ALESSANDRA Habang inaayos ang schedule ni Tristan dumating ang dati niyang asawa.” Ano’ng masamang hangin at nagpunta ang babaeng ito dito? Tumapat sa table ko ang babae. Napaangat ako ng tingin. Bahagya kong nginitian ang babae kahit naiinis ako sa kanya. Irap lang naman ang natanggap ko sa kanya. “Bakit kailangan mo pang magtrabaho kung kaya ka namang suportahan ni Philippe? Don’t tell me may gusto ka sa ex-husband ko? Well, ayos lang sa akin na kayo ang magkatuluyan ng ex-husband ko at kami naman ni Philippe. Oh, ‘di ba ang saya nag-exchange lang tayo,” sabay tawa niya. Mahigpit kong hinawakan ang ballpen na hawak ko. Gusto kong ibalibag sa kanya ang hawak ko. Nakakainis ang komento niya. Hindi tama ang pinagsasabi niya, my god! Gusto ko siyang pagsabihan na magdahan-dahan sa mga si

