PHILIPPE Gulat na gulat si Alessandra nang makita niya ako. Thanks to my parents because they give me the address of our house. Sinalubong ako ng mga anak ko. Nagpakarga agad ang anak kong bunso. Hinagkan niya ang pisngi ko. “Daddy, dito ka na titira?” tanong ng anak kong bunso. Napangiti ako dahil mukhang miss na ako ng mga anak ko. Tumango ako. “Talaga Daddy? Hindi ka nagjo-joke?” tanong ni Samantha. Niyakap niya ako. “Na-miss ko na kasi kayo mga anak.” Tuwang-tuwa ang mga anak ko sa sinabi ko. Although hindi ko pa masyadong natatandaan ang iba ay pipilitin kong maging mabuting ama sa mga anak ko. Ramdam ko ang pagmamahal nila at pagka-miss sa presensya ko. Tanging si Alessandra lang ang hindi masaya. “Mag-uusap lang kami ng Mommy niyo. Doon muna kayo sa silid ninyo,” utos ko

