tumaas ang kilay niya.
Napayuko akong muli at mabilis na umiling. "Uh, wala pala!"
Gusto kong sumigaw sa kahihiyan! Namali ba ako ng pagtatanong? Offensive ba iyong pagkakasalita ko?
"I couldn't say it to him, or rather, I won't try to bring up this matter again with him. Kung sobra akong naapektuhan sa nangyari, ano pa ang papa ko? Tiyak na mas malaki ang damage nito sa kanya. Ni hindi nga namin iyon pinag-usapan. After mangyari noon, nagpatuloy lang kami mabuhay na parang wala talaga akong nanay sa una pa lang." Unti-unti kong binalik ang tingin sa kanya, kahit papaano ay kalmado na ulit ang ekspresyon sa mukha niya. "May times na nahuhuli ko siyang umiiyak at nagbabasag ng gamit pero hindi ko na pinapansin. I just let him. Hanggang sa napansin ko na hindi niya na iyon ginagawa at tingin ko, naka-move on na siya."
"Is it really okay? To tell your story to me like that?"
"Hmm?" Pinilig niya ang ulo niya. "Yeah, I think, it's just okay. Hindi naman sa sinisikreto ko iyan. Halos lahat ng naging kaibigan ko ay alam na hindi ko gusto ang babae, kahit na anino nila."
"I see..."
"'Tsaka ayaw ni papa na tumanda akong mag-isa at walang ka-partner tulad ng nangyari sa kanya. Alam kong 'di ako noon titigilan kahit na anong dahilan ang sabihin ko,"
"Eh, pero paano naman 'to? I mean, nakakontrata lang tayo. Dadating at dadating sa punto na kailangan nating maghiwalay. Paano iyon?"
"This is where the plan starts. Isang taon ang kontrata na pinirmahan natin. Three months mula ngayon ay uuwi si papa rito, magkakaroon kami ng reunion kasama ang ibang kamag-anak at doon kita ipapakilala sa lahat,"
"If three months na lang pala bago umuwi ang tatay mo, bakit one year ang kontrata natin?"
"Para mas maging makatotohanan. Kahit na bumalik na si papa sa ibang bansa, ipagpapatuloy pa rin natin ang relasyon natin. Makikipag-video call tayo sa kanya two or three times kada month. Habang tumatagal, dumadalang nang dumadalang iyon hanggang sa palalabasin natin na may away na nangyari. After ng away na iyon, maghihiwalay tayo. Iyon ang gagamitin kong dahilan kay papa. Hindi ko na ulit gustong mag-asawa dahil sa nangyari sa atin,"
"Ah, gets ko na. Kung iyan nga ang case, tiyak na maiintindihan niya dahil nangyari sa kanya mismo,"
Tumango si Cavin. "Yup, exactly."
"Ano naman iyong pag-aawayan natin?"
"Wala pa rin akong naiisip sa ngayon. May isang taon pa naman tayo para d'yan, tiyak na may maiisip at maiisip din pagtagal,"
"Alright, ita-try ko ring makapag-isip ng magandang dahilan," aniko.
"Itong three months natin na 'to bago siya dumating, gugugulin natin ito para makagawa ng memories na maipapakita kay papa pagdating niya rito. Syempre, ipa-practice din natin kung paano mas magmumukhang real life couple para hindi siya makahanap ng butas,"
Tumango ako. "Roger."
"So, I guess, that's all. Wala na naman tayong dapat pag-usapan bukod doon." Nag-unat siya ng braso at tinakpan ang bibig niya nang humikab siya. "We can now sleep. Bukas, maaga akong aalis dahil sa work. Mag-iiwan na lang ako ng almusal mo at pera para sa lunch mo. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay bukas."
Tumayo rin ako. "Okay, ako na ang bahala."
Sabay kaming naglakad papunta sa mga kwarto namin. Noong nasa harap na kami ng mga pinto, tumikhim siya dahilan para matigil ako. Nang lingunin ko siya, nakaharap na siya sa akin at seryoso ang mukha– tulad noong kanina.
May nakalimutan ba siyang sabihin?
"About what I've said..."
"Uh, ano iyon?"
"Girls make me sick and..." Tinuro niya ako. "It's the same for you. So, don't do unnecessary things. Just be a good wife to me, okay?"
Hindi niya na naman kailangang sabihin iyan. Lahat naman ng nakakasalamuha kong tao ay gano'n ang tingin sa akin.
"Yeah, I know. Don't worry, I will do my best and everything just to help you." Ngumiti ako nang malaki at nag-thumbs up sa kanya.
Unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Mula sa pagiging seryoso ay napangiti siya at tumango.
"That's good, then." Nilahad niya ang kamay niya.
Kinunot ko ang noo ko habang nakatingin doon. "Para saan iyan?"
"Shake hands. We won't kiss, right? So, let's do this,"
"But I thought I make you sick..."
"Yeah, but you are my wife for the meantime, right?'
"Ah, yes..."
"Let's have a shake hands as a sign of working together,"
"Alright." Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad at saka kami nag-shake hands.
"I hope one year will be quick,"
"Mabilis lang naman lumipas ang oras," nakangiting sagot ko.
Walang mapaglagyan ang tuwa ko pagpasok sa kwarto. After all, sure na ang isang taong trabaho ko. Tiyak na sapat na iyon para makabayad kami sa utang, makabili ng gamot ni tatay, at makapag-ipon ako.
After ng isang taong kontrata na 'to, makakabalik na ulit ako sa bahay. Tiyak na matutuwa na sa akin ang pamilya ko noon.
Sinong mag-aakala na makakatagpo ako ng ganitong lalaki? Ah, jackpot talaga!
Noong nagtatanggal na ako ng bra para makatulog, biglang may kumatok sa pinto kaya napahinto ako. Tumayo ako at binuksan iyon ng kaunti. Sumilip ako sa labas at kinunot ang noo ko kay Cavin.
"May nakalimutan ka pang sabihin?" Malumanay na tanong ko.
Tumango siya. "Good night." Nag-iwas siya ng tingin at tumikhim. "Sleep tight, honey."
Umawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya.
Ang galing niya. Ayaw niya sa mga babae pero nagagawa niya ito para sa tatay niya.
Ngumiti ako at tumango. "Good night din, honey!"
We are the same, I guess? Parehong gumagawa ng mga bagay na ayaw namin para lang sa pamilya. If this is the case, then I should really help him with the best I can.
I will be the best wife for him... until the contract ends.