PHILIPPE Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan ko. Tumawag ang principal sa school ng anak ko dahil may nagtangkang kumuha rito. Mabuti na lang maagap ang guard na nakabantay sa gate ng school at hindi nila nakuha ang bunso kong anak. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makarating agad sa principal’s office. Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang anak kong nakayakap kay Alessandra habang umiiyak ng malakas. Agad akong lumapit sa mag-ina ko. “You’re safe now baby. We’re here,” pagpapakalma ko sa nanginginig na anak ko. He keeps crying out loud while hugging her mother tightly. Napatingin sa akin si Alessandra. “Kailangang mahuli ang nagtangkang kumuha sa anak natin. Hindi na safe ang mga anak natin,” aniya habang may luha sa kanyang mata. Hinawakan ko ang balikat niya at

