AN:#Penultimate Tuloy tuloy ang luha ni Julie habang nakasakay sila sa kotse kung saan si Fhamela ang nagmamaneho. Matapang siya. She was strong. But when it came to Elmo, she just turned into jelly. "Bes bes shh. Elmo's going to be alright." Ani Maqui na yinayakap siya. Hindi naman umimik si Julie at tuloy lamang sa pagiyak. Tinatakpan niya ang kanyang bunganga para hindi siya masyado makagawa ng ingay. Pero sumasakit na ang dibdib niya sa pagiyak. Marinig lang niya na nabaril ang asawa ay hindi na siya magkandaugaga. "Maq hindi ako pwede iwan ni Elmo. Paano na lang kami ni blob?" She cried as she breathed in hard. "Blob needs to see her dad!" "Sshhh shhh tahan na." Alo ni Maqui sa pinakamatalik na kaibigan. She hugged Julie close and allowed her to cry on her chest. Wala na din na

