PHILIPPE Habang nagpapaliwanag sa harapan ng mga ka-meeting ko ay biglang bumukas ang pinto ng conference room. Ang lahat ay napalingon sa taong nasa pintuan. Nangunot ang noo ko dahil kilala ko ang taong pumasok. “Calixta?” I said. Nagulat pa siya nang makita niya ako. Napangiti nang alanganin ang babae at napakamot sa ulo niya. Mukhang nahiya sa biglaang pagbukas ng pinto. “Hi, po, Mr. Escobar. I am sorry po dahil maling room pala ang napasukan ko.” Hinging paumanhin niya sa amin. Napatingin ako sa hawak niyang paper bag. Siguradong pagkain iyon. Nakakatuwa nga siya dahil mahal na mahal niya ang kanyang ama. Kahit may pasok pa siya ay sinisikap niyang dumaan dito sa opisina upang ihatid ang pagkain ng ama. Madalang na lang sa anak na maging sweet sa magulang. Napakabait na anak.

