Chapter 7: Relationship

2319 Words
Grey's POV It's Sunday and I'm here in front of Shandra's house. Trying my best to get get something out of his real relationship with Zander. You know, for the sake of the happiness of our friend, Chase. What are friends are for, right? It's been a month when we agreed to do this thing and today is the day that we're going to this. Ahm, hindi naman siguro halata na may hidden agenda ako sa pagtatanong, no? We specifically waited for a month. Para naman hindi kami magmumukhang atat.  The house is equip with latest security device. Since all the staff in the house already knew me, they immediately let me in without passing all the necessary security check. Usually the stationed guard in the gate will call the main house to inform the arrival of a visitor. The main door and other doors that you may take to get inside are equip with sensors that's why visitors need someone from the inside to open up for them. Family, close relatives and few trusted people are the only exception. Nevertheless, the guard will always inform the main house regardless of whoever the visitor. When I'm the visitor they don't bother to do it though. Sanay na kasi sila na hindi ako dumadaan sa pinto sa harapan. Sa pinto sa kusina, sa pintuan mula swimming pool papuntang dining area o sa pintuan sa grahe na papuntang azotea at diretso sa grand staircase. Minsan nga sa veranda pa sa 2nd floor, inaakyat ko yun kapag gusto ko. After parking my car in the driveway I make my way towards the back. Sa pagkakataong ito sa pintuan sa kusina ako dadaan. The door in the kitchen is the only door that the sensors are deactivated. The kitchen staff finds it a hassle. Sa kusina madalas makita si Nana Wilma kapag ganitong oras lalo na at nandito si Shandra. Si Nana Wilma ang caretaker ng bahay, siya ang namamahala sa kabahayan. Naisipan ko na sa kanya unang magtatanong.  "Nana, can I have something to eat, please? I'm a little hungry," Zander said. Natigil ang tuluyan kung pagbukas ng pinto ng marinig ko ang nagsalita. A very familiar voice. Nagulat ako nang makita ko si Zander kasama ni Nana Wilma sa kusina. Is he living here? Tumikhim ako para matawag ang pansin nila. Nasa may pintuan pa rin ako pero tuluyan ng nakapasok sa loob at nasira ko na rin ang pinto ng mahina kaya hindi nila napansin. "Grey, iho, nandito ka pala," bati sa akin ni Nana. "At bakit dito ka na naman dumaan sa kusina bata ka? Bakit hindi ka dumaan dun sa harap? Nandoon sa family room sina Yen at Shandra," nakakunot-noong sita ni Nana Wilma sa akin. "Hanggang ngayon ba Nana hindi pa rin kayo sanay sa akin?" malambing na wika ko. "Tsk! Ayoko nga dumaan sa pinto sa harap, masyadong pormal na pagtanggap sa bisita yun," may bahid ng reklamong sagot ko. "Tama nga naman siya Nana, para sa mga pormal na bisita lang ang pinto sa harapan kaya dapat masanay ka na," sagot ni Shandra. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya. "Isa pa hindi naman yan bisita eh, kundi bwisita," halatang nang-aasar na sabi niya. "Anong bwisita? Na-miss ko lang si Nana kaya dito ako dumaan," balik ko sa kanya. "Sabihin mo nagseselos ka lang kasi hindi ikaw ang una kong pinuntahan," pang-aasar ko din sa kanya. She rolled her eyes, "As if that's true. I know the real reason why you chose to come here first. Dahil diyan sa niluluto ni Nana," itinuro ni Shandra ang kawali na nasa sangkalan pa. I laugh, "That's right, sweetheart. Alam ko kasing nandito ka kaya sigurado akong magluluto si Nana ng favorite mong paella, makikikain ako," I said truthfully. Yan kasi talaga ang totoong rason kaya pinili ko ang kusina, pangalawa iyong kailangan kong itanong. "Sabi na eh, ang takaw mo talaga Grey kahit kailan," she pouted and turn to Nana Wilma who's now busy with cooking. "Matagal pa po ba yan Nana?" malambing na tanong ni Shan. "Sandali na lang ito, iha," sagot ni Nana dito. "Hala! Doon muna kayo sa family room, doon ko na din ito ipahain. Ikaw naman Zander," binalingan niya ang lalaki na nagmamasid lang, "maghintay ka na lang sandali. Ewan ko sa'yong bata ka at hindi ka pa kumain sa pinanggalingan mo," umiiling na wika nito kay Zander. "There are so many things that need to be done there Nana," sagot ni Zander. "I also want to be here as soon as I can. So, I didn't bother to stop by at any restaurant that I pass to get something to eat. Of course, because I know you are schedule to cook paella today." "Teka nga, anu bang ginagawa mo dito Zander?" Tanong ko kunwari, pero ang totoo gusto ko lang talagang makumpirma kung dito nga ba talaga siya nakatira. "I live here, why?" he flatly answered. Binalingan niya si Shandra, "You didn't tell him Shan?" "Hindi naman siya nagtatanong kaya bakit ko sasabihin sa kanya?" mataray na sagot ni Shan "Ano ba kasing meron sa inyong dalawa?" tanong ko. "Don't tell me Shan that Zander here is arrange to be the one you need to marry in the future? Is he your secret fiance?" I know that my question are exaggerated but I don't really care. I need to know the truth about them. Nabigyan ako ng pagkakataon kaya lulubusin ko na. Para hindi ko na rin kailangang tanungin pa ang mga tao dito sa bahay. "Ano ka ba my dear handsome cousin, ang layo ng imagination mo. Sino naman ang nagbigay ng idea sa'yo na fiance ko so Zander?" Sagot ni Shandra sa akin sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko. Minsan ang sweet talaga nito kaya nga may pagkakataon na hindi ako makatanggi sa ano mang hilingin niya. "We just guess, besides you both act differently. Halata ang malalim na ugnayan niyo sa isa't isa. Bantay-sarado ka din kasi ng lalaking ito at hindi siya mapakali kapag mawala ka ng matagal sa paningin niya," paliwanag ko kung bakit naisip ko na may relasyon sila. "You're talking nonsense Grey, we're not sweethearts nor she's my fiancee, okay? I am just protecting her," Zander seriously said. "Are you sure? Did you both know about the rumors circulating in class about your relationship?" I asked. "You believe a nonsense a rumors?" Zander retorded shaking his head and look at me in disbelief. Before I can say something back at him Shandra talk. "We're best friend Grey, no, let me rephrase it, we're not just best friend,  for us he is a brother. Mom and Dad wants to adapt him legally so that he can be a Davies too, but he refused. Pangalan na lang daw kasi niya ang alaala niya sa kanyang mga magulang. Zander's father is the most trusted man of my grandfather and he's mother is Mom's friend too. He lives with us since his parents died. For Dad and Mom he is their son." explain ni Shandra sa totoong relasyon nila ni Zander. "Dahil isang taon lang ang tanda ni Zander kay Shandra, mabilis sila nagkapalagayan ng loob. Magkasundo din sila sa maraming bagay kaya lang hindi magawang sakyan ni Zander ang kabaliwan at kalokohan nitong si Shandra. Then, Zander came here 2 years ago to fetch Shandra by the order of our grandfather. Since then Zander assigned himself and by our grandfather as Shandra's protector. That explains everything why he's always anxious everytime Shandra isn't around, he's thinking she might run into danger. End of story. Alam mo namang bunso si Shandra kaya overprotective ang lahat sa kanya, even you Grey." Is there something I can say after hearing that? Wondering who talked? It's Ate Yen, Shandra's older sister. Kahit kailan kung kumilos itong si Ate akala mo ninja, hindi mo kasi maramdaman ang mga kilos niya. Magugulat ka lang nasa likod o harapan mo na siya at bigla na lang din siya nawawala ng hindi mo namamalayan. Napasimagot ako dahil sa mga sinabi ni Ate, "nag-alala pa naman ako, akala ko na arrange marriage na si Shandra." "Sa tingin mo papayag yan na ma-arrange marriage?" tumatawang sabi ni Ate Yen. "Yeah, right, she doesn't have a choice," she added nonchalantly before turning to Nana Wilma "Nana luto na po ba yan? Dito na kami kakain sa kusina sa tingin ko po kai walang balak umalis itong tatlo dito, akala mo mauubusan sila." Oo nga pala, hindi na kami nakaalis ng kusina. Hmm, ang bango talaga ng niluluto ni Nana, nagutom tuloy ako. Dahil nabaling na sa pagkain ang atensiyon ng lahat, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na linawin ang huling sinabi ni Ate tungkol kay Shan. Well, I think I'll let be for now. At least I've already done my part. I obtain an answer with what I came her for. Josh POV Linggo at walang lakad ang barkada, at dahil wala akong gagawin kukulitin ko na lang ang kakambal ko. Naalala ko din na may itatanong ako sa kanya tungkol kay Shandra, napag-utusan ako. And becuase I'm such a good friend I'll do the thing they want to do. Madali lang naman ang gagawin ko, magtatanong lang sa kakambal ko. I checked the hour for the nth time, it's already 9 in the morning but Yana is still in her room. It's sunday and it means Yana's lazy day. Baka wala talagang balak lumabas ng kanyang silid ang babaeng iyon. Nang hindi na ako makatiis pinasok ko na ang silid niya. Hindi na ako nag-abalang kumatok pa, sanay na siya na bigla na lang akong pumapasok sa kwarto niya lalo na tuwing ganitong araw. Tama nga ako, hindi pa siya bumangon at nakatalukbong pa sa kumot.  "Yana, bumangon ka na dyan, tanghali na," sabi ko sabay hila ng kumot. "Josh, ano ba! Alam kung linggo ngayon kaya hayaan mo na muna ako pwede? Gusto ko pang magbabad dito sa kama ko," wika niya at tumalukbong ulit ng kumot. Napailing na lang ako, "ayaw mong bumangon ha, kaya humanda ka." Dahil hindi pa rin siya kumilos, itinuloy ko na ang balak ko. Sumampa ako sa kama niya at simulan siyang kilitiin "Haha.... hahaha..... hahaha.... tama na, a...yo...ko... na..... Josh..... hahaha.... hindi ako ma....ka...hi...nga...." Napahiga na din ako sa kama niya. Itinigil ko na ang pagkiliti sa kanya at niyakap na lang siya. Nakasandal ako sa headboard ng kama at siya naka-unan sa dibdib ko.  "Uhm, sis," tawag ko sa kanya, "may itatanong ako." "Ano yun?" "Anong meron kay Shandra at Zander? Just curios," agad na sabi ko bago pa siya mag-isip ng kung ano. "Mag-best friend, naalala mong dumating dito si Zander noong first year tayo? Inutusan sya noon ng lolo ni Shandra na sunduin dito si Shan, kailangan na kasi ni Shan na bumalik sa Japan that time. Ang alam ko anak si Zander ng kaibigan ni Tita Yuri kaya noong sabay na namatay sa isang aksidente ang parents ni Shan ang tumayong mga magulang niya. Since then, they're always together." "Wala ba talagang namamagitan sa kanila? Iba kasi ang kilos ni Zander pagdating kay Shandra. Hindi ba sila pinagkasundo? Yung, alam mo na, arrange or something like that." "Ah! Iyon ba? Sa pagkaka-alam ko hindi eh. Saka kapatid ang turing nina Shan kay Zander at ganun din ito. Gusto nga nina Shan na ampunin si Zander legally para magamit din nito ang Davies. Para legal na din ang pagiging parte ni Zander sa family nila, kaso ayaw daw ni Zan---" "Sabi ko na eh, kaya ayaw niya dahil siguro higit pa sa kapatid ang pagtingin niya kay Shan," agad akong nakaramdam ng sakit ng bigla na lang niya akong binatukan. "Sira, patapusin mo kasi muna ako pwede? Ayaw ni Zander for a sentimental reason. Pangalan na lang daw kasi niya ang pinakamahalagang alaala na iniwan sa kanya ng parents niya. Teka nga, ba't ka ba kasi tanong ng tanong?" Naka-kunot noong tumingin siya akin.  Shit! Mukhang naka-halata na siya. Ngayon lang naman kasi ako nagtanong ng mga personal na bagay tungkol sa bff niya. "Wala lang, curious nga lang ako," palusot ko. "Iba nga kasi ang kilos ni Zander pagdating kay Shandra. Yun bang hanggat nandiyan siya walang makakalapit sa bff mo." "Anu naman ang kakaiba dun? Si Shan ang bunso, si Ate Yen busy dito at sa iba nilang business. Si Kuya Shi busy din sa Japan, taga-pagmana eh, kaya lang naman siya laging nandito kasi mas gusto niyang dito mag-aral kasama mga kapatid niya. Ang parents naman nila, nandoon sa kung saang bahagi ng mundo. Kaya si Zander appointed himself to protect Shandra at all cost. Overprotective nga silang lahat na minsan naiinis na si Shan, lalo na ang dalawa---" - Yana "Sinong dalawa?" putol ko ulit sa sinasabi niya. "Si Kuya Shi at Zander, pero wala daw ang dalawang yun kung ikumpara kapag nasa Japan siya, masyado kasing overprotective ang lolo ni Shan. At kapag nandoon siya hindi niya nagagawa ang gusto niya, buti nga at nandiyan si Zander, malaya lang kasi siyang makakilos doon pagkasama niya ito. Kaya mas gusto niya dito, mas malaya siyang nakakagalaw." "Ibig sabihin kapag wala si Zander parang bilanggo siya doon?" "Hindi naman sa ganun. Teka nga, kanina ka pa nagtatanong tungkol kay Shan at Zander. Don't tell me, may gusto ka kay Shandra?" "Para nagtatanong lang may gusto na agad?" "Aminin mo na kasi may dear brother, tutulungan kita." "Wala nga sabi, ikaw talaga, kung anu-ano na naman ang iniisip mo." "Kung ganun, intrigero ka lang talaga? Lumabas ka na nga, bababa na din ako. Inistorbo mo na kasi ako eh, nasira tuloy ang day dreaming ko," naiinis na pinaghahampas niya ako ng unan. "Oo na, lalabas na. Bilisan mo na dyan, hindi pa ako nag-aalmusal. Gutom na din ako kaya bumaba ka na at sabay na tayo kumain," sabi ko sa kanya saka tuluyang bumaba ng kama. Remembering what Yana said I can't help but think if there's something more about Shandra that we didn't know yet. It feels like she's shrouded by mystery. Grey never said anything or maybe he's not aware of it too? Well, it's not my problem anymore. It's Chase who's in love with her not me. And I did my part already.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD