PHILIPPE Napaangat ako ng tingin nang pumasok ang taong hindi ko inaasahang darating. Tumayo ako upang salubungin ang taong iyon. “Napadalaw ka?” sabi ko nang makalapit sa kanya. Nagyakapan kaming dalawa. “I just making sure you’re okay and if you taking your medicines,” sabi ng kaibigan kong doktor. Siya ang personal doktor ko. Umupo kami sa sofa. “Huwag kang mag-alala dahil palagi kong dala ang gamot ko.” Nakangiting sabi ko. “Bakit hindi mo pa sabihin kay Alessandra tungkol sa condition mo? Pare, nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko sa asawa mo. Mabuti ang asawa mo sa akin at hindi ko kayang magsisinungaling sa tunay mong lagay. May mga paraan naman para. . .” “I don’t want to talk about that matter here. Baka marinig ka ng secretary ko na nasa kabilang pader lang.” Babal

