PHILIPPE Sobrang saya ng araw ko dahil okay na kami ni Alessandra. Ang akala ko ay mag-aaway na naman kami dahil sa babae. Aaminin kong nagkamali rin ako. Sana nag-message ako sa kanya na lalabas ako at hindi siya naghintay sa akin. Nang maihatid ko ang mga anak ko ay nagpunta na ako sa work. Papasok na sana ako sa loob ng elevator may tumatawag sa pangalan ko. “Philippe!” Lumingon ako. Nawala ang saya ko nang makita ang taong tumawag sa akin. Ayoko man maging bastos, pero ayoko nang magkaroon pa ng problema sa asawa ko. “Hi, ano ginagawa mo rito?” Tanong ko. Napatingin ako sa hawak niyang dalawang cup ng coffee na binili niya sa mamahaling coffee shop. “Ibibigay ko lang sana sa iyo ito,” sabi niya at binibigay sa akin ang kape. “Hindi na kasi ako nagkakape. Bawal na kasi sa aki

