AN: Happy JuliElmo day fam! There is always life in us *wink wink* Patuloy si Julie sa paghahalo ng sauce para sa linulutong pasta carbonara. Saka naman tumunog ang oven kung saan linuluto niya ang base ng cake. Mabilis niyang kinuha ang oven mitts at sinuot iyon bago ilabas ang pinaka spongebase ng ginagawang cake. "Tags take it easy baka mapano kayo ni Blob!" Bigla namang labas ni Elmo kung saan. Inikot ni Julie ang mga mata at ipinatong ang sponge base sa lamesa. "Tags..." Ani Julie at napamaywang pa. "5 weeks pa lang si Blob! Maliit pa nga tiyan ko eh." Napanguso naman si Elmo at lumapit para iikot ang mga braso sa maliit na baywang ng mapapangasawa. "E siyempre gusto ko lang ingatan ang mag-ina ko. Take it easy, mamaya darating din naman sila Maqui. Sa kanila mo na ipaubaya."

