ALESSANDRA “Daddy! Daddy!” Iyak ni Samantha habang hawak ang ama at niyuyugyog. Napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa walang malay na si Philippe. Lumapit ang lima ko pang mga anak. Umiiyak sila habang tinatawag ang kanilang ama. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang kamay ni Philippe. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila, nakatutok lang ang tingin ko sa kanya. “Mommy si Daddy, hindi siya gumagalaw!” Umiiyak na wika ni Alessan habang yakap ang ama. “Mommy, what happened to Daddy?” Tanong ng anak kong si Lessandro na kadarating lang. Doon palang ako natauhan nang marinig ko ang boses ng anak kong panganay. “Ihanda mo ang sasakyan dadalhin natin sa ospital ang Daddy niyo!” Utos ko kay Lessandro. Tumango ang anak. “Lea

