“When the supply and demand curves intersect, they are said to be …” ilang beses nang paulit-ulit iniintindi ni Sophia ang linyang iyon sa notes na kanyang binabasa. She's walking at the side of the street while reviewing for her next class. Hindi niya alintana ang oras dahil nasa labas lang naman siya ng university at may tatlumpong minuto pa siya bago magsimula ang kanyang klase sa alas neube ng umaga.
Napalingon si Sophia sa kalsada nang huminto ang isang itim na van sa tabi niya. Bumukas ang side door nito at lumabas ang tatlong naka-unipormeng mga lalaki. They looked like the guys in the movie 'Men in Black'.
“Sumama ka sa'min, Miss” saad ng isang lalaki.
Babalewalain na sana ito ni Sophia pero humarang ang mga lalaki sa kanyang daraanan. She closed her notes and raised her arms in front of her. Sophia went into defense mode. There's no way these spooky men would abduct her in broad daylight, right? Inihanda ni Sophia ang sarili kung sakaling mangyari man iyon.
“Sino ka'yo? Huwag na huwag kayong lalapit sa'kin kundi sisigaw ako!” banta ni Sophia. Kinakabahan siya dahil sa takot pero kailangan niyang magpocus kung ayaw niyang ma-kidnap ng mga goons na ito. Nagsimulang manikip ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga. Parang magkaka-anxiety pa yata siya sa sitawsyon niyang iyon.
Sophia, please don't faint, paalala niya sa sarili.
“Miss, kumalma ka lang. Wala kaming gagawing masama sa'yo,” sabi naman ng isa. Lahat sila ay naka sunglasses kaya hindi nakikita ni Sophia ang mata ng mga ito. Napagtanto niya na kailangan na niyang umaksyon dahil baka kung ano pa ang gawin ng mga lalaki sa kanya.
“Heee-” hindi natapos ni Sophia ang sigaw dahil biglang nagdilim ang kanyang paningin. Fortunately, one of the guys rushed to save her before she hit the ground. Ang huli niyang nakita bago siya nawalan ng malay ay ang pangamba ng mga ito dahil sa pagkawalan ng ulirat ni Sophia.
The next thing Sophia knew, she was already inside the car. She awoke to see the van already moving. Medyo nahihilo pa si Sophia pero agad na umarangkada ang kanyang survival instinct.
“Aaaah! Help! Tulong! Tulongan niyo ko! They're kidnapping me!” Sophia screamed at the top of her lungs.
“Miss Ramos, we're not kidnapping you,” saad ng driver na naka-uniporme rin. Sabi pa nito, “At huwag po kayong sumigaw dahil nakakabingi sa tenga. Hindi rin naman po kayo naririnig sa labas.”
“Oh my god! Ibaba niyo 'ko, ngayon na! Heeelp!” mas lalong naghysterical si Sophia dahil sa sinabi nito. Medyo nairita na rin ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya. She was in the middle of the car seat.
“Ipinadala po kami ni Mr. Andrade para sunduin kayo,” paliwanag ng drayber. Mukhang ito ang lider ng mga unipormadong lalaki.
“Hindi ako naniniwala! Ibaba niyo 'ko! Heelp!” malapit nang maiyak si Sophia. She could feel the anxiety returning to her.
“I-check niyo po ang phone ninyo maam bago kayo mag-hysterical diyan,” inip na saad ng drayber.
Ginawa naman iyon ni Sophia dahil masama na ang tingin nga mga ito sa kanya. She looked into her phone. Totoo ngang may message siya mula kay Ethan Andrade. She opened it.
May susundo sa'yo. Be ready, iyon lang ang laman ng message. Ni hindi nakasaad doon kung ano ang oras at rason ng pagsundo sa kanya. Napatingin si Sophia sa mga lalaking naghihintay ng kanyang sasabihin. Ang lalaki sa kanyang tabi ay kunti na lang ang kulang para sumilip rin sa kanyang smartphone.
“Saan niyo 'ko dadalhin?” kalmang saad ni Sophia. Nakahinga rin ng kaunti ang naka-unipormeng mga lalaki nang makitang hindi na siya nagsisisigaw. Pero hindi parin siya dapat maging kampante. She's still a little bit suspicious about the men in black suits.
“Sa hotel kung saan ini-expect po kayong makita ni Mr. Andrade,” sagot ng drayber matapos siyang sulyapan sa rearview mirror.
Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok ang sasakyan sa parking basement ng isang building. She guessed it was the hotel they were talking about. When they stopped, the men guided her out of the car and into an elevator. Umakyat sila sa pinakamataas na floor at pumasok sa isang napakalaking suite. Doon ay sumalubong sa kanya ang naghihintay na babae.
“Sophia, right? Thank goodness, you're now here!” sabi ng babae at inakay siya paupo sa harapan ng isang malaking salamin. Tinawag nito ang isa sa mga staff na nakahanda sa kanyang pagdating para bigyan siya ng foot spa massage. Pagkatapos ay nagpakilala ito kay Sophia, “I'm Loisa, Mr. Andrade's personal stylist.”
“Hi, I think you know me already” kausap rin ni Sophia rito.
“Yes, I do. You are expected to be glammed up for tonight's party so let's get moving,” paliwanag ni Loisa kay Sophia.
“Party?” tanong ni Sophia. But she instantly knew why Ethan had her picked up to be brought to this hotel. Dahil sa abala sa eskwela ay hindi niya namalayan na biyernes na pala at ngayon ang araw ng party. Tinanong niya ang stylist, “Anong oras po ba ang party? Parang ang aga naman po yata ng preparation.”
“Well, he said it'll need a lot of effort for you to...…” huminto ito at tumingin sa kabuuan ni Sophia. Loisa smiled at her apologetically, “I mean no offense, but I think he has a point. Kailangan natin ng mahaba-habang oras para pagandahin ka, okay?”
Tiningnan ni Sophia ang sarili sa salamin. Na-realize rin niya na hindi papasa ang ganitong itsura niya kung dadalhin sa party. Alanganin siyang ngumiti kay Loisa.
Sophia's day went busy. Hindi lang footspa ang natanggap niya. She received the full treatment for her hands and feet. She even got her nails done beautifully. Pagkatapos ay ipinasok rin siya sa isang ambient room at binigyan ng full body massage. Gumaan ang pakiramdam ni Sophia dahil sa massage na iyon kaya hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. It was past noon when she woke up. Parang prinsesa si Sophia dahil may nakahanda nang full course meal paggising niya. She was comfortable in her thick white robe while eating the delicious food in her room.
Napagdesisyonan rin ni Sophia na magpaturo kay Loisa ng mala-alta society manners para sa party upang hindi mapahiya si Ethan sa kanya. She wanted to give him the full satisfaction of her work. Loisa gladly obliged. Tinuruan siya nito kung paano tumindig ng maayos, paano maglakad ng naka-heels na hindi natutumba, paano bumati sa mga bisita at ipa pang table manners sa lamesa.
Pagkatapos ng kanilang mini-lesson ay pumwesto na si Sophia para sa kanyang facial treatment. Oras na para pagandahin naman ang kanyang mukha. After the treatment, a make up artist went into the room. The artist did wonders to her hair and most specially to her face. Namangha si Sophia nang makita ang kinalabasan ng ginawa nito. She now looked sexy and alluring, ibang-iba sa Sophia na kanina lang ay kaharap niya. Hindi niya inakala na may igaganda pa pala ang mukha niyang iyon.
Sophia felt like a different person but in a good way. Walang kahit anong bakas na nagmumula sa ilang oras na pagtatrabaho bilang part-timer ang makikita sa kanyang mukha. Sophia smiled at her reflection in the mirror. Saad niya sa sarili, You deserve this, Sophia.
“Wow! You look stunning!” Loisa exclaimed with clasped hands when she saw Sophia's face. The stylist admired Sophia's beauty. Nagtawag ito ng mga tao para ipasok ang nakahilerang mga gowns. Bumaling ito sa kanya, “Now, let's get you dressed before Ethan comes in.”
“Andito na siya?” tanong ni Sophia.
“He's already dressing in his room,” sagot ni Loisa.
Inakay si Sophia ng staff sa isa pang kuwarto para bihisan siya. Ipinasuot sa kanya ang isang bright red gown na may mahabang slit sa gilid. Mala-Catriona ang gown na iyon dahil sa lalim ng neckline na nasa harapan. Medyo kita ang balat at kurba ng kanyang dibdib pero nagustuhan parin niya ang tela at pagka-backless na estilo ng naturang damit. Isang kumikinang na silver heels rin ang ipinasuot sa kanya para ipares sa napakagandang kasuotan.
“Is she ready?” maya-maya ay narinig ni Sophia ang boses ni Ethan mula sa labas ng kuwarto kung saan siya nagbibihis. Bigla siyang kinabahan nang malamang nandito na ang binata. What if he didn’t like what she looked?
“She's about to finish,” Loisa answered when she joined Ethan outside. Then, she called for her, “Sophia, you can come out now if you're ready.”
Nang matapos si Sophia sa pagbibihis ay dahan-dahang siyang lumabas mula sa kuwarto at humarap kay Ethan.
“Hi...” she greeted him.
Ethan stared at her for a moment. Hindi mabasa ni Sophia kung ano ang reaksiyon sa mukha ng lalaki dahil nakatitig lang ito. Kung nagulat man ito sa malaking pagbabago ng dalaga ay hindi iyon ipinahalata ni Ethan. He glued his eyes on her when she turned around to show him the full dress. Napalunok ito nang makitang nakalantad ang likod ni Sophia. He cleared his throat, “It's too revealing. Next!”
Agad na kumilos ang staff para ipasok ulit siya sa kwarto. Mabilis na tinanggal ng mga ito ang damit na suot niya upang bihisan siya ng ibang style ng gown. Okay lang para sa kanya ang damit pero nadismaya rin siya dahil hindi iyon nagustuhan ni Ethan. Hinayaan na lang niya si Loisa na pumili ng susunod na susuoting damit.
They put her in a shining white feather dress. It has a cross collar button top. Walang ka-reveal-revealing sa damit dahil may sleeve ito. Halata ring gawa sa mamahaling tela iyon at hapit sa kanyang katawan. Pinaresan iyon ng white gloves na hanggang braso at white close heels. Lumabas siya upang ipakita iyon kay Ethan.
“Puwede na. But I want to see more. Next!” saad ni Ethan pagkatapos punan ng tingin ang suot niya. Mukhang mahaba-habang pagpipili pa ang magganap dahil umupo si Ethan sa couch na para bang manunuod ng isang fashion show.
“Try this one,” ini-abot ni Loisa sa kanya ang isang kulay asul na dress. Isinukat niya iyon pero 'next' lang rin ang narinig niya mula kay Ethan nang makita nito ang nasabing damit. Ilang 'next' pa ang sinabi nito pagkatapos ng iilang damit na isinukat niya. Malapit nang mapagod si Sophia sa pagsusukat. She honestly thinks all the dresses are amazing. Si Ethan lang talaga ang pihikan.
Sophia saw a dazzling white dress that was left at the corner of the rack. Lumapit siya kay Loisa at itinuro ang damit na iyon, “Ummm, Loisa. Puwede ko bang isukat iyon?”
“Sure, let's try that,” kinuha nito ang gown at inabot sa kanya.
Pagkatapos isukat ang gown ay tiningnan ni Sophia ang sarili sa floor-length mirror. The dress has a strapless tube top. The gown itself is made of the finest pleated style of textile. May tiny gold crystals rin sa bawat lining ng pleats kaya hindi purong puti ang kulay nito. The bodice is hugging her curves well. It fits her body down through her hips and gradually spreads at her feet. Sophia was mesmerized by her reflection in the mirror. Feeling tuloy niya ay para siyang isang goddess.
This is it, tukoy ni Sophia sa damit. Pinaresan niya iyon ng white velvet pump heels na may crystal brooch sa harapan. Then, she gave one last look at the mirror before leaving the room to face Ethan again. Ewan na lang ni Sophia kung hindi pa magustuhan ni Ethan ang suot niyang iyon.
Ethan was doing something on his phone when Sophia appeared in front of him. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito. Nang tumingala si Ethan ay halatang nagulat ito sa ganda ng gown na napili niya. Hindi nito maalis-alis ang titig sa kabuuan ni Sophia. Naging proud naman si Sophia sa sarili dahil sa reaksiyong nakita niya mula kay Ethan.
“I like it. It's missing something though,” saad ng binata. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Inutusan nito si Sophia, “Turn around.”
Sinunod naman niya ito at tumalikod. Through the mirror surrounding the room, she saw how he lifted something in his hand. Gumalaw ang mga kamay ni Ethan para ikabit sa kanyang leeg ang isang piraso ng kuwintas. She felt the coldness of the metal around her neck. Pagkatapos ay tiningnan ni Sophia ang repleksyon sa wall mirror. The ruby stone sitting on a white gold chain is shining bightly around her neck.
“It's beautiful,” she said while staring at the necklace. Hindi napigilan ni Sophia ang sarili na hawakan ang kuwintas.
“It comes with a pair of earrings,” ipinakita ni Ethan ang jewelry box na naglalaman ng ruby earrings. He picked them up for her to wear the precious stones. Sabi nito na ikinagulat niya, “It's my gift to you. You can keep it after tonight.”
“Sigurado ka? Hindi ko matatanggap ito,” tanggi ni Sophia. Paniguradong sobrang mamahalin ang mga alahas na iyon.
“Nonsense. Ayokong tinatanggihan ang mga regalo ko,” kontra ni Ethan kay Sophia. Wala siyang nagawa dahil ipinilit ni Ethan na suotin niya ang earrings kaya sinunod niya ito. Lumipat si Ethan sa kanyang likuran. Iginiya siya nito para muling harapin ang salamin. He firmly placed his hands on her naked shoulders and stared at her eyes through their reflection. Bumulong si Ethan sa kanyang tainga, “Look at you. See how beautiful and perfect you are.”
Time stopped when Sophia heard him say it. No one in her wildest dreams had ever made her feel cherished and special. Ngayon ay mas lalong nagkaroon siya ng confidence sa kanyang angking ganda dahil sa mga sinabing iyon ni Ethan. Napalunok si Sophia. She can still hear his words echoing inside her ear.
Hindi namalayan ni Sophia na pinipigil pala niya ang kanyang paghinga. All of a sudden, his presence has invaded her personal space and he's all around her. Bumalik lang sa normal ang paghinga niya nang lumayo ang binata para sagutin ang tawag sa phone nito.
Pinagmasdan niya si Ethan mula sa salamin . He was wearing a classic American style kind of suit. Ethan looked even more dashing in deep blue color. Hindi rin maitatago ang kaguwapohan na taglay ng lalaki dahil sa clean-cut na buhok nito. Kung iba lang ang sitwasyon nila ngayon, tiyak na pagpapantasyahan niya ang matikas na lalaking kasama niya sa loob ng silid. But she's working for him, so Ethan should be off limits to her. That's why having an attraction to him is a big NO for Sophia.
Bigla siyang nailang nang mahuli siya ni Ethan na nakatitig rito. Pero hindi iniwas ni Ethan ang mga tingin sa dalaga. Sa halip ay nagtama ang kanilang mga mata sa salamin. He was still talking on the phone while looking at her on the mirror. His gaze lingered on her as if he was proud of a recent piece of possession he just acquired. Unang binawi ni Sophia ang kanyang tingin dahil para siyang natutunaw sa mga titig nito. Mahirap na, baka makalimutan niyang hindi trabaho ang pinunta niya rito.
“Naghihintay na ang kotse. Let's go,” tinapos ni Ethan ang tawag at naunang lumabas sa suite.
“Ayusin mong sarili mo Sophia,” kausap niya sa kanyang repleksyon sa salamin. She should remind herself that no matter how fancy it looked between them, this is all just a job. Tumalima si Sophia at kinuha niya ang purse. Pagkatapos ay sumunod siya kay Ethan sa paglabas ng kuwarto.
At the party, everyone was looking nice and beautiful. Marami na ang nagsisidatingan pagpunta nila Ethan at Sophia. Every time they run into someone who knows him, Ethan introduces Sophia as his date. At hindi nawawalan ng kakilala si Ethan. Lahat na lang ng nakakatagpo nila ay nais makipagkuwentuhan sa binata. She met some of the wealthy people in the higher class as well. Even actors and other well-known figures can be seen attending the event. Komento ni Sophia sa kanyang isip, Ito pala ang mundo ng mga mayayaman.
“Are you good?” kinamusta ni Ethan ang ka-date. Nakakapit parin ang kamay ni Sophia sa braso nito.
“Yeah,” tugon niya rito.
“I need to talk to someone. Will you be okay if I leave you for a while?” tanong ni Ethan sa kanya.
“Sure, I’ll be fine,” tiniyak ni Sophia sa binata na magiging maayos lang siya. That way, makaka-relax rin siya ng kaunti. Conscious kasi si Sophia sa bawat galaw niya habang nasa tabi ni Ethan dahil takot siyang makagawa ng kung ano na maaring ikapahiya nito.
“Great. The buffet is that way in case you’re hungry. I’ll find you after I’m done,” pagpapaalam nito bago umalis sa tabi ni Sophia. Tumango lamang siya rito.
I’m starving, saad ng isip ni Sophia habang tinatahak ang direksyon papunta sa buffet area. Sino ba naman ang hindi gugutumin sa hindi na mabilang na glass ng champagne na ininom niya sa bawat kumpol ng guests na madaanan nila? Naturally, she was obliged to drink one glass after another whenever someone in the circle says the word 'cheers'. Malay ba naman ni Sophia na umiinom pala ng alak ang mga mayayaman kahit walang laman ang tiyan. Kaya ngayon ay gutom ang inabot niya.
Pumulot si Sophia ng platito at tinidor. Pagkatapos ay namili siya sa nakahilirang yayamaning pagkain. She didn’t even know what they’re called. Basta masarap sa paningin ay pinupulot ni Sophia at inilalagay niya sa kanyang platito.
“Enjoying your food?” bati ng isang maginoong bagong dating. Tumitingin-tingin rin ito sa mga pagkain sa ibabaw ng buffet table.
“The food is good! You want to try some?” pag-anyaya niya rito. She was currently biting a piece of dessert.
“No, thanks,” magalang na tanggi ng lalaki. Ngumiti ito kay Sophia, “Bagama't habang pinagmamasdan kitang takam na takam sa iyong pagkain ay nabubusog rin ako.”
“Trust me, the food is superb!” Sophia said, delighted by the food.
“I’m Allan by the way,” pagpapakilala ng maginoo. Hula ni Sophia ay nasa mid-fifties na ito.
“Sophia,” she also smiled at him.
“Sophia,” ulit na sabi nito. Mayamaya ay nagtanong ito sa kanya, “Do you happen to know what this party is all about? Pinapapunta lang kasi ako ng sekratarya ko sa mga party na hindi ko naman alam kung para saan. Kesyo kailangan ko daw ng connections.”
“It’s a fundraiser event. They’re raising money for a foundation,” tugon niya rito, Na-orient kasi siya ni Ethan kung para saan ang okasyong iyon bago sila umalis sa hotel.
“Ah,” iyon ang tanging reaksiyon ng matanda nang mapagtanto nito ang mga kaganapan sa party.
“In my opinion, wala namang kuwenta ang mga ganitong fundraiser party,” walang amok na sabi ni Sophia. Bumaling siya sa matanda, “Pakitang tao lang naman ang mga ganitong event para sabihing may paki ang mga mayayaman sa lagay ng mga mahihirap. But little did we know, foundations are just excuses for rich people to avoid taxes.”
“Really? Tell me more,” curious na paghihimok nito.
“It’s true. I mean I could be wrong but I believe that’s the only purpose why foundations are made. Wala naman talaga silang pakialam sa mga mahihirap o kung para saan man iyang foundation na iyan,” kaswal na saad niya rito na parang magkapit-bahay lang sila ng kausap niya.
Surprisingly, Sophia felt relaxed talking to the man. She felt like she could talk about whatever she wanted. Ni hindi nga siya nininerbiyos. Saad ng isip ni Sophia, It must be the champagne talking.
“Kung walang fundraiser party, what do you suggest then?” tanong ng matanda.
“Make donations! Kung bukal talaga sa puso mo ang mag-donate ng pera, hindi na kailangang magpaparty pa para sa’yo! Sa halip na gumastos para sa malaking party na ‘to, why not put that money straight to the foundation? But most importantly, siguruhin na tama ang ginagawa ng ipinatayong foundation. Hindi iyong meron ngang foundation pero sa papel lang. Tapos, iyong mga donations ay hindi naman umaabot sa mismong dapat talagang paglaanan ng pera. Gets mo’ko?” mahabang pahayag niya.
“I get what you mean. Maybe I should do that,” pabulong na tugon nito.
“What did you say?” tanong ni Sophia dahil hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng matanda.
“I said you’re right. Naghahanap lang ng escape ang mga taong ito para hindi makapagbayad ng buwis,” he lightly said. Medyo sumang-ayon ito sa sinabi ni Sophia. He looked at her intriguingly.
“Kasi sabi ng batas, puwede kang hindi magbayad ng buwis kapag marami kang tinutulungang tao. And that’s what rich people are using to get rid of taxes,” walang prenong sabi niya. She even finished her food so she could talk with him more.
“I'd hate to say it but you have a point again, dear” sabi ng matanda. Tumango-tango pa ito bilang pag-sang ayon kay Sophia.
“Wait, guest ka dito diba? Ibig sabihin, mayaman ka rin,” natigilan rin si Sophia sa sinabi niya. Hinintay niyang sumagot ito.
“Not at all. I was just-” hindi nito natapos ang sinasabi dahil dumating ang isang staff para kausapin ito.
“Mr. Velasquez! Kanina pa namin kayo hinahanap. Oras na po para sa inyong speech,” saad ng hindi mapakaling staff.
“It was nice talking to you, Sophia. I hope we could talk again soon,” he said before following the staff and dissolving into the crowd.
Ngumiti lamang siya bilang paalam sa ginoo. She felt at ease after the brief talk she had with the man. May mga maaayos na tao rin pala siyang makikilala sa ganitong mga party. Too bad, ang ikli lang ng pag-uusap nilang dalawa. Sayang, nag-enjoy pa naman siyang kausap ang matanda. Nagkibit-balikat nalang si Sophia at bumalik sa gitna ng bulwagan.
Habang naglalakad ay nakaramdam si Sophia ng kakaiba sa kanya. Inayos niya ang tingin sa paligid dahil parang umiikot ang mga tao. She walked slowly to balance herself.
Sh*t, it must really be the champagne, she cursed. Wala na siyang ibang maisip kundi pagalitan ang sarili dahil hindi niya nagawang kontrolin ang kanyang pag-inom ng alak kanina. She hadn't anticipated the effects of the successive champagne glasses she consumed as a result of peer pressure.
“There you are,” Ethan greeted when he found her.
“Ethan!” nakangiting tawag niya sa binata. Kinamusta niya ito, “How was it? Nakausap mo ba ang gusto mong kausapin?”
“It was great. Hindi ko nakita ang mismong nagpa-organize ng party kaya kinausap ko na lang ang anak niya,” sagot nito. Inakay ni Ethan si Sophia papalapit sa stage dahil magsisimula na ang main event ng gabi. He offered his arm for her to hold. Napansin rin nito na may kakaiba kay Sophia, “Are you okay? You seem a little off.”
“I’m good,” hindi mapigilan ni Sophia ang pagngiti kay Ethan. She was just glad she saw him.
“Are you drunk?” Kumunot ang noo nito nang mapansin ang namumulang pisngi ni Sophia.
“Am I? I don’t know,” nakangisi paring saad niya.
“How many glasses of champagne have you had?” tanong ni Ethan. This time, he’s holding her by the waist to prevent her from falling. Mabuti at nakakatayo pa si Sophia.
“I honestly don’t know, I lost count. First time ko kasing uminom ng champagne. Akala ko parang juice lang katulad ng mga nakikita sa teleserye. Mas malakas pa pala ang tama nito kaysa sa beer,” sabi ni Sophia. She was at it again with her nonstop talking.
“Don’t ever leave my side from now on. Baka kung ano pang mangyari sa’yo sa lagay mong iyan,” pag-aalalang saad ni Ethan. He tightened his hold on her.
“Hmmm...” tanging sagot ni Sophia. She shamelessly wrapped her arms around his waist and leaned on him.
“Sophia...” sambit ni Ethan sa kanya. She felt him gasped for air.
“Yeah?”
“Now, I do believe you're drunk. The sober Sophia won't be this brazen,” saad ni Ethan sa malalim na tono.
“It just feels good, you know” saad ni Sophia sa binata. She doesn't even know what he's talking about. She's just having a little bit higher levels of happiness flowing in her veins right now. Tumingala siya kay Ethan at tumitig sa mukha nito.
“Ang alin?” tanong ni Ethan. He matched her gaze.
“Me being in your arms like this,” she whispered to him. Hindi parin mapigil ang ngiti sa kanyang mga labi.
Ethan gulped. Biglang sumeryoso ang mukha nito habang nakatitig sa mga labi ni Sophia. He just had the impulse of wanting to stop her from smiling by kissing those soft, full lips. Hindi alintana rito ang pagsisimula ng programa sa stage at pagsasalita ng kung sino mang nandoon. Pero nawala ang momento para kay Ethan dahil inosenteng lumingon si Sophia sa harapan ng entablado. She clearly hadn't read the dire expression on his face because she broke their eye contact too early. But Ethan hadn't stopped looking at her.
“Oh? Si Allan iyan ah,” komento ni Sophia tungkol sa speaker na kasalukuyang nagsasalita sa harapan nila. Dahil sa sinabi ni Sophia ay napukaw ang atensyon ni Ethan sa ibabaw ng stage.
“How do you know Mr. Velasquez?” kunot-noong tanong ni Ethan. He wondered why she was calling the old man on a first-name basis.
“Nagkausap kami sa buffet table,” she confessed. Bumaling siya kay Ethan para ikuwento rito ang pag-uusap na naganap sa pagitan nila ng matanda. Bulong ni Sophia, “Alam mo ba, sinabihan ko si Allan na walang kuwenta ang fundraiser na ‘to. Hindi dapat-”
“You did what?” nanigas si Ethan sa kinatatayuan.
“I said-” nagtaka rin si Sophia dahil sa biglaang pag-iba ng tono ni Ethan. He sounded like he's about to get angry.
“Sophia, do you realize that you just ruined the night for me?” he said through gritted teeth. Iyon ang huling narinig niya mula kay Ethan bago umikot ang paningin ni Sophia at nawalan siya ng malay.